Chapter 28

3.4K 140 28
                                    


Maaga kaming binulabog ni Ma'am Santiago dahil kailangan na naming pumunta sa Camp John Hay na kung saan gaganapin ang mga Activities. Since graduating na kami sulitin nalang daw namin ang isang napaka-sayang memories na gaganapin ngayon.

Sana maging masaya nga ako ngayon dahil nararamdaman ko na baka sa susunod na mga araw, bihira nalang ako makakangiti.

“Kumpleto na ba? Baka may naiwan pa sa loob!” sigaw ng Principal at syempre bilang namumuno. Chineck ko na rin kung kumpleto kami.

“Yes Sir,” sambit ko. Ganoon din ang sagot ng iba kaya nagsimula na kaming bumyahe. Gosh! Excited na 'ko, sabi kasi nila maganda raw doon sa Camp John Hay. Sana kasing ganda ko para naman hindi ako madis-appoint.

Kinuha ko ang jacket sa loob ng dala kong bag. Halata kasing giniginaw si Hell na katabi ko ngayon.

Marahan kong inilagay sa harapan niya ang Jacket para hindi siya magising. Alam kong hindi pa sapat ang tulog niya dahil medyo naka-nga-nga pa siyang matulog ngayon.

“Pst...Heaven, may dala ka bang panyo?” tanong ni Janelle na nasa likod ko ngayon.

“Wala, tanungin mo si Mae.” ani ko tiyaka nginusuan si Mae na nasa kabilang upuan katabi si Luke na Boyfriend niya.

“Heaven... Hindi ko sinasadya... Mahal na mahal kita... Huwag mo 'kong iwan...” kumunot ang aking noo habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Hell. Napapanaginipan niya ako?

Ilang saglit pa ay hinihintay ko ulit siyang magsalita kaya lang hindi na naulit 'yon dahil mabilis kaming nakarating sa pupuntahan namin.

“Hell, nandito na tayo. Gumising kana riyan.”Sambit ko sabay tapik ng mahina sa pisngi niya.

Tumayo na ako pero nanatili pa rin siyang nakaupo habang nakatitig sakin. Hays, iba talaga epekto ng kagandahan ko.

“Ang ganda ko ba kaya napapatitig ka riyan?” natatawa kong sambit ngunit seryoso lang siya. Tss, kj! “Let's go?” aya ko.

Inabot ko ang isa kong kamay para akayin siyang tumayo. Nang akmang bibitawan ko na ito, bigla niyang diniinan ang hawak kaya ang ending hawak-kamay kaming naglakad papunta sa loob ng Camp John Hay.

Nagtumpukan kami sa iisang tabi para pag-usapan ang gagawin namin mamaya. Exciting! Pero napansin ko na hindi manlang natutuwa si Hell dahil nakabusangot ang mukha niya.

“Alas sais ng gabi ay dapat nandito na kayo. Bibigyan namin kayo ng pagkakataon para magpasyal-pasyal sapagkat iyon din ang dahilan kung bakit tayo naririto. Ang gusto namin ay maging masaya kayo sa araw na ito.” naghiyawan naman ang mga kasama namin dahil sa sinabi ng Principal.

“Heaven, saan mo gustong pumunta ngayon? Chance natin 'to para makapag-bonding tayong tatlo.” tuwang-tuwa na sabi ni Janelle.

“Libutin nalang natin 'tong lugar na 'to. Masyado naman itong malaki kaya sulit narin 'to.” sambit ni Mae. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

“Pwede ba kaming sumama sa inyo?” tanong ni Hell na kasama si Demo at Kuya.

“Oo pero Demo, hindi mo ba kasama si Shane?” tanong ko, umiling naman siya.

“Kasama niya 'yung mga kaibigan niya,” sambit niya tiyaka ngumiti, “Bakit si Mae hindi niya kasama si Luke?” dagdag na tanong niya.

“Kasama niya 'yung mga kaibigan niya.” sagot ni Mae sa tanong ni Demo. Parehas pa sila ng sinabi baka naman pinag-usapan nila 'to.

“Hep! Ngayon palang ay puputulin kona ang inyong usapan,” sambit ni Janelle at pumagitna sa kanila. “dapat lang na i-enjoy natin ang araw na 'to.” dagdag pa niya at nanguna na sa paglakad.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon