Chapter 10

42 3 0
                                        

DENZEL' Pov


Kinabukasan maaga akong naghanda nang almusal. Habang wala pa si Sir, nagsimula na ako maglinis-linis. Nang marinig ko na ang mga yabag niya pababa ng hagdan, tumungo na ako sa kitchen at pinagtimpla siya ng kape. Inilapag ko iyon sa harapan niya.


Naupo na rin ako.


"Maaari ba akong magtanong, Sir?" Maingat na tanong ko.

"Nagtatanong ka na, Miss Delgado."

"Eh?" Napanguso naman ako.

"Tch! What is it?" Kunot-noo niyang tanong, sabay higop sa kape.

"Kagabi ko pa sana itatanong kung nakarating ba nang maayos si Manang sakanila, Sir?" Tanong ko.


Nag-iwas ito nang tingin, napagtanto niya siguro iyong 'pangbabalewala niya sa akin kagabi.


"Tumawag siya kahapon pagdating niya roon. Mahihimigan sa tono niya ang galak at pananabik na makasama ang pamilya niya." Sagot ni Sir, napangiti naman ako.

"Gaano na po ba katagal nawalay si Manang sa pamilya niya?" Tanong ko ulit.


Humigop muna siya ulit sa kape niya bago ako binalingan.


"Naabutan ko na siya dito noong labing tatlong taon na ako. Sa pagkakaalam ko matagal na siyang kasambahay nila Mommy. Doon ako pinag-aral sa States, until now na pagbabalik ko siya parin ang nadatnan kong naninilbihan dito." mahabang pahayag niya.

"Sa States ka na lumaki, Sir?" naguguluhan tanong ko.


Napatango-tango naman ito.


"Nakwento sa akin ni Manang, na may kapatid daw po kayo?"

"Yes, si Nicole." Sagot niya.


Tumango-tango nalang ako at hindi na muling nagsalita. May isang bagay na gumugulo sa utak ko. Naguguluhan kasi ako kung bakit ang sinabi niya kanina ay naabutan niya dito si Manang, noong labing tatlong taon na siya. Sa States ba siya ipinanganak o doon siya lumaki hanggang labing dalawa, tsaka lang siya bumisita rito at bumalik rin?


Napailing nalang ako at sinubukang iwaksi ang gumugulo sa isipan ko.


"Are you okay, Miss Delgado?" Tanong ni Sir.

"H-huh? A-ah... Y-yes, Sir." Utal na sagot ko.


Tumayo na ito at inayos ang kanyang suot.


"I'm leaving." Usal niya.


Tumayo na rin ako.


"Sige, Sir. Mag-iingat po kayo." Sambit ko.

"You too." Simpleng sabi niya at tuluyan ng umalis.


Naulit lang kahapon ang nangyari, pagkatapos kong maglinis, maghapon kaming magkasama ni Denny. Mabuti na nga lang mayroong Denny, na handa akong samahan at hindi ipararamdam sa aking nag-iisa ako.


Si Denny na kasabay kong kumain.

Si Denny na kasabay kong manood.

Si Denny na kasabay kong makatulog.

Si Denny na lalambingin ka sa paraan ng pagdila-dila, at pagsiksik sa akin.

Lagi nalang si Denny... Si Denny na walang malay!


"Aray..." daing ko nang kalmutin niya ako braso.


May malay pala siya at parang nalaman niya kong ano ang iniisip ko.


"Halika nga, magluluto na tayo. Darating na ang amo natin maya-maya." Kausap ko, tsaka siya binuhat.


Nakakailang hakbang palang ako papuntang kitchen, nang narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Buhat-buhat ko si Denny, na tinungo namin ang gate palabas. Nang makalapit kami roon, isang gwapong magulo ang buhok ang bumungad sa'kin sa labas ng gate.


Tang orange!


"B-bakit po?" Tanong ko.


Napaatras ito ng isang hakbang at sumulyap sa gate number.


"Lumipat na ba sila?" Rinig kong sabi niya, pero sarili naman ang kausap niya.

"May kailangan kayo, Sir?" Tanong ko.

"Si Denny ba 'yan?" Tanong naman niya pabalik.


Kunot-noo akong tumango. Bakit  kilala niya si Denny?


"Nandiyan ba si Rojan?"


Kilala niya rin ang amo ko?


"Sino po kayo?" Tanong ko.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon