DENZEL's Pov
"Ako ba ang panonoorin mo at ayaw mo nang umalis sa ibabaw ko?" Hindi ko alam kung sinasadya niyang gawing nakakaakit ang tono ng boses niya. Naaakit ako!
Damn you, Sir!
"Did you hear me?" Sambit pa nito at mas lumapit sa mukha ko. Nanunukso.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nakagat ko iyon, dahil parang luluwa na ang puso ko sa bilis ng tambol nito.
Dahan-dahan siyang lumapit, naaamoy ko na ang chocolate na kinain niya, ngayon-ngayon lang. Nakapikit na ang kanyang mga mata na para 'bang hinihintay nalang niyang maglapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Pero bago pa maglapat iyon, mabilis akong umalis sa ibabaw niya at tumayo. Napamulat ito agad at hinanap ako sa paningin niya.
Nagawa kong pigilan iyon, dahil bigla nalang pumasok sa isip ko si Jan-Jan. Hindi ko alam kung bakit? Taksil ba ako?
Isinawsaw ko sa chocolate cake ang daliri ko at tinikman iyon tulad ng ginawa niya.
"Chocolate cake, Sir." Alanganin alok ko. Naisip kung nagmukha akong malandi sa ginawa ko.
Naupo ako sa couch, ilang pulgada ang layo sakanya. Nagslice ako nang cake para sa akin. Kumuha rin ako nang pizza, tsaka ako kumagat roon.
"Yipee I-O
Yipee I-yay
Yipee I-Callie-ka-yay"
"Waaah... Sir, Sheriff Callie." Tuwang-tuwa kong sabi at binalingan siya. Natigilan naman ako at naiilang na umayos sa pagkakaupo.
Pagbaling ko kasi sakanya, diretsong nakatingin na ito sa akin. Sa tingin ko ay kanina pa siya nakatitig.
"Ehem." Tikhim ko at binalik sa TV ang paningin ko, pero hindi ko maintindihan ang pinanonood ko.
Lumipas na ang ilang minuto, walang nagsasalita sa amin. Tanging nanggagaling lang sa TV ang ingay na maririnig. Kahit nakakatawa ang mga kapalpakan ni Toby, 'di ako matawa-tawa.
"B-bakit po ninyo naging paborito ang Sheriff Callie's Wild and West?" Tanong ko sakanya para naman mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.
Ilang segundo pa bago niya ako sinagot. Umayos ito sa pagkakaupo.
"Dahil paborito ito nang nag-iisang taong mahalaga sa buhay ko." Sagot niya.
Parang may tinik na tumusok sa puso ko. Sana ay hindi ko nalang iyon tinanong.
"S-sino po?" Tanong ko ulit. Total may kirot na akong naramdaman, aalamin ko na rin kung sino para isahan nalang ang hapdi. Bakit nga ba ako nasasaktan?
"You don't know her. Kaya mabuting 'wag mo nalang alamin." Usal niya.
Babae nga.
"O-okay, Sir." Sagot ko nalang. Nais ko 'man malaman, pero tama naman siya hindi ko rin naman iyon kilala.
Binaling ko nalang ulit ang paningin ko sa palabas, tsaka muling kumain.
Natapos na't lahat ang pinapanood namin naririto parin kaming dalawa. Pasado alas diyes na nang gabi at inaantok na rin ako. Pero nakakahiya naman iwanan siya ditong mag-isa. Patago akong humihikab at iniiling-iling ang ulo para kahit papaano ay mawala ang antok ko. Ngunit makalipas ng kalahating oras, pipikit-pikit na ang mga mata ko. Ano 'mang sandali paniguradong titiklop na nang tuluyan ang mga talukap ko.
Nagising ako sa malambot na higaan. Pagmulat ng mata ko, nakita kong natutulog si Sir Imperio. Nakahilig ito sa head couch, habang nakapatong naman ang ulo ko sakanyang hita.
Kung may makakakita sa amin, mapagkakamalan kaming magkasintahang dalawa. Pero dahil kami lang ang naririto, iisipin kong mabait lang talaga ang amo ko.
Dahan-dahan akong bumangon, upang hindi ko siya magambala sa pagtulog. Maingat kong inihiga siya sa couch. Umakyat ako sa kwarto at kumuha ng kumot. Matapos kong balutan siya nang kumot, dumapo agad ang mga mata ko sakanyang perpektong mukha.
'Kay sarap pagmasdan.
Sa ilang oras kong pinagmasdan siya, halos nasaulo ko na ang bawat parte nu'n. Ang kilay niyang makakapal, ang pilikmata niyang mahahaba, ilong na matangos, pisnging sobrang kinis at labing mapupula at malambot pa. Na minsan ko nang nahalik-halikan. Perpektong mukhang hindi nakakasawang pagmasdan.
Ito na yata ang pangalawang beses na namangha ako sa lalaki. Iyong una ay si Jan-Jan, bata palang kami kitang-kita na agad sakanya ang pagiging magandang lalaki sa hinaharap. Kung ipagkukumpara ko sila ni Sir Imperio, sobrang dikit ng pagkakahawig nila sa isa't-isa.
Magkikita pa kaya kami?
Nasaan na kaya siya?
Naaalala niya parin kaya ako?
Kung hindi lang sumikat ang araw, hindi ko lulubayang pagmasdan siya. Sumakit pa ang 'pang-upo ko, dahil sa matagal na pagkakaupo sa sahig. Umakyat muli ako sa kwarto at naghanda. Pagbaba ko wala na sa couch si Sir Imperio. Nasa taas na rin siguro ito at naghahanda. Dumiretso na agad ako sa kusina.
Nakatapos na ako magluto at maghain hindi parin bumababa si Sir Imperio. Kaya naman sinimulan ko nalang maglinis-linis sa labas. Natagalan ako bago nakabalik sa loob, nadatnan kong patapos ng kumain si Sir Imperio.
"I'm done. Aalis na ako." Usal niya pagkaupo ko sa hapag.

BINABASA MO ANG
My Love Denzel
RomanceLahat nalang kamalasan sa buhay, ay naranasan na yata ni Denzel o mas kilala sa tawag na Den-Den. Sanggol palang ito ay nasa bahay ampunan na siya. Doon na siya lumaki at nagkaisip. Isa lang ang kanyang pinapangarap sa buhay. Ang magkaroon ng isang...