Third Person's POV
"O, ANO'NG GINAGAWA MO RITO?"tanong ni Nixon nang makita si Andrea na abala pa rin sa kusina ng restaurant. Alas dose na noon ng gabi, at hindi naman talaga siya kailangan doon dahil naroon naman si Dom at ang mga assistants nito.
Patuloy lang si Andrea sa pagtulong kay Dom.Pumasok sa loob ng kitchen si Nixon nang hindi siya pinansin ng kaibigan. Tiningnan niya itong mabuti.
"Hindi pa ba tayo uuwi?"
"Mauna ka na."
Nilapitan niya si Andrea at pinilit itong lumabas sa maingay na kusina. Alam niya na may pinoproblema ito kapag ganoong pnapagod nito ang sarili sa trabaho.
"Ano'ng problema?"
"Wala, bakit?"natatawang tanong ni Andrea habang pinupunasan ang dalawang kamay sa dalang paper towels.
"Day-off mo, diba?"
"So?"
"So, you shouldn't be here. Umuwi na tayo."
—–
Kailangan pang pilitin ni Nixon si Andrea para umuwi. Nag-take out sila ng paboritong pizza ni Andrea. Pagkatapos makapagbihis ay nagtungo sila sa sala at naupo sa sofa. Pinagbuksan niya ang kaibigan ng ikatlong bote ng beer at iniabot dito.
"Ano ba talaga'ng problema mo?"
Uminom si Andrea ng beer at ngumiti. "Sabi ko sa 'yo, wala akong problema, mukha ba 'kong may problema?"
Tumango si Nixon at kinuha ang remote control para ilipat ang channel ng TV. Pangatlong bote na iyon ni Andrea, at alam ng lahat na hindi ito talaga umiinom, liban na lang sa mga ganoong pagkakataon.
"Si Kenneth ba?"
Napangiti si Andrea at muling umiling. Mas mabuti pa nga siguro kung si Kenneth lang ang problema niya. Sana nga, kay Kenneth na lang siya may problema, at least, alam niyang madali lang 'yong solusyunan.
Unti-unti na niyang nararamdaman ang hindi magandang epekto ng beer sa kanya. Nagsisimula nang mamanhid ang kanyang kamay at para na siyang lumulutang. Umiling siya ng maraming iling.
Nanatili lang siyang nakatingin sa hawak na bote."Nixon, k-kung lumipat na kaya ako ng bahay?"
Nagulat si Nixon. "Ha?"
"N-naisip ko lang na..."
"Bakit?"tanong ni Nixon na para bang isang hindi kapani-paniwalang balita ng narinig.
"Ka-si si S-Stephanie, baka-"
Mabagal na ang pagsasalita ni Andrea na tila inaantok na. At sa tingin ni Nixon ay lasing na ito.
"Andi, matagal na niyang alam na dito ka nakatira and she's okay with it."
"Sh-she's o...kay with it?"hindi makapaniwala niyang tanong. Tiningnan niya si Nixon.
"She's very openminded and she's great, I told you."
"She's crazy,"mahinang sabi ni Andrea.
Napailing si Nixon sa narinig. Hindi niya alam kung alam ni Andrea na narinig niya ang sinabi nito. Sinubukang nitong tumayo pero hindi na nito kayang i-balanse ang sarili dahil na rin sa dami ng nainom nito. Mabilis siyang nilapitan ni Nixon at inalalayan na muling tumayo.
Hinawakan siya ni Nixon sa baywang at umakbay siya rito. Kahit anong pilit ang gawin niya para tumayong mag-isa ay hindi niya magawa. Inalalayan siya nito sa bawat hakbang hanggang sa makarating sila sa kuwarto niya.
"Nixon,"tawag ni Andrea kay Nixon nang makaupo na ito sa kama.
"O?"
Pilit na tumayo si Andrea pero wala na itong lakas. Napakapit ito kay Nixon nang mawalan ng balanse.
"Sa tingin ko...kailangan ko nang lumipat ng bahay."
"Bakit nga?" naguguluhang tanong ni Nixon. Sa tingin niya ay talagang nalasing ang kaibigan sa halos sampung bote ng beer na nainom kaya kung anu-ano na ang sinasabi nito.
Tinanggal ni Andrea ang ipit sa buhok at inilagay iyon sa side table na nahulog rin sa sahig. Umayos na ito ng higa at nagulat si Nixon nang bigla na lang itong tumawa na nakatingin sa kanya.
"Nixon, bakit nga ba ang bait-bait mo sa 'kin?" tanong nito."You're just...making it difficult for me not to...fall inlove with you."
Natulala si Nixon. He's not sure if he heard her right.
"And...I don't want to be...one of those foolish people...who falls inlove with their bestfriends," sabi ni Andrea na halos nakapikit na."Because...that's pathetic, don't you think?"
Hindi alam ni Nixon kung matatawa o magugulat sa narinig mula sa kaibigan. Talaga nga sigurong marami na itong nainom.
"Nixon...alam mo ba...na matagal na kong nagseselos kay Stephanie? Tsaka kay...Arabella...tsaka dun sa mga iba pa na nakalimutan ko na ang pangalan.....tapos, naisip ko, bakit naman ako magseselos, e magkaibigan lang naman tayo, diba? Kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin, diba?"
Natawa si Nixon."W-what are you talking about?"
"Pero naisip ko ulet...siguro, mahal na kita kaya gano'n. Tapos sabi ko sa sarili ko, Andrea, tigilan mo 'yang...kalokoha'ng 'yan...walang future 'yan. Ano ba namang panama mo dun sa Stephanie na 'yon? Tsaka ano ba, hanggang best friend ka lang ni Nixon...'
"Andi-"
"Nixon...talaga ba'ng best friend lang ang tingin mo sa'kin? Hanggang magkaibigan lang ba talaga tayo?"
"Andi, marami ka nang nainom, matulog ka na," sabi ni Nixon na naguguluhan sa mga sinasabi ng kaibigan.
Natawa si Andrea at umiling."Nixon...I think...I really think...I'm falling...inlove with...you."
Hindi nakagalaw si Nixon. Nakapikit na noon si Andrea, looking so beautiful, telling him she's falling in love with him. She doesn't really know what she's talking about, does she?
............................................................................................................................................................................
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
FanficImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...