Chapter 13

4.2K 185 8
                                    

Ang hirap naman mag-hanap ng magandang susuotin para si birthday ni Hell mamaya. Mag Bra't panty nalang kaya ako?

“Heaven, pupunta ba si Janelle mamaya sa party?”

Oh, well. Kasama ko nga pala si Kuya rito sa kwarto ko at kanina pa ako naririndi dahil puro Janelle nalang ang lumalabas si bibig niya. Sinaktan niya yung tao tapos nagtatanong siya. Sapakin ko siya eh.

“Tanong mo sa kaniya. Kita mong pareho tayong nandito tapos sakin ka nagtatanong.”

Nakaharap ako sa napakalaking salamin dito sa aking kwarto habang sinusukat ang gown. Daming alam ni Mommy pwede namang magdress nalang o di kaya duster.

Ipapakilala narin daw niya 'ko sa business partner nila ni Tita Joyce. Hays, gusto raw nila 'kong makilala. Ang tanong gusto ko ba sila makilala?

“Ts. Pangit mong kausap. Puntahan mo nalang ako sa kwarto ko kapag tapos ka nang mamili ng susuotin mo. Sabay na tayo.”

Lumabas na siya kaya ako nalang ang natira. Kapal ng mukha niya. May mukha ba ang usap? Kung may buhay lang ang usap masasaktan 'yon kasi sinabihan niyang pangit.

Siguro okay na 'tong hawak ko. Baka akalain pa nila isa akong Diyosa kapag mas bongga pa.

“Skie tara na naghihintay na si Mommy sa Car.” Sambit ko habang kinakatok ang kwarto niya.

Binuksan niya ang pinto at balak kong pumasok sa loob pero hinarangan niya 'ko. May tinatago kaya siya?

“Hindi ka pwedeng pumasok dito. Baka magulo mo yung kama ko.”

“Kapal mo. Nakakahiya naman sa kama ko na ginulong-gulungan mo!”

Inismiran ko siya bago ako tumungo sa garahe. Masyadong excited si Mommy pumunta sa birthday ni Hell kasi may importante raw siyang sasabihin sa lahat. Especially sakin daw at kay Hell.

“Mauna na pala kayo ni Mom, may pupuntahan pa 'ko.”

“Sino?”

“H'wag na maraming tanong. Sige na”

“K,”

*---

Nang makarating na kami sa house nila Hell. Dumiretso kami ni Mommy sa garden na kung saan sila nagsasaya.

“Hi, buti nakarating kayo.” sabi ni Tita nang makasalubong kami. Bineso niya kaming dalawa ni Mommy.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan 'bout sa business kaya sobrang nakakainip.

Ilang sandali pa, nakita ko na ang papalapit na sasakyan ni Kuya Skie. Bumaba siya ng sasakyan kasama si Janelle.

Wait. Si Janelle?

“Heaven,buti nalang nandito kana akala ko wala pa akong makakausap eh.” sambit ni Janelle. Ang blooming niya ngayon ah. Wala siyang salamin at straight na nakalugay ang kaniyang mahabang buhok. Naka-dress siya na pink na may kumikinang kinang na bids.

“Huh? Walang makakausap? Nandito naman si Kuya Skie.” Sambit ko at tumingin kay Kuya.“Tao 'yan Janelle kahit mukhang halimaw. Tao parin 'yan na pwede mong kausapin.”

Sinamaan ako nang tingin ni Kuya pero kinindatan ko lang siya.

“Hm, maiwan muna kita ha? Pupuntahan ko lang si Hell at Demo sa loob.” sambit ni Kuya kay Janelle. Eh? Anyare?

“Sure.” nakangiti ring sambit ni Janelle. Smell something fishy.

Napatingin kaming tatlo sa labas nang may dumating na sasakyan. Lumabas doon si Demo with Mae?

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon