Chapter 6

4.5K 218 14
                                    


Hindi pa natatapos ang Foundation day dahil nagsisimula pa lang magsi-datingan ang mga taga ibang school.

Makapaglakad-lakad na nga lang muna habang hinihintay yung dalawang kaibigan ko na nagsasaya ngayon.

Hm... gusto ko sanang subukan yung pinlano ni Hell kaya lang may linta akong nakita. Para siyang naliligaw, siguro hinahanap niya si Hell.

" Hey. "

Lumingon ako sa nagsalita. Shit! Tiningnan ko ang aking dibdib. Wala akong suot na I.D

1,2,3 takbo...

Paikot-ikot lang kami sa buong school, kahit nakakapagod pinilit ko parin'g bilisan ang takbo ko.

Ang ganda ko kasi eh, hinahabol tuloy ako nang dalawang lalaki.

" Bahala na. " sambit ko sabay tago sa isang bakanteng room.

Sinubukan kong tingnan ang bulsa ko kung nailagay ko ba ang I.D ko.

" Yes! "

Tuwang-tuwa akong isinuot ang I.D ko. Ts, nasa bulsa ko lang pala nagpahabol pa'ko.

Lumabas ako nang room nang biglang may humawak sa braso ko.

" Akala mo hindi ka mahuhuli ah." sabi nang isang lalaking nakahawak sa kanang braso ko.

" Ibang klase pinagod mo pa talaga kami. " duh, sino bang nagsabing habulin nila 'ko? Para sa 50 pesos papagurin nila yung sarili nila. Mga pabo!

" Let go of me. " sambit ko. " Tanga ba kayo? May I.D kaya 'ko. " dagdag ko pa.

Sabay naman silang binitawan ako at sabay din silang nag-kamot ng ulo.

" Eh kung gan'on, bakit kapa nagpahabol? " tanong nang isang lalaking nakahawak sa kaliwang braso kanina.

" Akala ko kasi, kayo yung pinagkautangan ko. Alam mo na ang utang tinatakbuhan. 'Yan yung uso ngayon. " palusot ko.

" Tara na nga. " aya nang isang lalaki sa isa niyang kasama.

" Ts. Nababaliw na ang isang iyan." pailing-iling niyang sambit bago sumunod sa nauang lalaki.

Ako nababaliw? Eh kung siya kaya yung paliparin ko sa mental.

Bago pa ako maubos ng lamok. Bumaba na rin ako at nagsimula ulit maglakad-lakad.

Dumami na rin ang tao, siguro halos sabay-sabay din silang nagsi-datingan.

" Hi ang ganda mo naman. "

" I know right. " sambit ko at nilingon ang nagsalita.

Ops! Wrong move,hindi pala ako yung sinasabihan. Kasalanan ko ba na maganda 'ko kaya ako natamaan?

" Woah! " ngayon ko lang napansin 'tong booth na 'to ah. Ang ganda 'yan siguro yung magmemessage ka tapos iaanounce nila kung para kanino 'yon. Pero hindi nila sinasabi kung kanino nanggaling. Pero hindi iyon eh, namangha ako sa pagdisenyo nila nang mga butterflies at kung anu-ano pang maaaring i-design.

" Hi Miss. "

Isama mo rin yung mga kulay na paborito ko. Karamihan nang pinandesign color Violet, Red, at Pink.

" Hey. "

" O, problema mo?" tanong ko sa lalaking mukhang hindi rito nag-aaral. Infairness maporma, maputi nakaangat ang buhok may proper haircut din halatang hindi naninigarilyo dahil sa pagka-rosy ng labi hindi man mahaba ang pilik-mata, nakabawi naman sa kulay brown niyang mata.

" Can you tour me? If it's okay with you. " ...

Tumango ako, tour lang naman eh. Bonus na lang na pogi ang kasama ko.

" Sure, Where we start? " tanong ko habang pinipilit na 'wag siyang tingnan sa mukha, dahil talagang nakaka-akit.

“ Ikaw bahala, ” bahagya akong napalunok dahil sa pag-kindat niya.


Namamalik-mata lang ba 'ko o may sakit lang siya sa mata. Pero shit! Nakakalaglag panty!


“ Ehem, ah sa Gym nalang muna hehe, ” nag-iwas ako nang tingin at nauna nalang mag lakad.


“ Maganda ang Gym niyo, ” naka-ngiti niyang sambit.

Nakatayo lang kami sa gilid ng pinto. Tumingin ako sa kaniya at saktong tumingin rin siya sa'kin.

“ Pero mas maganda ka. ”

“ A-ako? ” tss! Bakit ba 'ko nauutal? Tiyaka alam ko naman na maganda talaga 'ko, wala nang bago d'on.


“ Oo, ” nakangiti niya parin'g sambit.

“ Tara na sa library, ” pag-iba ko, dahil ang awkward naman kung itotopic pa namin yung kagandahan ko. Gusto ko sanang i-secret sila lang talaga yung makulit.


“ Dito nga pala kami natutulog, ” sambit ko na ikinatawa niya. Ewan ko ba, natawa rin ako sa sinabi ko.

“ I see, ” tinuro niya yung mga studyanteng natutulog nga habang may mga librong hawak.


Lumabas kami sa Library at pumunta kami sa mga classroom, maski sa classrooms namamangha rin siya.


“ Saan yung cafeteria niyo? Let's eat, my treat. ”

“ Nakakahiya, pero sige na nga. ” sayang naman minsan lang naman ang libre kaya bakit hindi.


“ Gusto kita,” naka-ngiti niyang sambit at nauna na sa pag-lakad.

Tama ba, gusto niya 'ko? O baka naman kumakanta lang siya nang kanta ni Angeline quinto na 'Gusto kita'

“ Hey, what are you waiting for?” bago pa bawiin yung libre, sumunod na agad ako sa kaniya.


----

“ This our cafeteria, maliit man pero sulit ang mga pagkain. ”


“ Nah, hindi naman maliit, sakto lang naman. Parang sa school lang din namin. ”

“ Okay sabi mo eh,”

Umupo kami sa medyo gitna'ng part ng cafeteria. Siya na rin ang nag-prisinta na bumili, bakit ang bait niya? Ang layo niya masyado kay Hell.


Bakit ko ba iniisip 'yon? e, panira nga ng araw ko 'yon.


Habang naghihintay ako, kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa para sana mag-laro ng games kaya lang, may text ako na natanggap.


Tss, bubuksan ko paba? Si Hell lang naman 'to eh. Tiyaka for sure iinisin lang ako non.


Paano kong nalaman na si Hell? Naka-save kasi yung number niya sakin kasi noong una pinag-tripan niya ko, kaya nung nalaman ko kay kuya na si Hell 'yon sinave ko na agad para hindi niya 'ko ma-isahan.




Buksan ko na kaya? Baka kasi tungkol lang sa booth yung sasabihin niya.




Pinindot ko ang 'read' kaya nabasa ko ang napaka-walang-kwenta niyang text!



@#$%!









I Love You!<3

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon