Nang matapos na ang performance ng huling magpapakita nang talent. Heto kami ngayon nakahilerang nakatayo sa stage para malaman kung sino ang Mr and Ms Campus.
Nakayuko ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Hell. Hindi naman bigdeal kung manalo o matalo ako kaya lang kapag natalo ako kakalbuhin ko ang nag- aannounce pero hindi talaga 'yon bigdeal.
"And the winner of Mr and Ms Campus is..."
Okay lang 'yan Heaven. Na sa'yo parin ang korona nang kagandahan.
"Heaven Shin and Hell Scott"
Sumigaw at nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ko kailangan manalo kung ang dahilan ay natuwa sila sa performance ni Hell na pag-propose.
Lumapit sakin sina Rachel at Vinia para isuot ang aking korona ganoon din kay Hell. Taray talaga ng school namin.
"Hey!" hinawakan ko si Vinia sa wrist para sana humingi ng favor.
"Yes?"
"Hindi ko tatanggapin itong panalo."
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Kagandahan lang ang meron ako, hindi ako masyadong magpakita nang performance. Sumagot lang ako sa proposal ni Hell nanalo na agad? Ayokong magpaka-unfair sa iba pang mga kasali tiyaka sapat na nanalo rin kami dahil sa kagandahan ko at kabaitan ni Hell.
"Bakit?"
"Basta. Iabot mo na sakin yung Mike." utos ko na agad naman niya sinunod. Uto-uto pala ang isang ito. Araw-arawin ko nga.
"Hello guys." kumaway ako sa mga tao dito sa Gym. Tumingin ako kay Hell na nakangiti at mukhang alam na niya ang gusto kong mangyari.
"Gusto ko lang sabihin na... Hindi ko tatanggapin ang panalo." nakangiti kong wika na naging dahilan para umingay at magbulung-bulungan ang mga nasa loob nang Gym.
"Bakit naman Girl? Look. You're simple, kung ikukumpara ka sa lahat ikaw lang ang may simpleng pananamit pero mas litaw ang 'yong kagandahan." Ani Jessa na binabawi ang korona sa ulo ko.
"Salamat."
Hindi ko pinagsisihan ito. Tiyaka kung kami ang mananalo lalaban pa kami sa susunod na linggo. Eh remember, kasal na namin iyon na pinag-desisyonan ng magulang namin. Psh.
Inalok ni Hell ang kaniyang kamay sakin na agad kong tinanggap bago niya ako iginaya sa baba ng stage.
"I hate you Girl!" inis na sambit ni Mae ngunit binigyan ko lang siya ng ngisi. Yeah! Ewan ko bigla nalang akong sinapian para ibigay yung achievement na 'yon sa iba. Knowing Hell naman alam kong hindi importante sa kaniya kung matalo o manalo kaya hindi ako nagdalawang isip na ibigay yung pagka-panalo namin dahil wala nga siyang pakielam doon.
"Psh. Asan naba sila Kuya?" tanong ko sa kanila. Sabay naman silang nagkibit-balikat.
"Magkasama sila ni Demo. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta." Sambit ni Janelle. Gusto ko kasing ipagmalaki kay Kuya Skie yung panalo namin ni Hell. Ewan ko lang kung duda parin siya sa kagandahang taglay ng kapatid niyang Langit.
"Langit. Alis lang ako ah." paalam ni Hell. Kumunot ang noo ko
"Hawak ko ba mga paa mo?" mataray kong sambit kaya napairap siya.
"Hawak mo kamay ko." nakangisi niyang saad. Agad ko namang binitawan ang kamay niyang hawak-hawak ko nga.
Nahiya tuloy ako bigla, "Umalis ka na nga baka masapak kita." baka akalain niya na gustong-gusto kong hawakan ang malambot at mainit niyang kamay. Hindi ba't kadalasan sa lalaki matigas at mainit? --Err. Don't get me wrong.
BINABASA MO ANG
A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]
HumorHIGHEST RANK #6 IN HUMOR Pwede ba 'yon? Ma-inlove ang Heaven, sa isang Hell? Aso't pusa kung magturingan, walang pinagkakasunduang bagay. Puro sakit lang ng ulo ang nararamdaman nila, tuwing magkakatagpo ang kanilang landas. What if mausuhan sila ng...