A few weeks later...Third Person's POV
"NIXON, TUMULOY KA MUNA," sabi ni Arabella pagkahinto ng kotse ni Nixon sa tapat ng apartment na inuupahan nito, katatapos lang nilang mag-dinner. Alas nuebe pa lang ng gabi.
"Hindi na, kailangan ko na ring umuwi."
Hindi lang tatlong beses nangyari ang ganito sa kanilang dalawa ni Nixon. At madalang na rin silang lumabas ngayon. Masyado raw itong busy, maraming inaasikaso sa restaurant. Masyadong maraming excuse.
"Sige na, kahit magkape ka man lang."
"Next time na lang. May tatapusin pa 'kong trabaho."
Hindi kumibo si Arabella. Nanatili lang itong nakaupo sa tabi ni Nixon. At alam ni Nixon na nagtatampo na naman ito sa kanya.
"Please understand, busy talaga ako,"sabi niya.
Dahil alam niyang she is offering coffee and a lot more.
"Busy ka saan? Sa mga iba mong babae?"
Napailing si Nixon at natawa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nagtalo tungkol sa bagay na 'yon.
"Hindi mo na siguro talaga 'ko mahal, 'no?"
And who said anything about love? Malinaw niyang sinabi kay Arabella, that what they have is not meant to last forever. And love is definitely out of the question.
"Sabi ko na nga ba, may iba ka na namang kinalolokohan, ano?"
"P'wede ba, Ara, tigilan mo na 'ko sa mga pagseselos mo. I really need to go now." He leaned over to open the door for her."Sige na, bumaba ka na, tatawagan na lang kita."
*********
"Am I late?"
Tuluy-tuloy si Nixon sa kusina para kumuha ng dalawang Coke in cans. Pagkatapos niyang maihatid si Arabella, dumaan muna siya sa paboritong pizza parlor ni Andrea at nag-take out ng paborito nitong pizza.
Wala siyang anumang tatapusing trabaho, kailangan lang talaga niyang makauwi kaagad. Matagal na nilang hindi nagagawa ni Andrea ang ganoon. And he'd rather stay home and watch a video with Andrea than to be with Arabella, having a cup of coffee, and whatever she could offer him.
"Andi, I've got your favorite pizza!"sigaw ni Nixon mula sa kitchen.
Nang walang tumugon ay tumuloy siya sa kuwarto ng kaibigan."Andi?"
Pero wala si Andi. Muli siyang lumabas at inilapag ang dala sa center table sa sala. "Andi?"muli niyang tawag.
Hindi naman siya maaaring magkamali, kaninang umaga, bago sila maghiwalay ay napagkasunduan nila na manood ng DVD ngayong gabi. At naisip niya na baka may binili lang ito sandali at pabalik na rin.
Pero malayo sa pagbili ng kung ano si Andrea. She's having dinner with Kenneth, the same moment Nixon came rushing home. Nixon tried to call her after an hour pero ring lang nang ring ang cellphone nito.Tumingin siya sa relo niya, 11:30 ng gabi. Nanonood siya ng TV habang hinihintay si Andrea. Medyo nakatulog na nga siya sa kakahintay. Naroon pa rin sa mesa ang family size pizza at dalawang coke in cans.
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
Fiksi PenggemarImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...