Third Person's POVALAS-OTSO NA NG UMAGA, naghahanda na si Andrea para umalis nang makarinig siya ng katok sa pinto. Alas nuebe ang usapan nilang magkikita nina Trina at Kaila at halos isang oras na biyahe iyon.
Alas otso na ng umaga at naroon pa siya sa bahay. Kasi naman itong si Nixon, naisipan pang lumabas ng gabing iyon at alas dos na sila nakauwi, tinanghali tuloy siya ng gising.
Inayos na niya ang mga gamit sa bag bago tumungo sa pinto. "Sandali lang!" Wala siyang inaasahang bisita nang umagang iyon at nagtataka siya kung sino iyon.
Maliit itong babae, payat, maitim. Naka-spaghetti strap itong pula and very short skirt. Nagulat itong makita ako, hindi ko alam kung bakit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At hindi ko 'yon nagustuhan.
"Unit ba 'to ni Nixon? Kilala mo ba siya?"
"Isa na naman ba iyon sa mga babae ni Nixon? "
Tumango si Andrea. "Si Nixon? Oo," sabi n'ya."Ito nga ang unit n'ya."
Matagal pa bago ito muling nagsalita. At muli, tiningnan nito si Andrea mula ulo hanggang paa.
"And'yan ba siya?"
"N-natutulog pa, alam ba niyang darating ka?"
Siguro hindi, dahil hindi ito sumagot.
"Pasok ka muna, gigisingin ko lang." Iniwan ni Andrea na bukas ang pinto para sa bisita. "Pasok ka, tatawagin ko lang si Nixon," muli niyang sabi nang hindi ito umalis sa pagkakatayo roon.
Pero bago pa marating ni Andrea ang kuwarto ni Nixon ay nakita na niya itong lumabas. Naghihikab pang lumapit si Nixon kina Andrea at nagulat nang makitang may ibang tao sa loob ng apartment nila.
"Trista! Ano'ng ginagawa mo rito?"gulat na tanong ni Nixon na biglang nawala ang pagkaantok.
"Nixon, iniiwasan mo ba 'ko? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit?"
Napailing si Andrea. Hindi na bago sa kanya ang ganoong eksena. Maraming beses nang nangyari ang ganitong tagpo simula nang makilala niya ang kaibigan. Pero ngayon lang may sumugod doon sa bahay, kaya gulat na gulat ito.
Tahimik lang si Andrea habang inaayos ang ilang gamit na naiwan niya sa sala. Nagmamadali na siya, at ayaw niyang mahuli. After breakfast with friends, she'll be meeting a new client and of course, she wanted to make the best impression possible.
"Pa'no mo nalaman 'tong unit?"
"Hindi na mahalaga 'yon! Nixon, pinagtataguan mo ba 'ko?"malakas na sigaw ni Trista.
Sa liit nitong babae, nakakamangha kung saan nanggagaling ang malakas nitong boses.
"Trista, please, 'wag kang sumigaw. Sinabi ko na sa'yo, diba? Tapos na tayo."
"Gano'n lang 'yon? Pagkatapos kong ibigay sa'yo lahat? Gano'n lang 'yon? Bakit, ha? Dahil ba sa babae'ng 'yan?"
Tumayo na uli si Andrea at tiningnan ang dalawa. Ayaw niyang madamay sa giyera'ng iyon.
"Ano'ng ginagawa ng babae'ng 'yan dito?"
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
FanficImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...