Ilang linggo na kaming nasa Hospital. Hindi pa nagiging mabuti ang lagay ni Angel. Marami pa ring nakasabit sa katawan niya. Sobra na akong naaawa sa kaniya tuwing tinuturukan siya ng gamot, masakit para sa'kin na marinig ang pag-iyak niya.Sa tuwing naaalala ko yung sinabi sa amin ng Doctor sumisikip ang dibdib ko at gusto kong kalimutan 'yon. Gusto niyang tanggapin nalang namin ang pwedeng mangyari kay Angel. Malabo! Hinding-hindi ko matatanggap iyon.
"Ako naman ang magbabantay, Kailangan mong magpahinga." hinawakan ni Hell ang magkabilaang balikat ko. "Please... Ilang araw kanang hindi kumakain,Puro tubig ka nalang." kita ko sa mga mata niya na awang-awa siya sa'kin. "Kailangan mong maging malakas. Huwag mong bigyan ng dahilan si Angel para hindi lumaban. Please Heaven, mag-pakatatag ka para sa anak natin." niyakap niya ako matapos niyang magsalita.
"Hell, hindi naman tayo iiwan ni Angel diba?"
"Oo, basta maging malakas ka para tatlo tayong lalaban sa sakit niya."
Pinunasan ko ang luha ko bago umupo at kainin ang dalang pagkain ni Hell. Tama siya, kailangan maging malakas ako.
Bawat subo ko sa kinakain ko, tumutulo pa rin ang luha ko. Lalo na't nasa tabi ko si Angel na mahimbing na natutulog. Hindi ko siya masyadong nahahawakan dahil natatakot ako na baka masaktan ko siya.
"Umuwi kana 'pag tapos mong kumain. Magpahinga ka para kapag nakabalik ka rito may lakas ka." aniya habang nakasandal sa pader. Nakatingin si Hell kay Angel, sigurado ako na gustong-gusto narin niyang yakapin ang anak niya.
***
Napatayo mula sa pagkakahiga nang makarinig ako ng iyak sa Crib. "A-angel?" hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nasa harap ko si Angel, umiiyak. Nakauwi na siya ibig sabihin malakas na siya. Maayos na ang pakiramdam niya. Muli ko na namang makikita ang nakakawalang pagod na ngiti niya.
Nagtimpla ako ng gatas para tumigil siya sa pag-iyak. Ang saya-saya ko dahil magaling na ang anak ko.
Inalog ko ang bottle at muling lumapit sa crib. "A-angel..." N-nasaan na siya?
Ginulo ko ang mga nakalagay sa crib "Saan na siya na punta?!" tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko. Napatingin ako sa bintana ng may kumatok. Nakita kong may isang babae. May tali siya likod at hawak-hawak niya si Angel na umiiyak. Nakahood siya at nakasuot ng salamin. Tanging ngisi lang ang nakaguhit sa labi niya. "Ibalik mo sakin si Angel! Ibalik mo sakin ang Anak ko!" tumakbo ako papuntang binta at binuksan iyon. Pero wala na siya. Kinuha niya sakin ang anak ko!
"Angel!"
"Anak gising!" napatingin ako sa paligid, lumalabo dahil sa pagtutubig ng mga mata ko.
"Si Angel, Mom."
"Nasa Hospital pa rin diba?"
"Mommy, kailangan kong umalis, kailangan kong puntahan ang anak ko, Mom, may gustong kumuha sa kaniya." Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"Anak, nananaginip ka lang Nandoon si Hell at ang mga kaibigan mo para bantayan si Angel, kaya huwag kang mag-alala and you need more rest, don't stress yourself too much. Kailangan ka ng anak mo. Kayong dalawa ni Hell ang magiging dahilan ni Angel para lumaban. Iparamdam mo sa kaniya ang pag-asa hindi yung ganiyan ka. Buhay pa siya kaya huwag mong iyakan." tama Heaven! Bad dreams lang 'yon. Tama sila, kailangan iparamdam kay Angel na hindi siya nag-iisang lumalaban.
Nang mabawi ko na ang pagod ko, bumalik na agad ako sa Hospital. Sinalubong naman ako nina Janelle at Mae. “Nasaan si Hell?”tanong ko.
“May binili lang kasama sina Demo at Skie.” sagot ni Mae. Dumiretso ako sa tabi ni Angel. Kinakabahan ako't natatakot. Paano kung mangyari yung panaginip ko? Paano kung mawala nga samin si Angel? No, hindi ko kaya.
Napahawak ako sa pisngi ko nang may humalik. “Hell, pumasok kana sa trabaho mo. Kaya ko namang bantayan si Angel mag-isa.” sambit ko.
“Naka-leave ako Mahal, isang linggo.” nilapag niya sa side table ang mga pagkain na dala niya.
“Salamat Mahal,” niyakap ko siya sa baywang. “Mas pinili mo si Angel kaysa sa work mo.” dagdag ko pa.
Ginulo niya ang buhok ko. “Walang katumbas ng kahit anong bagay ang halaga niyong dalawa sakin.” hinalikan niya ako sa noo.
“Kumain na nga tayo, lalanggamin tayo dito eh.” Aya ni Janelle, lumapit naman yung tatlo.
“Hell, mabuti pinayagan ka ng Boss mo.” Sambit ni Demo.
“Malakas ako sa Boss ko eh, diba mahal?” tumawa ako at tumango. Masaya na rin ako at nagkasundo na sila ni Daddy.
“Ako naman hindi maka-leave. Tambak yung trabaho ko dahil ang daming gagawin.” Sambit ni Kuya. Nakakalungkot lang isipin na may kaniya-kaniya na kaming buhay na pinagkakaabalahan samantalang noon, pwede kaming magsama-sama anytime na gustuhin namin.
“Mauna na kami ah? Bibisita nalang kami next time pero sana sa bahay niyo na.” tumayo ako para ihatid sila sa pinto. Thankful pa rin ako na yung pahinga nila, ibinabaling nila samin.
Someone
“Hayaan mo nalang sila maging masaya. Maawa ka naman sa bata.” tinarayan ko lang siya. Nang malaman ko na buntis si Heaven, pinlano ko na agad 'to.
“Kahit ano pang sabihin mo, kukunin ko ang bata. Malaki ang kasalanan sakin ni Heaven, remember?” kinindatan ko siya. Nagdabog naman siya bago bumaba sa kotse ko.
Nakatingin ako sa Hospital kung saan naka-confine ang anak nila. Kating-kati na akong makaganti. Pagsisisihan ni Hell na hindi ako ang pinili niya.
Tinawagan ko si Marie.“Kailan moba makukuha 'yang bata?” irita kong tanong. Siya lang naman yung nurse na tumitingin sa bata.
[Mahihirapan tayo dahil hindi iniiwan ang bata, palaging may bantay.] Tss. Bobo hindi marunong mag-isip ng paraan.
“Gumawa ka ng paraan. Malapit na ang flight namin papuntang America. Doon ko siya ipapagamot.” inis kong sambit. Sisiguraduhin kong hindi sila magiging isang masayang pamilya.
Sisiguraduhin kong magdudusa sila. Sisiguraduhin kong mas masakit ang mararamdaman nila kapag kinuha ko ang pinakamamahal nilang anak.
[Sige po, gagawan ko ng paraan.] Aniya, binaba ko ang tawag. Papatayin ko siya kapag hindi niya nagawa.
Nag-uumpisa palang ako Hell and Heaven. Sulitin niyo na ang araw hangga't nasa inyo pa si Angel. Hindi kayo magiging masaya.
***
BINABASA MO ANG
A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]
HumorHIGHEST RANK #6 IN HUMOR Pwede ba 'yon? Ma-inlove ang Heaven, sa isang Hell? Aso't pusa kung magturingan, walang pinagkakasunduang bagay. Puro sakit lang ng ulo ang nararamdaman nila, tuwing magkakatagpo ang kanilang landas. What if mausuhan sila ng...