6 months later...Tinikman ko ang adobo na niluto ko. Isa lang ang masasabi ko, masarap! Kasing sarap ko. “Ya, pauwi naba si Hell?” tanong ko, sinilip ko sa crib si Angel, ang himbing ng tulog niya. Gustong-gusto ko pa naman siyang halikan.
“Opo, tumawag po siya sa telepono kanina. Hindi kona po nasabi sa inyo kasi masyado po kayong busy sa pagluluto.” kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko. May mga tawag din sakin si Hell. Naka-silent kasi dahil ayokong maistorbo sa pagluluto.
Pumunta akong gate para salubungin si Hell, kaya lang bumalik din ako agad dahil umiiyak si Angel. “Anak naman, pauwi na si Daddy kaya don't cry na.” hinalikan ko siya sa noo tiyaka ko siya binuhat para painumin ng gatas sakin.
Umupo ako sa sofa para makasandal habang nagpapadede. “Uy, may slot pang isa. Para sa'kin ba 'yan?” sinamaan ko ng tingin ang kararating lang na si Hell. Balak niya pang agawan si Angel tss.
“Hindi pwede! Baka maubos. Para kay Angel lang 'to.” ani ko, pinagbibigyan ko na nga siya sa gabi eh. Nilapag ko si Angel at muling hiniga sa crib. “Kumain kana at alam kong gutom ka.” inalis ko ang jacket niya. Hinawakan ko siya sa pisngi tiyaka ko 'yon kinurot.
---
Maaga pa lang pinasyal ko na si Angel sa park malapit sa'min. Ang sarap sa pakiramdam na tumatawa siya habang hinahalikan ko siya sa leeg. “Ang cute-cute ng bebe namin. Kamukha mo si Mommy, parehas kayong maganda.” nahinto ako sa panghahalik nang mag-ring ang phone ko.
“Hello?”
[Mahal, baka gabihin ako ng uwi mamaya ah.]
“Bakit, may problema ba?”
[ May meeting kasi kami mamaya, huwag mo na akong hintayin. Matulog kayo nang maaga ni Angel. Sabihin mo sa Anghel ko, mahal na mahal ko siya. Sige na, may trabaho pa ako, i love you. ]
Sasagot pa lang sana ako pero binaba na niya. Nakakainis naman! Bastos. Mahal ko rin kaya siya.
“A-aray--” napahawak ako sa ulo nang tamaan ako ng malaking bato.
“Sorry po ate,” waaah! Ang cute nang bata. Pero nasaktan talaga ako eh. Tiningnan ko si Angel, shit! Nasa noo niya yung bato. Mabuti nalang hindi siya umiyak.
“It's okay, pero next time mag-ingat ha?” tumango naman siya. Kawawa tuloy si Angel. Kanina nakangiti ngayon nakasimangot na.
Umuwi na kami ni Angel, naabutan ko naman yung mga kaibigan ko sa sala. Kasama nila si Matthew. “Matthew, akala ko ba next year ka pa babalik dito sa pinas?” binigay ko si Angel kay Janelle nang kuhain niya sakin.
“Ahh, may girlfriend kasi ako, gusto kong ipakilala kay Mommy at sa inyo rin syempre.” aniya. Ang swerte nung girl ha. “Mamaya pala may dinner sa bahay. Punta kayo ni Hell ah?” napakamot ako sa batok.
“Eh, hindi ko sigurado dahil gagabihin ng uwi si Hell.” sayang naman. Gusto ko pa naman sana makilala yung girlfriend niya. “Sorry” wika ko, minsan na nga lang siya rito hindi ko pa siya napagbigyan.
“Gan'on ba, di bale may mga araw pa naman.” hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ito ng bahagya.“ito naba yung pamangkin ko?” hindi kuya, anak mo 'yan. Charot!
Lumapit siya kay Angel at kinuha kay Janelle. “Mukhang gusto niya sakin ah” tumawa ako dahil biglang umiyak si Angel.
“Bro, ayaw sa'yo.” kinuha naman ni Kuya kay Matthew,pero mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. “Ikaw Demo ang humawak” This time na kay Demo na si Angel.
“Woah, hindi umiyak Bro,” Sambit ni Matthew.
“Pwede na kayong mag-anak ni Mae.” Hinampas ni Mae sa braso si Kuya.
“Siraulo! Bakit hindi kayo ni Janelle ang gumawa.” ganti ni Mae, natatawa nalang kami sa kanila.
“Aba't bakit ako nadadamay?”
“Di bale, malapit na kaming makabuo ni Janelle, diba Babe?” akmang hahalikan ni Kuya si Janelle pero agad kong tinampal ang bibig niya. “Bakit Heaven?” tanong niya habang hawak-hawak ang kaniyang bibig.
“Mamaya na 'yan. Huwag kayong mag-live rito!” saad ko. Siraulo kasi 'tong kuya ko. “Bakit pala kayo narito?” tanong ko.
“Gusto lang namin makita si Angel. Tiyaka sasamahan ka namin ni Mae papuntang clinic.” ayy, oo nga pala. Shit! Nakalimutan din ni Hell.
Mahina ang puso ni Angel kaya tuwing wednesday at sunday pinapa-check up namin siya. Noong pinanganak ko siya, dalawang buwan din kaming nanatili sa hospital dahil sobrang hinang-hina siya. Umiiyak nalang ako habang pinagmamasdan siyang umiiyak din dahil sa mga gamot na tinuturok sa kaniya. Mabuti na nga lang at nagiging okay na ang lagay niya.
“Sasama rin ba kayo?” tanong ko sa mga boys.
“May trabaho pa 'ko, ewan ko lang sa kanila.” Sambit ni Kuya. Tinanong ko rin sila pero iisa lang din ang sagot. Lahat sila may work.
Nang umalis na ang mga boys agad akong tinanong nina Janelle at Mae. “Heaven, sigurado ka bang okay na 'tong si Angel” sinilip ko ang mukha ni Angel na buhat-buhat ni Janelle. Tulog na tulog, napagod siguro.
“Tulog siya hindi ko matatanong.” mukha talagang anghel ang anak ko. “Aray!” daing ko ng batukan ako ni Mae. “Bakit mo ginawa 'yon?” kainis naman. Nagbibiro lang naman ako eh.
“Namumutla siya Heaven. Tingnan mo maigi.” nilapit ko ang mukha ko kay Angel at tiningnan mabuti ang mukha niya. Bahagya naman akong napalunok marahil sa kaba na naramdaman ko.
“A-angel...” kinuha ko kay Janelle si Angel nang tumirik ang mga mata niya. “Let's go to the hospital please...” mabilis kaming lumabas at sumakay sa kotse. “Anak... Nandito si Mommy.” bulong ko sa kaniya. Pansin ko na mahina ang pagtibok ng puso niya at pansin ko rin na malalim ang paghinga niya.
Mabilis na pinaandar ni Mae ang kotse “Baby Angel... Laban lang Baby” konting tiis anak, malapit na tayo.
Ilang sandali pa,“Fvck! Traffic!” sunod-sunod na busina ang ginawa ni Mae. “Heaven, sobrang lapit nalang, itakbo niyo nalang siya.” kahit hindi niya sabihin 'yon talaga ang gagawin ko.
“Mae, tawagan mo si Hell sabihin mo kung saan kaming hospital.”
“Sige!”
Nakatingin ako kay Angel habang tinuturukan na naman siya ng kung anu-anong mga gamot. Hindi ko marinig ang pag-iyak niya dahil may salamin sa pagitan namin. “Laban anak!” naramdaman kong may nagpunas ng mukha ko. “H-hell...” niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.
“Hindi siya hahayaan ng Panginoon. Magiging ligtas si Angel. Makakasama pa natin siya ng matagal.” kahit hindi siya umiiyak, alam ko na sobra siyang naaawa sa anak namin.
“Hell, yung anak natin.”
“Sssshh... Magiging okay siya, don't be negative.”
Sana... Sana nga dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawala sa akin si Angel. Ayokong maulit yung nawala sa akin si Angelo, hindi ko kaya...
----
A/N:May readers paba 'to? Hahahahaha sorry bagal ng UD, hirap mag-isip hahah, pinaghahandaan ko kasi yung next story ko 😊😊😊😊
BINABASA MO ANG
A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]
HumorHIGHEST RANK #6 IN HUMOR Pwede ba 'yon? Ma-inlove ang Heaven, sa isang Hell? Aso't pusa kung magturingan, walang pinagkakasunduang bagay. Puro sakit lang ng ulo ang nararamdaman nila, tuwing magkakatagpo ang kanilang landas. What if mausuhan sila ng...