Chapter Seven - Compatible

2.5K 68 0
                                    


Third Person's POV

Second day ng exhibit at former classmate ni Andrea ang isa sa mga artists. Abstract ang karamihan sa mga paintings. Kung hindi nga lang siya nahihiya sa kaklase niya, hindi siya pupunta do'n. Wala naman kasi siyang interes sa abstract painting.

It was a little after lunch at madalang lang ang tao sa exhibit hall. Abala si Andrea sa pag-aanalisa ng isang painting na may pamagat na Illumine, nang may lumapit sa kanya na isang lalaking nakaitim. Itim na t-shirt, itim na pantalon, itim na sapatos. At may hawak na maliit na itim na notebook. Nagulat pa si Andrea nang bigla iyong tumabi sa kanya. Bahagya niya itong nginitian at muling tumingin sa painting.

"What do you think about it?"tanong ng lalaki.

Mababa ang maganda nitong boses.
Hindi agad siya nakasagot dahil kanina pa niya iniisip kung ano nga ba ang tingin niya sa painting na 'yon.

"I don't know. I'm not really into abstract art."

Napangiti si Kenneth. "Ano sa tingin mo ang iniisip nung artist nung ginawa 'yan?" muli nitong tanong na nakatingin lang sa painting.

Nilingon ni Andrea ang kausap at napaisip kung bakit siya kinakausap nito at tinatanong ng kung anu-anong bagay. Hindi sana niya ito papansin pero nang mapagmasdan niya ito nang kaunti, napagnilayan din niya na cute ito at mukha namang mabait. Maybe he just wanted to make a conversation.

Sa tingin ko, malaki ang problema nung artist, simula ni Andrea.

"He's bothered about something and probably he's a bit depressed."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Masyado kasing madilim 'yung mga kulay na ginamit,"sagot niya.

Hindi rin niya maintindihan kung ano ang kinalaman ng pamagat nitong 'Illumine' sa painting dahil wala siyang nakikita kahit na kaunting liwanag.

"Ikaw, ano sa tingin mo?"

Bahagya pang lumapit si Kenneth sa painting at pinagmasdan iyo'ng mabuti.

"Sa tingin ko, gustong ipakita nung artist na meron pa ring liwanag kahit sa napakadilim na sandali ng buhay. See that little bright pigment on the left part? That's why it's entitled Illumine."

Hindi alam ni Andrea kung ano ang magiging reaksyon sa naging assessment nito.

"Wow. That's interesting."

Natawa si Kenneth. "So, you're not into abstract art?" tanong nito.

"Right. Wala akong alam sa pag-a-analyze ng mga abstract paintings. Ikaw, mukhang may degree ka sa fine arts, o baka naman kakilala mo si-"at tiningnan niya ang pangalan ng artist ng painting. "Kenneth Alcantara?"

"I am Kenneth Alcantara."

Literal na napanganga si Andrea."You've gotta be kidding me."

"Ako si Kenneth Alcantara. Gusto mong makita ang ID ko?"nakangiti nitong sabi. Wala sa mukha nito ang kahit na kaunting pagkainis.

Nakatingin lang ito sa dalaga na halatang hiyang-hiya sa nangyari. "And you are?"

Hindi alam ni Andrea kung kailangan na ba niyang tumakbo paalis o kung kailangan ba niyang sagutin ang tanong nito.

"S-sorry...hindi ko alam na-"

"Well, it happens all the time. And your name is?"

"Andrea. I'm really sorry. Hindi mo naman siguro 'ko papaalisin dito?" nag-aalala niyang tanong.

"Of course not. But I will only forgive you if you'll agree to talk about this over a cup of coffee."

************

Andi's POV

Kenneth happens to be a very adorable artist. At sa palagay ko, malayo ang mararating ng isang tasa ng kape na 'yon.

Pinag-isipan ko ang sinabi ni Trina. Ilang gabi rin na naging laman 'yon ng isip ko bago matulog. Kailangan ko na bang magsimulang humanap ng malilipatan? Dahil kung iisipin, mahihirapan talaga akong magkaroon ng lovelife sa ganitong klaseng sitwasyon. Kahit pa sabihin na nating maiintidihan ako ni Kenneth.

Because honestly, I am beginning to like Kenneth. He's into painting. He loves pizza, just like I do. Mayroon siyang art gallery at nakatatlong exhibits na siya in and out of the country.

We've got a lot of things in common. He knows about politics, economics and he's also into movies. Hindi katulad ni Nixon na puro computer ang inaatupag. At magkasalungat kami ng taste sa pelikula. Ang maganda sa kanya, ayoko, at ang maganda sa 'kin, pangit para sa kanya. We really don't have anything in common and I hate him everytime he introduces his girlfriends and tells me about his adventures with them.

Si Kenneth, bread winner ng pamilya. Responsable, seryoso sa buhay. Hindi katulad ni Nixon....

............................................................................................................................................................................

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon