This is it! Foundation day na, at good news dahil walang klase ngayon.Itong mga kaklase ko parang mga tuod, ako lang kasi yung kumikilos at mukhang ako lang din yung interesado sa naka-assign sa'ming booth.
“ Hi Heaven~ ” bati ni Janelle at sumunod naman sa kaniya si Mae.
“ Kuhanin mo nga yung mga bulaklak doon. ”
“Okay”
Kinabit ko yung ibang design na nagawa ko, wedding booth kasi yung natitirang available kaya kinuha na rin namen.
“ Nasa'n na yung mga classmate natin? ” tanong ni Janelle.
“ Ayon oh! ” mga pasarap hayop. “Pahiga-higa na lang. ”
“ Ts! Hayaan mo sila, tulungan kana lang namin ni Mae. ”
Malamang! Kukutusan ko sila kapag hindi sila tumulong.
“ Speaking of Mae, nasa kabila lang naman yung pinakukuha ko. ”
“ 'yan may kasama ng boylet. ”
Ibang klase. Bulaklak yung pinakuha ko hindi bubuyog. Kahit kailan talaga napakaharot nang babeng 'to.
“ Para may matulong kayo, bumili kayong dalawa ng boquet,siguro mga dalawa. ”
Kinuha ko yung pinakuha ko kay Mae bago ko ibinigay yung pambili ng bulaklak.
“ Seriously, pwede bang sila na lang?”
“ Hindi pwede Janelle. Imbis na sa flower shop sila pumunta baka dumiretso silang hotel. ” mahina kong sambit na ikinatawa n'ya.
“ Fine. ”
“ Bye Heaven. ” kung makapag-paalam naman 'to parang hindi na babalik. Natatawa tuloy ako sa reaction ni Janelle, nakasimangot habang nakatingin kay Mae na nakalingkis sa braso nung lalaki.
Bumalik ako sa pag-aayos sa booth nang biglang may nag-uga ng upuan na tinutung-tungan ko.
“ Peste ka Hell! Baka malaglag ako! ”
Ayan! Sabi ko na eh.
“ Bwisit ka ang sakit ng pwet ko!”
Sinamaan ko na siya nang tingin pero tawa pa rin siya nang tawa.
“ Mukha ba 'kong nagjo-joke?! ”
“Sabi mo kasi ang sakit ng pwet mo. Wala ka kaya n'on!”
Tumayo ako at pinaghahampas siya. ako walang pwet? Ano 'ko pader? Flatchested na wala pang pwet!
“ Anong tingin mo saken pader?! ”
“ I did'nt say anything. ”
Ts! Hindi ko na lang siya papansinin. Iinisin n'ya lang ako eh.
“ Anyway, tulungan na nga kita. ”
Kinuha niya yung ibang design na kinakabit ko at tumung-tong siya sa upuan.
“ Aray! ”
“ Pft... hahaha, buti nga sa'yo. ”
Binelatan ko siya dahil nagkamali siya nang balanse kaya ang ending nahulog din siya. Ang bilis nang karma.
“ Ts! Bahala ka nga sa buhay mo! ”
Hinagis niya sa'kin yung mga hawak niya bago siya umalis. Siya kaya yung nauna tiyaka hindi naman ako gumanti, sadyang tanga lang talaga yung upuan.
-----
Masaya akong naglalakad dahil naguumpisa na yung booth. Balita ko rin na may pupunta rin dito na galing sa iba't ibang school.
BINABASA MO ANG
A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]
HumorHIGHEST RANK #6 IN HUMOR Pwede ba 'yon? Ma-inlove ang Heaven, sa isang Hell? Aso't pusa kung magturingan, walang pinagkakasunduang bagay. Puro sakit lang ng ulo ang nararamdaman nila, tuwing magkakatagpo ang kanilang landas. What if mausuhan sila ng...