Chapter 3

71 7 2
                                    

DENZEL's Pov


Hindi pa pumuputok ang araw, ay nagising na ako. Kung matutulog pa akong muli, baka tanghaliin na ko ng gising. Kaya naman bumangon na ako at naghanda. Kinuha ko ang gamit ko at maayos na nilagay iyon sa cabinet. Ngayon ko lang napagmasdan ang buong kwarto. Malaki ito para sa amin ni Manang, parang hindi katulong ang natutulog. May kalakihan rin ang TV, may sariling banyo, at tig-isang kama na 'pang dalawahan ang pwedeng mahiga roon.


Pagkatapos kong maligo, ay saktong paggising ni Manang.


"Ang aga mo'ng nagising, hija." sabi ni Manang.

"Baka po kasi tanghaliin pa ko, kapag natulog ako ulit, Manang." sagot ko.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong niya.

"Opo, Manang." nakangiting sagot ko.

"Mabuti naman. Sige, maliligo na rin ako. Hintayin mo ako at sabay na tayong bumaba."

"Sige po Manang."


"May uniform po ba tayo, Manang?" tanong ko, pagkalabas niya sa banyo.

"Wala hija, magsusuot lang tayo ng apron at hairnet, kapag magluluto tayo at maghuhugas." sagot ni Manang.

"Ganoon po ba? Kahit ano nalang po pala ang suotin natin." tatango-tangong sabi ko.

"Oo, basta 'wag lang trahe de boda." sabi ni Manang, na siyang ikinahagalpak ko ng sobra.


Galing din mag joke ni Manang. Parang 'di pa inaatake ng rayuma. Hahaha...


"Bumaba na nga tayo." tumango lang ako at sumunod sakanya.


Isang simpleng white v-neck shirts lang ang suot ko at black shorts na hanggang tuhod ang haba. Binigyan ako ni Manang ng tsinelas panloob, kaya iyon ang sinuot ko.


Dumiretso kami sa kitchen. Nagsuot kami ng hairnet at apron na kulay puti na may nakaburdang IMPERIO.


Nice!


Kumuha sa fridge si Manang ng itlog, hotdog at spam. Tinulungan ko siya sa paghahanda.


"Manang, ano-ano po ba ang mga dapat gawin?" tanong ko.


Sinimulan na ni Manang magluto, habang ako naman ay tinatapos 'pang ihanda ang iba.


"Madali lang naman, hija. Iyong mga gawain bahay lang. Tulad nang paglilinis, pagluluto, paglalaba, pagdidilig ng halaman, paglilinis ng pool, mag grocery at pagsunod sa utos ni Mr. Imperio o ano 'pang hindi ko nabanggit. Magtutulungan naman tayo, kaya hindi mabigat na trabaho, hija." mahabang litanya ni Manang.

"M-manang?" utal na tawag ko, nilingon naman niya ako.

"Hindi po ako marunong lumangoy, baka po kapag nilinis ko ang pool mahulog ako." nakatungong sabi ko.

"Iyon lang ba ang hindi mo kayang gawin sa mga sinabi ko?" tanong ni Manang. Tumango ako sakanya, bilang sagot.

"Wag 'kang mag-alala, hija. Ako na gagawa nu'n." nakangiting  sabi ni Manang.

"Talaga po?" tanong ko.

"Hindi mo ba sinubukan magpaturo sa iba, kung paano lumangoy?" tanong niya. Umiling-iling ako.

"Hindi po, natatakot po kasi ako, Manang. Dalawang beses na nga po ako muntik nang malunod e." nakabusangot na sagot ko.

"Mabuti naman at nakaligtas ka parin, hija." sabi ni Manang.

"Nakaligtas nga po ako. May isang tao naman nawala nang dahil sa'kin." malungkot na sabi ko.

"Nawala? Sino?" takang tanong niya.


Kwinento ko 'kay Manang ang nangyari, tungkol sa pagsagip sa akin ni Papa Dencio noon at pagkawala.


"Hindi mo naman kasalanan iyon, hija. Iyong kapatid mo ang may kasalanan, kung bakit namatay ang Papa ninyo." usal niya.


"Kasalanan ko 'man o hindi, pinagsisisihan ko parin iyon, Manang. Halos araw-araw kulang nalang bangungutin ako. Kahit pa paano nagpapasalamat ako na nabawasan na iyon, at minsan nalang mangyari." usal ko.


"Hindi ko pa 'man lubos nalalaman ang pinagdaanan mo, ngayon palang parang nalulungkot na ako sa sinapit mo." usal ni Manang. Pilit na ngiti naman ang binigay ko.


"Ang mabuti pa, tawagin mo na si Rojan sa kwarto niya. Patapos na ko rito, hija." usal ni Manang

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon