Chapter 17

4K 185 25
                                    

Pahikab-hikab pa ako bago bumangon sa hinihigaan ko habang nagtatanggal ng muta at panis na laway.

“Yaya pasing... Paki-ready po ng breakfast ko.” sigaw ko habang nagi-stretch pa.

Biglang bumukas ang pinto pero hindi si Yaya pasing ang nakita ko. Si Hell.

“Shit. Nandito nga pala ako sa bahay niyo. Bakit kasi kakulay pa 'to ng kwarto ko. Parehas pink.”

“Uminom kaba ng gatas kagabi?” tanong niya, gatas? Hindi na ako umiinom non.

“Hindi.”

“Ano 'yan?” tanong niya sabay turo sa gilid ng labi ko.

Fvck! May panis na laway pa 'ko nakakahiya. Siguro naamoy niya yung hininga ko kaya medyo lumayo siya ng kaunti sakin.

Tumakbo ako papuntang C.r para gawin ang daily routine ko t'wing umaga or should I say, Morning rituals ko.

“Mag-bihis kana. Yung pang mukhang tao ha? Hindi pang-kanto.” sambit niya sabay higa sa kama.

“Kahit basahan lang yung suotin ko magmumukha parin akong tao. Hindi katulad mo na inborn na ang pagiging maligno!” inirapan ko siya bago magpunas ng mukha sa aking twalya. “Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko pa.

“Sa Mall. Kailangan mo nang bumili ng gagamitin mo para sa Ms.Campus.”

Oo nga pala sa isang araw na gaganapin 'yon. Kung pagandahan lang naman. Matik na, na ako ang mananalo.

“Bibili kana rin ng sa'yo?” tanong ko pa habang nagkakalkal sa bag na dala ko. Dalawang dress ang dala ko. Siguro itong kulay red nalang ang susuotin ko. Well kahit naman basahan ang ipasuot sakin, maganda parin ako.

“Yeah.” tipid na sagot niya.

Nakapasok kasi siya sa Mr. Campus at kung sinuswerte ka nga naman. Hindi ko siya partner. Si Audrey yung partner niya at si Nick naman ang sakin. Yung president namin.

Kakaiba nga yung school namin eh. Dala-dalawang partner by section.

--

“Hell, bilisan mo namang maglakad!” sambit ko habang inis na inis na. Ewan ko ba kung may tinataguan. Bigla-bigla nalang kasing yumuyuko.

“M-masakit paa ko.” sambit niya sabay pasok sa loob ng national bookstore.

“Taray. Kapag ba nagbasa ka gagaling 'yan?” natatawa kong sambit bago sumunod sa kaniya sa loob para umupo.

Ilang sandali pa, napukaw nang aking atensyon ang ilang mga libro sa bandang gilid kaya agad akong tumayo para tingnan ang mga 'yon.

Shet! Parang kinikilig ako habang hinahawakan ang mga libro.

“Langit. Bawal 'ata hawakan 'yan.” sambit ni Hell. Bigla namang gumuhit ang isang ngiti sa aking labi.

“Hell libre mo naman ako. Mga tatlong libro lang.” nag-pout ako at kinurap kurap ko ang mga mata ko.

“Anong libro?”

“Ito,ito at ito pa.” tinuro ang libro ng The four badboys and me, Teen clash at My husband is a mafia boss.

“Fine.” Umirap siya at binigay sakin ang pambayad. Yehey! Ngayon ko lang 'to sasabihin na minsan talaga mabait din si Hell.

Nang makalabas na kami sa Books store napansin ko nanaman na bumabagal ang pag-lakad niya.

“May tinataguan kaba?” tanong ko. Nangangati na kasi yung dila ko magtanong.

“Yeah. Yung babaeng sinasapian.” babaeng sinasapian? Sino? Si mich? “Si Audrey. Yung nahihibang na babae.” dagdag pa niya.

“Dapat nga kayo yung magkasama ngayon kasi kayo yung magka-partner.” sambit ko na kinasimangot niya. Kumbaga pang-inis lang.

“Psh. Umuwi kana.” uuwi na? Eh hindi pa nga 'ko nakakabili ng susuotin ko.

“Bakit?”

“Sasamahan ko lang si Audrey.” hindi na niya ako hinintay pang makasagot dahil lumapit ka'gad siya sa babaeng may sapi.

“Fine. Gago ka! Pero salamat parin sa libreng tatlong libro.”

Umuwi akong maganda sa bahay at dumiretso ka'gad sa kwarto ko. Nakakainis talaga yung impyernong 'yon. Iniwan ba naman ako para kay Audrey. Sabagay magkasundo sila kasi parehas naman silang pangit.

“Mam,nandito si Hell.” rinig kong sigaw ng Maid namin.

“Sige palabasin mo ulit.” sigaw ko pabalik. Ano pupunta nanaman kaming mall? Speaking of mall. Iniwan niya rin si Audrey?

Maya-maya pa biglang may kumatok. Lumapit ako sa pinto para pagbuksan siya.

“'Diba sabi ko lumabas ka ul--- oh inday anong ginagawa mo dito?” tss. Akala ko si Hell yung katulong pala namin na si Inday.

“Ayaw niya po Mam na lumabas. Baka po may gusto siya sakin.” aba't may palagay-lagay pa ng patilya sa likod ng tainga.

“Ang bago-bago mo dito humaharot kana. Puntahan mo si Hell doon at gumawa ka ng paraan para umalis siya. Badtrip kamo ako sakanya.” sambit ko bago isara ang pinto.

Muli akong umupo sa gilid ng kama malapit sa bintana para magbasa ng Teen clash. Ito muna ang inumpisahan ko dahil iniidolo ko ang writer nito.

Nasa part na 'ko nang kausapin ni Manager Ry, sina Zoe, Sab, Ayu at Yannie nang biglang may kumatok nanaman.

Binuksan ko muli ang pinto at nakita ko si Inday na abot tainga ang ngiti.

“Mam inaamin ko ang hirap niyang paalisin noong una, kasi sinasabi niya na wala akong karapatan na gawin 'yon. Kaya hindi kona nga siya pinalabas.” Proud pa siya na sinuway niya yung utos ko. Itong Dora na 'to. Kabago-bago palpak.

“Diba sabi ko paalisin mo or palabasin mo?” inis kong sambit at inirapan siya.

“H'wag ka nang magalit Mam. Umuwi na siya at siguro mukhang hindi na babalik 'yon dito.”

“Bakit? I mean paano mo ba siya napa-alis?”

“ Eh kasi Mam pinahabol ko siya sa Aso. Mabagal siyang tumakbo kaya nakagat siya. Sigurado ako Mam, wala nang lakas ng loob 'yon para bumalik dito.”

The fuck!

“INDAY...!”

-------------

(WRITERS' BLOCK PA PO IS ME. KAYA ITO MUNA. PERO MAMAYA ANG UPDATE. 'BOUT SA MR AND MS CAMPUS NA TAYO.)

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon