Chapter Three - A Friend

3.2K 94 0
                                    


Andi's POV

After a week, nakatanggap ako ng tawag galing kay Arabella. Inimbitahan niya ako'ng mag-lunch. Alam ko na ang ibig sabihin no'n. Dahil hindi iyon ang unang beses na tinawagan niya ako at niyayang lumabas.

Matapos naming umorder, nagsimula na siyang mag-imbistiga.

"M-may nasabi ba siya sa 'yo?"

Umiling ako. It takes a great deal of experience to master the art of lying, para kay Nixon.

Tumungo lang siya at nilaru-laro ang hawak na tissue.

"Hindi na n'ya ko tinatawagan. Hindi ko naman siya ma-contact. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?"

Well, hindi ko naman talaga alam.

"Actually, medyo busy siya nitong mga nakaraang linggo. Baka nagkakataon lang na busy siya kapag tumatawag ka."

Totoo naman, na talagang busy si Nixon, sa restaurant, at sa marami pang mga bagay.

Umiling siya at tumingin  nang matuwid sa akin.

M-may iba na naman bang babae'ng kinalolokohan si Nixon?"

"Ara, kilala mo 'yon, kilala nating lahat 'yon," ang pagiging number one playboy ang tinutukoy ko.

Ilang beses na akong kinausap at kinulit ni Arabella tungkol sa ganoong issue. At palagi kong pinagtatakpan ang mga kalokohan ni Nixon.

Minsan nga, nakakainis na rin dahil sa totoo lang kinu-condemn to hell ko ang mga lalaking katulad ni Nixon. Pero, heto ako, walang magawa dahil kaibigan ko siya.

"Andi, mahal na mahal ko si Nixon. Nasasaktan ako kapag nalalaman ko'ng may mga babae siya."

Ako ang napabuntung-hininga. Isa lang si Arabella sa napakaraming babaeng nabola at napaiyak ni Nixon. Hindi ko nga alam kung isa ba talaga sa mga hobbies nito ang magpa-asa ng mga babae.

"Don't worry too much. Maaayos n'yo rin 'yan."

At tuluyan nang umiyak si Ara. Hindi ko alam kung nag-o-over react lang siya o talagang masakit 'yon sa kanya.

"Kahit mga simpleng bagay, pinag-aawayan na namin ngayon. Pati pagluluto ko, hanggang 'yung pagtiklop ko ng mga damit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, matagal na niya 'kong gustong hiwalayan, naghahanap lang siya ng dahilan."

Siguro nga, naisip ko. At siguro din, may bago na namang kinahuhumalingan ang playboy na 'yon.

"'Wag kang mag-alala, kakausapin ko si Nixon."

"'Wag mo na sanang babanggitin sa kanya na nagsumbong ako sa'yo. Magagalit lalo 'yon sa'kin. Sabi kasi niya, 'wag na 'wag raw kitang idadamay sa away namin."

"Wala akong sasabihin. Basta, 'wag ka nang masyadong mag-alala. Ako'ng bahala."

"Thank you, ha. Alam mo, kung hindi ka lang ganyan kabait sa 'kin, kahit ikaw, pagseselosan ko. Noon, hindi ko maintindihan kung bakit may kasamang ibang babae si Nixon sa apartment. At hindi ako naniniwala na walang nangyayari sa inyo. Imposible."

"Unusual, pero hindi imposible."

Sa wakas ay ngumiti si Arabella.

"Hanga ako sa'yo. Alam mo bang napakaraming babae ang nagkakandarapa na mapansin n'yang si Nixon?  Samantalang ikaw, araw-gabi mo siyang kasama."

Ngumiti lang ako. Kung alam lang niya kung gaano kahirap na maging housemate ni Nixon. Kung alam lang niya kung ano ang mga pinagdadaanan ko sa araw-araw na kasama si Nixon.

"Andi, 'yung totoo, kahit kaunti ba, wala kang gusto sa kanya?"

Lumakas ang tawa ko.

"Kay Nixon? Matagal na kaming magkaibigan no'n. At hanggang do'n lang talaga kami."

Hindi ko lang masabi na hindi ako gano'n katanga para maniwala sa mga bola ni Nixon. Ayoko namang palabasin na medyo tanga siya para maniwala kay Nixon. At ngayon, hayan, iiyak-iyak.

Di ko lang masabi sa kanya na dapat masanay na siya and in the first place, dapat expected na niya 'yon. At katangahan lang ang iyakan si Nixon.

Pinasok niya 'yon, she must face the consequences. At 'wag siyang makakaasa na panghabang buhay ang relationship nila. Dahil kalokohan talaga 'yon.!!!!

........................................................................................................................................................................

Last for tonight guys😘

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon