Chapter 12

34 3 0
                                    

DENZEL's Pov


Kinabukasan pagbaba ko nakaamoy na agad ako nang mabangong pagkain. Sinundan ko ang amoy na iyon hanggang sa makarating ako sa may kusina.


Bumalik na siguro si Manang Xena.


"S-sir..." Gulat na tawag ko nang makita siyang nagluluto na nang almusal. Dali-dali akong lumapit sakanyang kinaroroonan. Masyado siyang hot para magluto ng ganito ka aga. Bagay na bagay sakanya ang malinis at maputing apron na suot-suot niya.

"Nandito ka na pala." Bungad niya.

"Ganitong oras naman po talaga pababa na ako, Sir. Napaaga naman po yata ang paggising niyo ngayon at kayo pa talaga ang nagluto. Hayaan niyo po mas aagahan ko pa sa susunod." Mahabang pahayag ko.

"No. It's okay. Hindi na kasi ako makatulog kaya bumaba na ako. Lalo na't hindi pala ako nakakain kagabi."

"Pasensiya na po." Paghingi ko nang tawad.

"For what?" Tanong niya at mabilisan niya lang akong sinulyapan bago binalik ulit sakanyang niluluto ang paningin.

"Dahil ginabi na po kami nakauwi ng kaibigan niyo. Hindi ko po tuloy kayo napagluto. Sorry po talaga." Muli kong paghingi ng tawad.

"No problem." Simpleng sagot niya.

"Patapos na ako dito. Gumawa ka na nang kape natin, para makakain na tayo." Dugtong niya.


Alanganing nasunod ako. Nakakapagtaka lang na naging ganito ang senaryo namin ngayong umaga. Parang hindi ko maramdamang katulong ako ngayon. Nakakapanibago.


Pagkatapos kong magtimpla, tinulungan niya rin akong maghain. Kung dati-rati umuupo nalang siya at hinihintay akong matapos maghain nang pagkain sa harapan niya.


Lihim akong napapangiti.


"Why are you smiling at?" Kunot-noo niyang tanong.


Nakagat ko ang labi ko. Nakita pa pala niya iyon.


"W-wala po. Gutom lang 'to." Iiling-iling na sagot ko.

"Tch! Mauna ka nang kumuha." Usal niya. Napailing ako.

"W-wag na po. Kayo na po mauna." Sagot ko.

"Mauuna ka o ipaglalagay pa kita?" Tanong niya.

"K-kayo na Sir."


Nagulat ako nang bigla itong tumayo at pumunta sa tabi ko.


"Anong gagawin niyo Sir?" Tanong ko, pero hindi na niya ako sinagot. Kinuha niya ang bowl na naglalaman na sinangag at nilagyan ang pinggan na nasa harapan ko.

"S-sir." Kagat-labing sabi ko, nagpipigil kilig.


Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Nahihiya ako sa ginagawa niya, pero may parte talaga sa akin na kinikilig ang lamang-loob ko.


Tang grapes!


Pakiramdam ko nagkapalitan kami ng sitwasyon. Ako na ang amo at siya na ang aking katulong.


"Let's eat." Sambit niya na nakapagpabalik sa ulirat ko.


Wala na pala siya sa tabi ko at nakapaglagay na rin siya nang pagkain sa pinggan niya.


"Ano 'to?" Gulat na tanong ko habang nakaturo sa pinggan ko.

"Food. Isn't obvious?" Sagot niya, tsaka sumubo.

"Alam ko, pero bakit ganito naman kadami, Sir?" Reklamo ko, kasi naman sobra talagang dami. Wala na akong makitang space sa pinggan ko.

"Ubusin mo 'yan, nang magkalaman-laman ka naman. Hindi 'yung puro dib---"


Inamba ko sakanya ang tinidor na hawak ko, kaya hindi na niya natapos ang ano 'mang kanyang sasabihin. Napalitan nalang ito nang pilyong ngisi.


Inaano ba siya ng dibdib ko at kadalas niyang mapansin?


"Uubusin ko na." Sarkastikong usal ko tsaka sumubo.


"Yipee I-O
Yipee I-yay
Yipee I-Callie-ka-yay...


Sa kalagitnaan naming tahimik na pagkain, biglang may pamilyar na kanta kaming narinig. Nagtaka ako dahil hindi mapakali si Sir. Parang natataranta ito habang may kinukuha sakanyang bulsa.


"Hey! I'm Callie, and I'm the sheriff
Got my badge here on my vest
I'm ridin', I'm ropin', I'm makin' friends
Some say I'm the best in the west."


Mas lalong lumakas ang tunog na iyon nang makita kong makuha na ni Sir Imperio, ang kanya palang cellphone.


Tatawa na sana ako nang malakas, ngunit maagap niya akong siniringan ng tingin. Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko upang pigilan ito.


Seriously, theme song ng Sheriff Callie's Wild and West, ang ringtone niya? Hahaha...


"Napatawag ka?" May bahid na pagkairita sa boses niya ng sagutin niya iyon.


Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, dahil hindi ko naman naririnig ang sinasabi nito sa kabilang linya. Kunot noo niya lang itong pinakikinggan.


"Happy trip." Sa hinaba-haba siguro nang sinabi ng kausap niya, iyon lang ang sinagot niya.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon