Chapter 40

2.3K 86 5
                                    


Halos hindi na maipinta ang hitsura ko dahil sa sinabi niya. Galing kaya 'to sa Mental Hospital?

“Seryoso ka?” nakakunot parin ang noo ko, hanggang sa tumawa siya nang malakas.

“Biro lang. Long time no see, mas lalo kang gumanda.” Mahina ko siyang hinampas sa braso. Akala ko kung ano na eh,

“May mas igaganda pa pala 'ko. Dyosa na siguro ako ngayon.” Sambit ko na mukhang sang-ayon naman siya dahil hindi nagreact.“Halika, pasok ka.” Pinatawag ko si Inday para ihanda ang meryenda namin.

“Upo ka muna,” Sambit ko kay Josh, agad naman siyang umupo. “Ah Heaven, nabalitaan ko 'yong nangyari sa'yo. Okay kana ba ngayon?” at saan namang balita niya nakuha iyon?

“Yeah okay na 'ko. Kaya lang yung Daddy ko nasa Ospital kaya nalulungkot pa rin ako.” tumingin ako kay Inday, pinanlakihan ko siya ng mata dahil titig na titig siya kay Joshua. Nakakahiya naman sa bisita ko kaya sinenyasan ko na sya na umalis matapos niyang ilapag ang pagkain.

“May asawa kana?” tanong niya, tinuro niya ang picture namin ni Hell na nasa malaking frame.

Umiling ako, “Kinasal na kami dati pero naghiwalay din kami dahil gusto ni Dad na magpakasal ako sa iba. Ngayon magkasama na ulit kami ni Hell pero hindi na kami kasal.” ngumiti ako sa kaniya nang sabihin ko ang mga 'yan. “tiyaka, magkaka-anak na sana kami kaso nakunan ako.”

“N-nakunan ka?” bakas sa mukha niya ang gulat. Tumango ako pero may ngiti pa rin na nakaguhit sa labi ko. “I'm sorry, kamusta kana ngayon?” tanong niya.

“Okay lang naman basta makasama ko lang si Hell, okay na okay ako.” sana wala nang dumating na hadlang para maging masaya nalang kami palagi.

“Alam mo kung single ka parin ngayon, niligawan na kita.” magtatakha paba ako? Eh ligawin naman talaga 'ko.

“Malamang, sa ganda kong ito hindi kaba magtatangka?” biro ko. Biro nga ba? Totoo naman kasing maganda ako. “Kumain kana nga riyan.” inabot ko sa kaniya yung isang slice ng cake na nakalagay sa platito. Sinalinan ko rin siya ng juice.

Marami kaming pinagkwentuhan. Nalaman ko rin na may girlfriend na pala siya. Ewan ko ba kung bakit nakikipag-flirt pa siya sa'kin. Pasalamat si Hell loyal ako sa kaniya kung'di pinatulan ko na 'tong si Josh, crush ko pa naman siya.

“Mam, nandito na po si Sir.Hell” sambit ng isang kasambahay, parang gusto kong pagselosin si Hell hihi...

“Palabasin mo!” sigaw ko na kunwari nagagalit ako.

“P-po?” halos matawa ako sa hitsura niya dahil sa inutos ko.

“Woah! Heaven,” kinindatan ko si Josh at saka ako tumabi sa kaniya.

“Joke lang! Papasukin mo na, sabihin mo pakyu siya.” mas lalong lumaki ang mga mata niya. Ewan ko ba parang gusto kong maasar si Hell ngayon.

“Anong trip mo Heaven? Baka magalit boyfriend mo niyan.”

“Hayaan mo siya Josh, makisakay ka nalang.” kumuha ako ng kapirasong cake at isinubo sa kaniya. “Ang sherep?” kumuha ako ng tissue at marahang pinunasahan ang gilid ng bibig niya.

Nagpipigil ako ng tawa habang pinakikiramdaman si Hell. Gusto ko talagang makitang nagseselos siya.

“Ito uminom ka ng juice para hindi ka mabulunan.” kinuha ko ang isang baso na may lamang orange juice at pinainom kay Josh.

“Hi, Hell!” bati ko, binigyan ko rin siya ng malawak na ngiti. Napasimangot naman ako nang umakyat siya at hindi ako pinansin. Napatingin ako sa katabi kong tumatawa, “Nakakainis ka naman. Bakit ka tumatawa?” hindi man lang lumapit si Hell para tanungin kung sino ang lalaking ito na takas sa Mental. Gusto kong magselos siya.

“Wala naman, mauna na ako, susunduin ko pa kasi si Trixie. Salamat sa meryenda.” tumayo ako para ihatid siya sa labas. Nang makarating na kami sa gate, bumulong siya...“Suyuin mo na. Baka nagtampo na 'yon.” tumawa siya at kumaway bago umalis.

Muli akong pumasok sa loob at saka dumiretso sa kwarto. Nadatnan ko si Hell na nakahiga habang naka-uniform kaya tumungo ako sa closet para kuhaan siya ng damit at boxer. Shems, babakatan nanaman siya.

“Oh,” hinagis ko sa kaniya at sakto namang tumama sa mukha niya.

“Ano ba Heaven? Wala 'ko sa mood!” sandali akong napatigil dahil sa pag-sigaw niya.“Tss, huwag ka ngang umiyak diyan.” hinatak niya ako sabay niyakap. Nakahiga siya kaya nakapatong ako sa kaniya.

“Bakit ako iiyak?” ani ko, akma akong tatayo pero mas hinigpitan niya ang yakap sakin.

“Stay please, gusto kong mawala 'yong pagod ko.” napangiti ako nang halikan niya 'ko sa noo.

-----

“Hindi ka pwedeng matulog dito!” sigaw ko at malakas na sinara ang pinto. Nalaman ko kasi na kinuha niya 'yong chocolate cupcake ko sa ref. Pinaghirapan kong gawin 'yon dahil nitong mga nakaraang araw nagcacrave ako r'on.

“Heaven naman, sorry na...” nagcross arms ako habang nakatalikod sa pinto. Ewan ko ba, hindi na gumagana sakin 'yong mga pagpapaawa niya.

“Gusto ko gumawa ka para sakin. Kung'di hindi na tayo magtatabi forever!” sigaw ko. Hindi ko matanggap na kinain niya ang mga 'yon

Kinabukasan, nadatnan ko siya sa may kusina kasama si Manang. Gumagawa siya ng cupcake at talagang nagpapatulong pa siya.

Pumunta ako sa sala, umupo ako sa sofa at saka tumingin sa magazine. Habang busy ako sa pagbabasa, nakuha nang atensyon ko si Hell na naglapag ng Juice sa harap ko.

“Ayoko niyan. Gusto ko tubig lang.” inirapan ko siya tiyaka ulit ako tumingin sa magazine.

“Okay” kumuha siya ng tubig. Pagbalik niya may dala na siyang cupcake.

“Dark na dark 'yong chocolate ah.” napangiti ako dahil mukhang masarap 'yong binake niya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang matitikman 'yong sarili niyang gawa.

“Ah Heaven...” tumingin ako sa kaniya. Nakangiti siya habang nakahawak sa batok niya.

“Yes?”

“Hindi 'yan chocolate. Mango flavor 'yan. Nasunog lang.” tumayo ako at padabog na nilapag ang tinidor. Simpleng bagay nahihirapan pa siya.


“Ubusin mo lahat 'yan!” inirapan ko siya at saka ako bumalik sa kwarto namin.

“Sige! Gagawa ulit ako ng bago.” sigaw niya. Napailing nalang ako.


A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon