Gallades note:
Pasensya na po sa mahabang panahon na akoy nawala hihihi...
Hashtag workworkwork po ang peg ko..at salamat nga po pala dun sa mga taong nag add ng story na to sa list nila..mwamwa..Angel's pov
"Hello claude!"bungad ko after kong makuha yung number ni claude kay lyka at mabilis itong kinontak.
"Sino to?"mabilis naman nyang sagot pero masasabi mo paring nandun parin yung tapang sa boses ng lalaking ito.
"Si angel to asan ka banda ?? Pupuntahan kita at sabay na tayong magpunta dun sa place ng rookie gang na yun" sabi ko habang naglalakad at naghahanap ng escalator..medyo nagmamadali ako kasi kailangan pa naming maabutan yung mga yun..
"Nandito ako sa place nila sa third floor angel puntahan moko dito ngayon na!"rinig kong hininaan ni claude yung boses nya..for sure malapit lang to sa table nung rookie gang.
Nyeta naman oh what a wonderful day nga naman.. Ganda ng nails ko sa paa..
Pag ka akyat ko sa third floor nagpalinga linga ako kung san yung kinakainan nung mga yun..
Nang makita ko na si claude na nakaupo sa loob at umiinom ng juice ay walang atubili akong pumasok agad,pero hindi ako nagpapahalatang natataranta mahirap na baka isipin nilang may pakay kami ni claude sakanila..
Nang makita ako ni claude ay kumaway sya na sinasabing pumunta ako sa table nya..
"Upo ka angel..teka kumain ka na ba ?"panimula nya sakin..
"Hindi pa nga eh..plano ko palang sanang kumain after kong mag pa spa kaso ito nga tinawagan agad ako ni lyka.."medyo naiinis kong sabi pero agad namang nawala kasi syempre noh? Claude na yong nasa harap ko na super gwapo..
"Order ka na muna for sure matagal pa sila matatapos kumain"sabi nya sakin at pagkuwan ay tinawag nya yung waiter para humingi ng menu.
Pagkadating nung waiter ay binigay nito agad sakin yung menu..tumingin muna ako ng pwedeng makain at napili ko yung lasagna with garlic bread with red tea kaya yun yung sinabi ko sa waiter..
"Asan ba sila banda?"pabulong kong sabi kay claude.
"At my back"medyo mahina nya ring sabi sakin kaya tumingin agad ako sa likod nya at totoo nga andun nga yung ibang member ng rookie gang.
"Teka apat lang sila ah?"sabi ko kay claude pagkabilang ko at syempre agad hinanap ng mata ko yung beki nilang member..
"Narinig ko kanina na pumunta yung iba dun sa bahay ng leader nila,pero kailangan parin nating pakinggan ang pag uusap nila para malaman natin kung nasan ba ang golden plate"paliwanag sakin ni claude at ininom ang kanyang juice.
Hindi ko alam kung paano ako magstart ng topic kasi biglang tumahimik ang atmosphere namin ni claude paano ba naman kasi ngayon ko palang makaka bonding ang isang to at feeling ko awkward para sakanya ang sitwasyon na ganto na may kasamang beki sa table..
"Hmmm claude"medyo nahihiya ko pang tawag sakanya paano ba naman kasi nakasandal lang sya at nakatingin lang sakanyang phone..
"Yes?"sagot nya sakin..oh my ang gwapo nya talaga nakakaloka para akong kinikilig na ewan dito pero syempre wala paring tatalo kay travis noh?..
"Ok kalang dyan??kung gusto mo kumuha ako ng isa pang table?"tanong ko sakanya para hindi sya makaramdam ng awkwardness.. Baka kasi iniisip nito na feel na feel kong may kasama akong gwapong lalaki sa isang table at feeling jowa lang ayoko naman ng ganon, hindi naman sa pagigiging judgemental or hindi ko din naman alam ang iniisip ngayon ni claude sa sitwasyon namin ngayon pero syempre bilang bakla ang dami ko nang na incounter na ganung eksena..
BINABASA MO ANG
ONLY GAY IN THE GANG(slow update)
Teen FictionNakakalokang story..yun lang..ahahaha..