DENZEL's Pov
"Lamok?" kunot-noo niyang tanong.
Tumango lang ako, at humigop sa kape ko.
"Kung ganu'n linisin niyong mabuti ang kwarto ninyo, para hindi kayo kinakagat ng lamok." usal niya."O-opo, tapos na po ba kayo, Sir?" tanong ko.
Tumango naman ito, kaya tumayo na ako.
"Magliligpit na po ako, Sir."
Kinuha ko ang kanyang pinagkainan at nilagay iyon sa sink, tsaka ko hinugasan ang mga ito.
"H-hindi pa po ba kayo papasok, Sir?" nautal na tanong ko, dahil naroon parin siya.
Naramdaman ko ang kanyang pagtayo, kaya nilingon ko ito. Diretso ang kanyang tingin sa akin.
"Iwasan mo ang malaking lamok, baka sa susunod madengue ka na." nakapamulsang sabi niya at hinagod ako nang tingin mula sa baba, pataas!
Natigilan ako, at sunod-sunod ang nagawa kong paglunok. Nakahinga lang ako ng matiwasay, nang umalis na siya dito.
Bakit pakiramdam ko, iba ang ibig niyang sabihin roon?
Mabagal ang naging pagkilos ko. Kaya natagalan akong matapos sa paghuhugas, kahit kaonti lang naman ito.
Nang matapos ako hinanap ko si Manang, kung nasaan siya. Nadatnan ko naman ito sa kwarto ni Sir, na abala sa paglilinis.
"Manang, tulungan ko na po kayo." usal ko at nilapitan siya."Sige, hija. Salamat."
Tinulungan ko siyang ayusin ang higaan ni Sir. Pinalitan namin ito ng bedsheet maging ang pillowcase ng unan niya.
"Manang, ano po'ng trabaho ni Sir?" tanong ko.
Hindi sa chismosa ako, pero kailangan ko naman siguro malaman iyon. Lalo na't nagtatrabaho din naman ako sakanya.
"Siya ang bagong C.E.O sa Imperio Group of Companies, na pagmamayari mismo ng pamilya niya." sagot ni Manang.
Sa sobrang pagkamangha ko, maaari nang pasukan ng langaw ang bibig ko ngayon mismo.
"Nasaan po iyong parents niya? Bakit siya lang mag-isa dito sa malaking bahay?" tanong ko, nang makabawi na ako sa pagkakamangha.
"Nasa States na sila. Tatlong buwan palang ang nakakalipas, magmula umalis sila rito. Si Rojan ay lumaki sa States, kasama ang kanyang isa 'pang kapatid na si Nicole. Nang makapagtapos na si Rojan sa pag-aaral. Pinauwi siya rito para pumalit bilang C.E.O, nang kanilang kompanya." mahabang pahayag niya.
Tumango-tango naman ako, habang ipinapasok sa utak ang kanyang sinabi.
"Wala na po ba silang balak bumalik dito? Hahayaan nalang ba nilang mag-isa si Sir?" tanong ko."Hindi ko alam, hija. Baka hanggang pagdalaw nalang siguro ang magagawa nila. Madalas naman sila mag-usap, gamit ang video call." usal ni Manang.
"Mabuti naman po, napapatakbo ng maayos ang kompanya. Kahit hindi po dito lumaki si Sir." sambit ko.
"Itinuro lahat ni Mr. Imperio, 'kay Rojan kung paano niya ito napatakbo at napalago ng maayos. Kaya naman hindi nangangamba ang mag-asawa, na ipinamana nila ito sakanilang anak." sagot niya.
Natapos kami ni Manang maglinis ng kwarto ni Sir, nang hindi ko namamalayan.
Sa kitchen naman kami nagtungo, upang makapagluto na kami ng pananghalian.
"Manang, madalas ba si Sir uminom?" tanong ko, pero 'di ako nagpahalatang interesado sa isasagot niya.
Tutok sa mga rekados na hinahanda ko ang paningin ko.
"Lasing ba siya kagabi?" tanong niya pabalik.
Nagtanong ako, tapos nagtanong din si Manang pabalik. Hindi ba pwedeng sagutin nalang niya ang tanong ko? Si Manang talaga.
"O-opo." sagot ko.
Napailing naman ito.
"Hindi naman siya madalas uminom. Kapag may problema lang o kaya may bumabagabag sakanya. Ano naman kaya't uminom iyon kagabi?" usal ni Manang.
Nagkibit balikat naman ako, dahil hindi ko naman alam ang dahilan. Kagabi ko palang naman nakitang lasing siya. At hindi ko na siguro nanaisin 'pang maulit na makitang lasing siya.
"Baka nagkaproblema lang sa trabaho." usal pa niya."K-kahit po ba lasing siya naaalala niya pa ang mga nangyari, paggising niya?" tanong ko.
"Oo..."
"Aray!" impit ko sa sakit, nang marinig ko ang sagot ni Manang.
Nahiwa ko ang daliri ko, imbis na ang rekados na ginagawa ko dapat mahiwa.
"Naku! Halika hugasan natin, hija." tarantang sabi ni Manang at hinila ako sa sink.
Maliit na sugat lang naman iyon, pero kung umagos naman ang dugo nito daig pa mauubos na ang dugo ko sa buong katawan.
"Ayos lang po ako Manang. Maliit na sugat lang po 'to. Malayong-malayo sa bituka." birong usal ko.
Natawa naman siya bigla. Binigyan niya ako ng band aid, kaya ibinalot ko ito sa sugat ko.
"Ikaw talaga. Mag-iingat ka na, tingnan mo'ng mabuti ang ginagawa mo." paalala niya.

BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomanceLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...