Chapter 29

3.1K 145 29
                                    

Nakakunot parin ang noo ko habang pinagmamasdan si Hell na inaalalayan si Mich para makaupo sa inuupuan ng lalaki kanina.

Napatitig ako sa sahig at pilit na iniintindi ang nasaksihan ko kanina. Hindi kaya buntis si Mich at si Hell ang am--- iling-iling! Mali ang kutob mo Heaven...

Alam kong mali ang kutob ko. Hindi ko pa maamin sa sarili ko na mahal ko si Hell dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

“Heaven!” napalingon ako sa tumawag sakin.

“Matthew?” paninigurado ko. Ngumiti naman siya at kumaway.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

“Aattend kasi ako ng meeting with my client mamaya and since malapit-lapit rin naman dito 'yon, naisipan kong mamasyal muna.” Aniya, ang gwapo talaga ni Matthew at malaki ang pagkakahawig nila ni Hell.

“Ganoon ba, so aalis kana rin maya-maya?” tanong ko pa. Gusto ko pa kasi siyang makasama. Ilang taon narin kasi ang lumipas bago kami huling namasyal nang kaming dalawa lang. Actually kung hindi lang siya umalis baka siguro kami pa yung kinasal.

“Actually paalis narin ako. Hmm, by the way anong nangyari kay Mich?” tanong niya. Muli akong tumingin sa dalawa, si Hell na hinahagod ang likod ni Mich.

“Baka mamamatay na.” wala sa sarili kong sambit. Naiinis ako kay Hell. Kasasabi niya lang na mahal niya 'ko tapos concern siya kay Mich.

Hindi naman ako masamang babae. Mas gugustuhin ko pa na tulungan ang mga hayos kaysa sa umaasal hayop.

“I think she's pregnant.” parang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Matthew. Parang iba talaga yung dating sakin. “At mukhang si Hell ang ama.” dugtong pa niya.

“Hindi ako naniniwala. Maharot si Mich at kahit maharot si Hell hindi siya ganoon kababa para pumili nang mas mababa pa sa kaniya!”

“Biro lang.” natatawa niyang wika at inakbayan ako. “Pinagseselos ka lang nila.” tumingin ako sa mata niya dahil sa pag kindat niya.

----

“Heaven...”

“Pwede ba Hell, lumayo ka muna sakin.”

“Bakit naman?”

“Naiinis ako sa 'yo!”

“Bakit ka naiinis?”

“Kasi natatakot ako na baka tama yung kutob ko.”

Dahil gabi na. Sisimulan na naming itayo ang tent na gagamitin namin sa camping na gaganapin ngayong araw. Maya-maya ay uumpisahan narin ang masayang activities na pinaghandaan ng Principal at nang iba pang mga teacher's.

Napagdesisyunan ko rin na sa pinakasulok itayo ang tent namin ni Hell dahil sobrang pagod ako sa kapapasyal at isama mo narin na badmood ako. Gusto kong matulog nang maaga.

“Oo tama yung kutob mo!”

Sandali akong napahinto sa ginagawa ko nang sabihin niyang tama nga ang kutob ko. Tama na buntis si Mich at siya ang ama?

“Buntis si Mich.”

Hindi ko na siya pinakinggan. Pumasok na ako sa loob ng tent at sinimulang ayusin ang hihigaan namin.

“Hindi ko alam kung ako ba talaga yung ama pero Heaven... Patawarin mo 'ko. M-may nangyari samin. Isang beses... Lasing ako noon Heaven kaya hi---”

“Shut up Hell...” humiga ako at tumagilid. Nagtalukbong ako sa kumot, kahit pigilan kong huwag humikbi, kusang lumalabas sa bibig ko.

Nasasaktan ako. Dapat nga maging masaya ako para makapag-divorse na kami. Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto kong mangyari? Kaya bakit ako magpapaapekto? Ano bang pakielam ko kung magkaroon sila nang anak?

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon