Chapter One - Unforeseen

7.2K 119 3
                                    


Third Person's POV

Maraming tao sa loob at labas ng coffee shop. Ang iba ay para magkape, ang iba ay para sumilong at maghintay ng pagtila ng malakas na ulan. At naghintay do'n si Andrea ng kalahating oras.

Naisip niya na baka naligaw at napunta sa ibang coffee shop si Marc. Tatawagan niya na sana si Trina nang mayroon siyang natanaw na isang lalaking palapit, nakangiti.

"Good evening. Sorry, I'm late."

That was the most amazing smile that I've ever seen. He was tall. And really good-looking. bulong niya sa isip.

"Sorry to keep you waiting. You must be-"

"A-andrea," wala sa sariling niyang tugon kahit hindi niya pa alam kung sino ba ang napakagandang lalaki na iyon.

"I'm Nixon."

Nakipagkamay si Nixon kay Andrea at naupo siya na tinitingnan ito. Sa tono ng pananalita niya, sa tingin ni Andrea, matagal na itong nakatira sa ibang bansa. At hinayaan lang niya na kamayan siya ni Nixon. Ewan ba, para s'yang na-hypnotize.

Tumingin si Nixon  sa mamahalin nitong wristwatch. At napatingin din si Andrea sa sariling lumang relo.

"Mag-aalas siyete na ng gabi."

"Is it okay if we have dinner first?" tanong ni Nixon.

"H-ha?"nagtatakang tanong naman ni Andrea

"I think Paul won't mind if we have dinner first," sabi pa ni Nixon nang nakangiti.

"P-paul?" naguguluhang tanong ni Andrea.
"Sino si Paul?

"He told me to pick you up, hindi ba niya nasabi sa'yo?"

Umiling si Andrea. Wala siyang naiintindihan isa man sa mga sinasabi ni Nixon.

Kumunot ang noo ng binata. "Aren't you Paul's girlfriend?"

Umiling uli si Andrea na nagpangiti kay Nixon ng isang napakagandang ngiti.

..................

Andi's  POV

A matter of mistaken identity. That's how we first met.

Naghintay pa uli ako ng fifteen minutes matapos mag-sorry at umalis si Nixon, at ilang minuto pa pero walang Marc na dumating. Ilang beses ko nang tinawagan si Trina pero hindi ko naman ito ma-contact. Kalahating oras pa ang lumipas at napagpasyahan ko nang umalis.

Malakas pa rin ang ulan at nanatili ako sa labas ng coffee shop, hawak sa isang kamay ang payong at sa isa pa ang ilang libro, naghihintay ng taxi. At sa dami ng tao roon na tulad niyang naghihintay, tantiya ko na kinabukasan pa 'ko makakauwi.

Nakita ko si Nixon na kumaway sa di kalayuan. Mabilis itong tumakbo at sumukob sa payong ko.

And he invited me again to have coffee. That's how our friendship started.

****

Whatever happened to Marc? Napag-alaman ko kay Trina na iba ang coffee shop na pinuntahan nito. Hindi si Marc ang naligaw. Kundi ako.

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon