Third Person's POV"Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko."
Sobra na ang pag-aalala ni Amanda kaya kinailangan n'yang puntahan at kausapin si Trina. Sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito at kumain sila sa malapit na restaurant.
"Baka busy lang."
"Hindi siya nagpaalam sa 'kin, hindi man lang sinabi kung saan pupunta. Hindi man lang nag-breakfast.
Dati naman, tumatawag siya o kaya nagti-text.""Andi, cool ka lang. Baka naman walang load. O kaya lowbat."
Hindi ganoon ang tipo ni Nixon."Ano kaya'ng nangyari do'n?"
"E bakit ka ba nag-o-overreact? Hindi mo lang nakasabay sa breakfast, nagkakaganyan ka na. Tapos, sasabihin mo sa 'kin na friends lang kayo? Utang na loob, Andi,"natatawang tugon ni Trina.
"Baka kung ano na nga ang nangyari do'n, sa tingin mo?"
"Alam mo kung ano sa tingin ko? Sa tingin ko, nag-gu-goodtime lang 'yon kasama ng mga girlfriends niya."
Sana nga kung gano'n lang. Pero kahit pa nga ganoon, tumatawag ito sa kanya.
"Andi, matanda na 'yung kaibigan mo. Kaya na niyang sarili niya. Kaibigan ka lang, mare. Sa kinikilos mo, daig mo pa ang asawa."
****
Nang gabi'ng iyon, naghintay si Andrea kay Nixon hanggang mag-hatinggabi. Galit na siya, iniisip kung ano nga ba ang nangyari rito, at hindi man lang nakuhang tumawag. Nagbabasa siya noon ng libro at nakatulugan na niya ang paghihintay.
Nang pumasok si Nixon sa apartment ay nagulat pa ito nang makita si Andrea na tulog na tulog doon sa sofa, hawak ang isang libro. Nilapitan niya ito at ginising.
"Andi, Andi?"
Pinilit buksan ni Andrea ang mga mata. Nakita niya ang mukha ni Nixon at dahan-dahan siyang umayos ng pagkakaupo.
"A-anong oras na?"
Tumingin si Nixon sa relo."Five to two. Bakit dito ka natulog?"
"Bakit ngayon ka lang?" balik na tanong ni Andrea.
Inilagay nito ang binabasang libro sa mesa. "Sa'n ka ba nanggaling?" nakapikit pa niyang tanong.
Naupo si Nixon sa pang-isahang upuan, nagtataka pa rin kung bakit doon ito natulog. She's wearing her pink pajamas which he thinks is the sexiest pajamas he has ever seen. Iniiwas niya ang tingin dito at tiningnan ang librong inilapag nito sa mesa.
"Paul arrived from L.A. Nagkita kami."
"Ba't di ka man lang tumawag? Buong araw kitang tinatawagan. Hindi ko alam kung nasaan ka na, o kung ano nang nangyari sa'yo."
Natawa si Nixon.
"At ano ang nakakatawa? Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?"
"Bakit?" Tumayo si Nixon nang tumayo si Andrea at sinundan ito sa kusina para kumuha ng tubig.
"Bakit? At nagtanong ka pa kung bakit? Hindi mo man lamang naisipan na mag-text at sabihin sa 'kin na – 'O, I'll be a little late, I'm with Ara'."
"I was with Paul,"pagtatama ni Nixon sa sinabi ni Andrea pagkatapos nitong uminom ng tubig.
"Para ano pang may cellphone ka? Hindi mo man lang naisip na merong nag-aalala sa'yo dito sa bahay."
Tiningnan ni Nixon si Andrea na noon ay nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kanya. Muli siyang napangiti.
Nag-aalala ka sa 'kin?"
"Ewan ko sa'yo." Tumalikod si Andrea at muling nagpunta sa sala para kunin ang librong binabasa kanina.
"Hindi nga, nag-aalala ka sa 'kin?" nakangiti nitong tanong.
"Bakit nga ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" muli niyang tanong na hindi pinansin ang panunukso ni Nixon.
"E ikaw kasi," bulong nito.
Mahina iyon pero sapat na para marinig ni Andrea.
"Ha? At bakit ako?"
"H-ha? M-may sinabi ba 'ko? Wala ako'ng sinasabi, Andi," sabi pa ni Nixon at lumapit siya rito.
"Matulog ka na, okay?"
Sinamahan ni Nixon ang kaibigan hanggang sa pinto ng kuwarto nito at nanatili lang silang nakatayo malapit sa isa't-isa.
"P'wede ba, sa susunod-"
Tumangu-tango si Nixon."Sorry po, hindi na mauulit."
"Dapat lang."
Napangiti ang binata. Biglang nawala ang lahat ng sama ng loob niya. Masaya siyang muling makita nang ganoon si Andrea, masaya siyang muli itong makasama nang ganoon.
"Sige, good night."
Tumingin pa muna sa wristwatch si Andrea bago buksan ang pinto.
"Good morning."
Nang isasara na nito ang pinto ay muli itong tinawag ni Nixon. Nasa loob na ito ng kwarto, hawak ang pinto, at nasa labas si Nixon.
"Bakit?"
"Thank you."
"Thank you saan?"
"Sa pag-aalala."
Ngiti lang ang nakuhang tugon ni Nixon at isinara nan nang tuluyan ni Andrea ang pinto. Nixon just stayed there in front of her door for a while, feeling happy and light, something he hasn't felt for a long time.
........................................................................................................................................................................
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
FanficImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...