Chapter 8

35 4 0
                                    

DENZEL's Pov


"S-saan mo ako dadalhin? Naroon ang hagdan pababa, Sir!" tanong ko at tinuro pa ang hagdan, dahil naglalakad ito papalayo.

"Ibaba mo nalang ako, kung wala ka rin balak sumagot... Ano ba sagutin mo 'ko!" inis na singhal ko.

"Nanliligaw ka ba para sagutin kita?" tatawa-tawa niyang sabi.

"Siraulo ka! Ibaba mo ako, ngayon na..." galit na galit na sambit ko at walang pakundangang mariin kinagat siya sa kanang pang-upo niya.

"Fuck!" malutong na mura niya.

"Get out!" sigaw niya at nagulat ako nang may mga empleyadong nagsisimadaling lumabas mula sa elavator.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung matatakot ba ako dahil galit siya o dahil nasa loob kami ngayon ng elavator.


Dammit!


"A-ayoko dito." garalgal na tinig ko nang sumara ang elavator.
 

Dahan-dahan niya akong ibinaba.


Galit ang makikita sa mukha niya, ngunit mabilis itong nabura ng mag tama ang paningin namin. Napalitan ito nang pag-aalala.


"P-please, ayoko dito." umiiyak na sambit.


Nararamdaman ko na nanaman ang pagsisikip ng dibdib ko. Napahilig ako sa pader.


"Look at me, Denzel." utos niya at itinaas ang baba ko. Inayos niya ang magulo kong buhok, tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I-ilabas mo na ko dito, Sir."

"Nasa 8th floor na tayo. Kunting tiis nalang, Denzel. Ilalabas na rin kita. 'Wag kang matakot, at 'wag mo'ng iisiping mangyayari ulit iyon kanina. Just calm down, eyes on me. Don't think too much. Okay?" mahabang pahayag niya.


Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ako bumitiw sa tinginan naming dalawa. Bigla nalang tumigil ang pagluha ko at hindi ko namalayan ang pagbukas ng elavator.


"Sabihin mo lang kung gusto mo ulit umakyat. Aalisin ko ang kamay ko rito." usal niya at napalingon ako kung nasaan ang kamay niya. Nakaharang ito sa pintuan ng elavator, para manatiling nakabukas.


Shit!


Mabilis akong humakbang palabas at dirediretsong naglakad palabas ng building. Nakakahiya!


"Grabe muntik na akong matunaw sa titig mo. Hahaha..." pang-asar na sambit niya at talagang humalakhak pa.


Siraulo!


Hindi ko nalang siya pinansin. Maraming nakatingin sa aming empleyado at binabati pa nila si Sir.


Nang tuluyan na akong makalabas, magtatawag na sana ako nang taxi pero humarang sa harapan ko si Sir.


"May iuutos ka Sir?" sarkastikong tanong ko.

"Wala naman." sagot niya.

"Okay, uuwi na po ako." sambit ko at nilagpasan siya para makatawag na nang sasakyan.

"Uuwi na rin ako." rinig kong sabi niya sa likod ko.

"Kung ganu'n mag-iingat kayo, Sir." sambit ko na hindi siya nilingon.

"Bakit hindi ka pa sumabay sa kotse ko, iisa lang din naman ang uuwian natin." muling sambit niya, doon ko na ito nilingon.

"Hindi ako marunong magmaneho, Sir." kunot-noo niya akong tiningnan.

"Hindi kita maipagmamaneho pauwi, Sir." paliwanag ko.

"Hahahaha..." hagalpak na tawa na naman niya.

"Tingin mo ba gagawin kitang driver?" tatawa-tawa pa niyang tanong.

"Bakit hindi? Eh, katulong mo nga po ako, Sir." sagot ko.

"That's it. Katulong ka, hindi ka driver." sambit naman nito. Pero parang nanliit ako sa sarili ko, nang magmula sakanya iyong katulong nga mismo ako.


Napaatras ako nang may pumaradang kotse sa harap namin. Bumaba ang driver doon at binigay 'kay Sir ang susi.


"Thank you." sambit nito, yumuko lang ng bahagya iyon driver at umalis na rin.

My Love DenzelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon