Chapter 4

91 7 0
                                    

WARNING: Medyo SPG
--------------------------------------

DENZEL's Pov

Dumaan ang maghapon na naging maayos naman ang unang trabaho ko dito. Hindi naman ako masyadong nahirapan, dahil tama naman ang sinabi ni Manang. Hindi masyadong mabigat na trabaho ito, lalo na't nagtutulungan naman kaming dalawa.

Pasado alas-diyes na ng gabi, pero narito parin ako sa may living room nakaupo sa malambot na sopa. Hinihintay kong dumating si Mr. Imperio, dahil hindi pa ito umuuwi. Pinauna ko na rin si Manang, makapagpahinga sa taas.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng may narinig akong maingay na nagmumula sa labas.

Dali-dali akong lumapit roon at sinilip kung sino iyon. Mukhang hirap na hirap siyang buksan ang pintuan. Nagmadali akong buksan iyon, nang makita ko si Mr. Imperio.

Pagkabukas na pagkabukas ko, hindi ko namalayan na babagsak pala siya sa'kin. Kaya naman parehas kaming bumagsak sa sahig. Buong bigat niya ay pasan-pasan ko na.

"S-sir!" tawag ko at marahan siyang niyugyog.

"Uhmmm..." mahinang ungol niya at bahagyang gumalaw.

Natigilan naman ako ng may maramdaman akong nakaumbok sa may bandang puson ko. Mabilis ko itong tinulak, hanggang sa bumagsak siya sa tabi ko.

"Uhmmm..." muli siyang umungol.

Niyugyog-yugyog ko ito baka sakaling magising siya.

Bumangon na ako at marahan tinapik siya sa pisngi. Amoy na amoy ko ang alak na ininom niya. Hindi ko alam kong anong gagawin ko sa lalaking ito. Hindi naman pwedeng pabayaan ko nalang siya rito, hanggang sikatan ng araw.

"Sir aalalayan ko po kayo papuntang silid niyo."

Sinubukan kong buhatin siya patayo, pero hirap na hirap ako. Sobrang bigat niya na halos kalahati lang yata ng timbang ko, ang sakanya.

Mas mapapadali sana kong may katulong akong umalalay sakanya, pero naisip kong tulog na si Manang ngayon. Ayaw kong magambala pa ang kanyang pagtulog.

"Sir, 'wag ka naman po'ng mag pa bigat!" reklamo ko.
 

Ilang bagsak pa ang inabot namin bago ko siya tuluyang naitayo. Inangkla ko ang braso niya sa balikat ko at hawak-hawak din siya sa bewang niya. Ang sakit-sakit na ng katawan ko.

Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko. Kulang nalang talaga ay buhatin ko na siya paakyat. Halos gumapang na kami sa may hagdan. Inabot siguro kami ng kalahating oras, bago kami makarating sa silid niya.

Pakiramdam ko ay naligo na ako sa sarili kong pawis. Pabagsak ko itong binitawan sakanyang kama.

"Aaaaah..." tili ko nang mahatak niya ako at sumunod pagbagsak sa ibabaw niya.

Nagmulat siya ng mga mata at walang pakundangang, hiniwakan ang magkabilang pisngi ko. Inilapit ito sakanya at mariing siniil ang mga labi ko.

Shit!

~tug dug tug dug tug dug tug dug~

Hindi ko namalayan ang mabilisan niyang pagkilos, hanggang sa magkapalitan na kami ng pwesto. Ako na ang nasa ilalim at siya naman ang nasa ibabaw ko.

"S-sir---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, nang bigla na niyang sunggaban muli ang labi ko. Hindi ko magawang kumilos at nanatiling gulat sa mga nangyayari.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon