Chapter 26

3.7K 156 16
                                    

Pababa na ako ng hagdan para makapagluto ng hapunan namin ni Hell. Hay, mabuti naman at wala kaming pasok bukas.

"Inday!" tawag ko nang makita ko siya na naglilinis sa living room.

Agad naman siyang lumapit sakin. Nakakairita ang bruha nakangiti pa na akala mo maganda.

"Yes po Mam?"

"Pakilinis ng kwarto namin ni Hell." utos ko,

"Ayoko ho Mam."

Pinanliitan ko siya ng mata. Katulong ba inapply-an nito o Amo?

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?!" banta ko dahil sa katamaran niya.

"H'wag naman po Mam. Sabi kasi ng nanay ko wag ko raw po lilinisin ang kwarto ng Amo ko. Kasi kayo naman po gumulo nun eh kaya dapat kayo rin ang aayos." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Yumuko siya ng kaunti, "Parang Love,hindi mo na kailangan pang gumamit ng ibang tao para lang maayos ang problema dapat kayo mismo ang umayos kasi kayo ang may gulo."

Napahawak siya sa batok niya nang batukan ko siya. Hindi niya ba alam na nakakainis na siya?

"Hehe sabi ko nga po lilinisin kona yung kwarto niyo." napailing nalang ako at naglakad na papuntang kusina.

"Mam!" tawag niya laya lumingon ako. Nagpeace-sign lang ang gaga bago tumakbo paakyat.

----

Bwisit talaga! Balak ko sanang magluto ng Adobo kaya lang nabuhos ko yung suka mukhang magiging sinigang pa yata ito.

“Mam ano 'yan?” usisa ni Inday na ngayon ay nasa gilid ko.

“Pagkain.” walang gana kong sagot, yumuko ako nang kaunti para hinaan ang apoy.

“Mam, umalis si Sir Hell kaninang umaga.”

“Alam ko Inday. Huwag kang magulo diyan.” gagawin niya pa akong tanga. Obvious naman na umalis si Hell kaninang umaga kasi wala na siya nang gumising ako.

“Mam ang ganda niyo po sana.” kumunot ang noo ko, bakit may sana? “Kung hindi lang po kayo pangit.” dagdag niya pa kaya nakahanda na ang sandok para ipalo ko sa kaniya.

“Ikaw. Wala nabang isisira 'yang mukha mo?”

“Wala na Mam. Sobrang sira na eh.” very good Inday. Mabuti naman at alam mo.

“Mam, maglilinis na ulit ako.” paalam niya.

“Wag! Magkalat ka nalang tutal 'yun naman ang trabaho ng mga katulong eh.” irita kong wika at tinarayan siya.  Itinuloy ko nalang ang pagluluto at baka dumating na si Hell.

“Inday! May nagdo-doorbell baka si Hell na 'yan.” sigaw ko kay Inday. Medyo binilisan ko narin ang pagluto kahit hilaw pa ay isinalin kona sa mangkok.

“Hindi po Mam.” sigaw niya pabalik sakin.

“Eh sino?”

“Ako rin po. Tinry ko kasing mag-doorbell bakasaling may magbukas hehe.” ang lakas talaga ng topak nang babaeng 'yan. Hindi ko alam kung normal pa o abnormal na eh.

“Pasalamat ka sira kana kaya wala ng sisirain sayo.” sambit ko. Lintik na Inday hindi pa pala si Hell 'yon binilisan ko pa tuloy ang pagluto.

“Mam may tumawatawag.” wika ni Inday at nagmartsa palapit sakin.

Kinuha ko naman sa kaniya at itinapat ang telepono sa tainga ko.

Rinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya.

“Hello?”

(“H-heaven.”)

“Sino 'to?”

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon