Hinatid ako ni Mommy sa bahay namin ni Hell. Sobra akong kinakabahan sa plano ni Daddy. Alam kong meron siyang isang salita. Alam ko na kaya niyang ipapatay si Hell kung gugustuhin niya.
Tahimik akong pumasok sa bahay nang bigla akong harangin ni Inday.
“What?”
“Mam, umalis po si Sir Hell.”
“Anong gagawin ko? Mapipigilan ko paba eh nakaalis na siya?” inis kong sambit. Agad ko rin siyang nilagpasan kasi nabubwisit ako sa mukha niya.
Pero saan naman kaya pumunta si Hell?
Tinawagan ko si Hell para tanungin kung nasaan nga siya at kung anong oras siya makakauwi. Balak ko kasing paglutuan siya mamaya.
Mga tatlong ring lang ay sinagot na niya.
[Napatawag ka Heaven?]
“Nasaan ka ba at anong oras ka uuwi?”
[Tss, nasa school ako. Diba bukas kapa papasok?]
Oo nga pala. Kahit buntis ako ipinagpapatuloy ko parin ang pag-aaral ko. Graduating narin naman ako at tatlong buwan nalang naman ang pasok.
“Anong oras ka makakauwi?”
[Miss mo na ako agad? Mga 5:00 ng hapon. May ipapabili kaba?]
“Wala naman. Sige mag-aral kana baka nakakaistorbo ako.”
[Hindi naman. Sige na magpahinga kana riyan. Huwag mo na akong mamiss tatlong oras lang naman. Magkikita pa tayo ulit.]
“Okay.”
Matapos kong ibaba ang tawag dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng gatas. Hirap mag buntis feeling ko oras-oras akong inaantok.
Kumain at nagbasa-basa nalang ako ng mga libro habang hinihintay na dumating si Hell.
“Ah!” badtrip. Gusto kong umalis at pumunta sa mall.
“Inday” tawag ko. Agad naman siyang lumapit.
“Bakit po Mam?”
“Tawagan mo nga sina Janelle sa telepono tapos papuntahin mo rito.”
“Sige po Mam.” muli akong bumalik sa ginagawa ko. Feeling ko nakakarelate ako. Kasi parehas kami ng sitwasyon nang babae. Ayaw kasi ng Dad niya roon sa taong nagugustuhan niya, para sa kaniya. kaya gumawa ng paraan yung Daddy niya para paghiwalayin sila nung guy.
“Mam sige raw po.” aniya kaya tumango nalang ako.
Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng doorbell kaya inutusan ko si Inday na buksan ang gate.
“Heaven...” sinalubong nila akong dalawa ng yakap.parang mga siraulo samantalang magkakasama lang naman kami noong isang araw.
“Bakit mo pala kami pinapunta rito?” tanong ni Janelle.
“Kasi aalis ako. Pakisamahan nalang si Inday.” sinamaan nila akong tingin. “Biro lang. Gusto ko kasing mamasyal or kahit saan nalang pumunta basta makaalis lang ako sa boring na bahay na ito.” ani ko. Kailan paba hindi naging boring ang mag-isa?
“Alam ko na kung saan tayo pupunta.” nakangiting sambit ni Mae.
“Ikaw nalang damay mo pa kami.”
“Ts. Dali masaya ito!”
---
Nasa labas palang kami pero rinig na namin ang malakas na tugtugan mula sa loob.
BINABASA MO ANG
A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]
HumorHIGHEST RANK #6 IN HUMOR Pwede ba 'yon? Ma-inlove ang Heaven, sa isang Hell? Aso't pusa kung magturingan, walang pinagkakasunduang bagay. Puro sakit lang ng ulo ang nararamdaman nila, tuwing magkakatagpo ang kanilang landas. What if mausuhan sila ng...