Chapter 9
DENZEL's Pov
Nagising ako nang may narinig akong umiiyak. Napabangon ako bigla at napatingin sa kabilang kama, kung saan naroon si Manang. Mabilis ko itong dinaluhan.
"Manang, bakit ka po umiiyak?" Pupungas-pungas na tanong ko."Manang, ano po'ng nangyari?" tanong ko ulit, dahil hindi niya ako sinasagot. Nag-aalala na ako. Gising na gising narin ang diwa ko.
Natataranta na ako dahil lalo lang siyang humahagulhol. Nakailang ulit na akong tanong, habang inaalo siya pero hindi ko siya mapakalma.
Iniwan ko ito sandali at tumakbo palabas ng kwarto. Mabilis kong tinungo ang kabilang dulo at kumatok ng kumatok sa kwarto ni Sir.
Ilang sandali lang bumukas na ito at tumambad sa likod ng pinto si Sir, na halatang nagising ko sa pagkakatulog.
Ngumisi ito habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero wala akong panahon para tanungin siya. Hinila ko ito palabas ng kwarto niya.
"Where are you taking me, Miss Delgado?" tanong niya, pero hindi sa mata ko nakatingin."Sir si Manang po, iyak ng iyak." sagot ko.
"Why? What happened?" tanong niya.
"Hindi ko alam, Sir. Tinatanong ko siya, pero ayaw niya akong sagutin. Lalo lang siyang humahagulhol." sagot ko.
Kanina ako ang humihila sakanya, ngayon naman ako na ang kinakaladkad niya. Walang hiya!
Pagpasok namin sa kwarto walang nagbago, umiiyak parin si Manang. Nilapitan siya ni Sir, ako naman dumiretso sa mini fridge at kumuha ng tubig.
"What happened, Manang? Why are you crying?" rinig kong tanong ni Sir.
Pinalis naman ni Manang ang kanyang luha at tiningala si Sir.
"Manang, uminom po muna kayo." sambit ko at binigay ang isang basong tubig.
Kinuha niya iyon at dire-diretsong ni lagok. Hinagod-hagod ko siya sa likod, para kahit pa paano mapakalma ko siya..
"A-ang asawa ko..." garalgal na sambit niya."Ano po'ng nangyari 'kay, Mang Pepito?" nag-aalalang tanong ni Sir.
"Tumawag sa akin ang anak ko. Ang sabi niya na stroke daw ito." muli kong hinagod si Manang, dahil napaiyak siyang muli.
"Hindi siya mababantayan ng mga anak ko nang mabuti, dahil may kanya-kanya na silang pamilya. Sobrang nag-aalala ko para sa asawa ko." dugtong ni Manang.
"Hindi po ba kayo uuwi, para dalawin ang asawa niyo, Manang?" tanong ko.
"Gusto kong umuwi para matingnan siya, pero paano kayo dito. Paano ka hija, maiiwan 'kang mag-isa dito." sambit niya. Napatingin ako 'kay, Sir. Oo nga pala.
"Sa tingin ko kaya ko naman po'ng gawing mag-isa ang mga gawain dito. Tsaka sanay naman akong mag-isa, Manang." biro ko sa huling linyang sinabi ko.
Nangiti lang ito ng bahagya.
"Maari naman akong humanap ng papalit sa'yo Manang, 'pangsamantala." suhestiyon ni Sir."Huwag na Sir, kakayanin ko naman po'ng mag-isa. Nakakahiya naman po kung hahanap pa kayo ng isa at pagbalik ni Manang, matatapos na rin ang trabaho niya. Hintayin nalang po natin makabalik si Manang." mahabang litanya ko.
"Pero hija, hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mawawala at makakabalik."
"Ipagdadasal ko po lagi si Mang Pepito, para mapabilis ang paggaling at nang makabalik na kayo dito agad Manang."
"Sigurado 'kang kaya mo, hija?" tanong niya, may bahid na pag-aalala.
"Oo naman po. Alam kong mabait si Sir, hindi niya ako pahihirapan ng sobra, diba Sir?" Baling na tanong ko 'kay Sir.
Kunot-noo siyang tumango, parang nag-aalangan pa.
"Kita muna Manang, malapit lang sa impyerno ang apelyido niya pero mabait si Sir." Natatawang sambit ko."What did you say?" naniningkit matang tanong niya.
Nagsasalubungan na ang mga kilay niya at kunot na kunot ang kanyang noo. Patay!
"Manang, may sinabi ba ako? Sabi ko mabait at gwapo si Sir, diba Manang? Diba? He he he..." Baling ko 'kay Manang, at pilit tumawa.

BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomantikLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...