Chapter 6

56 4 0
                                    

DENZEL's Pov


Lumipas ang ilang araw ng hindi ko namamalayan. Nagulat nalang ako, nang abutan kami ng pera ni Sir Imperio. Nakakaisang linggo na pala ako, kaya nakatanggap ako nang 500 pesos bilang allowance kuno daw.


"Manang ito 'yung credit card 'pang grocery niyo. Bilhin niyo lahat ng kakailanganin dito sa bahay. Isuli niyo nalang sa'kin kapag tapos ng gamitin." sabi ni Sir, sabay lahad ng credit card na kinuha naman ni Manang Xena.

"Sige, hijo. May nais ka 'bang ipabili?" tanong ni Manang sakanya.


Umiling lang ito, habang inaayos ang necktie niya.


"Wala po Manang. Aalis na rin po ako, mag-iingat kayo." paalam niya.

"Mag-iingat ka rin, hijo." sabi naman ni Manang.


Tumango lang ito 'kay Manang, tsaka sumulyap sa akin sandali bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin, hanggang sa makalabas.


"Gusto mo 'bang sumama mamili?" tanong sa akin ni Manang. Nabaling naman ang tingin ko sakanya.

"Kung sasama po ako, walang maiiwan rito." sagot ko.

"Oo nga pala. Oh, siya magbibihis lang ako. May ipapabili ka ba?" tanong ni Manang.


Umiling-iling ako.


"Wala po Manang." sagot ko.


Bukod sa wala naman akong kailangan bilhin, itatabi ko nalang muna ang perang ibinigay 'pang allowance ni Sir. 'Tsaka na ko gagastos kapag nakaluwag-luwag na ako. Laking pasasalamat ko na nga, dahil libre lahat dito. Mapapagkain at maayos na tirahan.


Nagsimula akong maglinis-linis. Maya-maya ay nakita ko ng pababa si Manang Xena, na maayos ng nakabihis.


"Baka abutin ako ng tanghali, hija. Marunong ka naman magluto, diba?" tanong ni Manang.

"Opo, Manang." sagot ko.

"Huwag 'kang magpapapasok ng kahit sino, hija. Lalo na't 'di mo kakilala." bilin niya.

"Opo, Manang. Ako na 'pong bahala." nakangiting sagot ko.

"Sige, maiwan na muna kita rito." paalam niya.

"Mag-iingat po kayo." paalala ko.

"Ikaw din. Pakisara ng mabuti ang pintuan." pahabol niya.


Tumango nalang ako at hinatid siya hanggang labas ng gate.


Nagpatuloy ako sa paglilinis. Maliban sa pool area, ay hindi ko iyon ginalaw. Pagkatapos ko ay naghanda naman na ako para makapagluto. Nagsalang na ako ng kanin, sunod ay hinanda ko na ang mga rekados na kakailanganin ko. Dahil namiss ko ang bulalo, ay iyon ang lulutuin ko.


Nagulat ako nang tumunog ang telepono. Hinihintay ko nalang kasi lumambot ang karne at patapos na ako. Naglakad ako patungo roon, upang sagutin ang tawag.


"Hello po?" patanong na bungad ko.

"Miss Delgado?" natigilan ako ng marinig ang malamig na boses ni Sir Imperio, sa kabilang linya.

"Y-yes, Sir?" nautal na tanong ko.

"Nasaan si Manang?" tanong niya.

"Wala pa po Sir, nag-gogrocery pa po." sagot ko.

"Ganoon ba?" sagot niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"M-may kailangan po ba kayo Sir?" tanong ko.

"Mayroon sana, kaya lang wala naman pala si Manang." sagot nito.

"Ano po ba iyon, Sir at ako nalang ang gagawa?" tanong ko. Parehas naman niya kaming katulong, kaya maaaring utusan niya rin ako.

"Kaya mo ba?" tanong niya.

"Baka pwede 'pong sabihin niyo muna sa akin, bago ako sumagot?" alanganin sambit ko.


Natawa naman siya. Napakagat labi naman ako.


Tama naman ako, diba? Magtatanong siya, kung kaya ko ba. Eh, hindi pa naman niya sinasabi kung ano iyon.


"P-pwede po pakibilisan, iyong niluluto ko po kasi..." sambit ko.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon