Third Person's POV"I heard you already moved out."
Saglit lang na tinapunan ng tingin ni Andrea si Stephanie sa salamin ng ladies' room. Nagpunta siya roon para makahinga nang mas maluwag, pero wala pa'ng ilang minuto ay sumunod ito sa kanya roon.
"I'm moving in with Nixon next week."
Wala akong pakialam kahit pa bukas pa siya lumipat. At sa tingin ko naman, hindi na dapat niya 'yon sinasabi sa 'kin. Pero siyempre pa, parte 'yon ng pang-iinis niya. "Good for you."
Tiningnan din siya ni Stephanie. Nagkatinginan sila doon sa salamin."Right, good for me. Sorry ha, dahil sa 'kin, kailangan mo'ng umalis sa unit niya."
"No problem. Matagal ko na naman talagang gustong lumipat, pinipigilan lang ako ni Nixon. I think I should thank you. Hindi na 'ko nahirapang kumbinsihin ang boyfriend mo."
Tumalim ang tiningin ni Stephanie sa kanya. At sa pagkakataong iyon, hindi na ito sa salamin nakatingin, kundi mismong sa kanya."Exactly, Nixon is my boyfriend. And don't you ever think that he likes you one way or another."
Natawa si Andrea. Inilagay niya ang pressed powder sa bag at isinara iyon. "Stephanie, nagseselos ka ba sa 'kin?" deretso niyang tanong.
"And what made you think that I'm jealous of you?" natatawang tanong ni Stephanie.
"Hindi ko alam. Pero sa mga kinikilos mo, it's very obvious."
Nanlaki ang mga mata ni Stephanie.
"Don't worry, I know too much about him and I'm not that stupid to even consider liking him."
—–
Napalaking adjustment ang nangyari para kay Nixon sa pag-alis ni Andrea sa bahay. Magkita man sila nito sa restaurant araw-araw, wala rin silang panahong mag-usap nang hindi tungkol sa trabaho. Hanggang tingin at ngiti na lang sila sa isa't-isa.
Madalas niyang makita si Kenneth na dumaan sa restaurant at kasama ni Andrea na umuwi sa gabi.
Minsan, nagpupunta pa rin si Nixon sa dating kuwarto ni Andrea nang walang dahilan. Gumigising pa rin siya sa umaga na hanap ito. At minsan ay inaasahan na madatnan ang kaibigan na nagluluto sa kusina at naghahanda ng almusal para sa kanya.Hindi niya alam kung napapansin ni Stephanie ang madalas niyang pananahimik at kung narinig na nito na tinatawag niya ang pangalan ni Andrea nang hindi sinasadya. Dahil hindi niya iyon maiwasan. Mahigit isang taon niyang kasama si Andrea at normal lang siguro na ma-miss niya ito paminsan-minsan.
It's been three weeks. It has only been three weeks since Andrea moved from his place pero pakiramdam ni Nixon ay tatlong taon na niyang hindi nakikita ang kaibigan. Hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa nito sa araw-araw, hindi na niya alam kung kailan niya ito p'wedeng makasama o makausap man lang. Ngayon, hindi na niya alam kung may karapatan pa ba siya'ng yayain man lang itong magkape, tulad ng araw-araw nilang ginagawa.
"They actually look good together," sabi ni Paul nang mapansin si Nixon na kanina pa nakatingin ang kaibigan kay Andrea na masayang kausap si Kenneth doon malapit sa bar, sa tabi ng pinto ng kitchen. Sabi ni Nixon ay halos gabi-gabi raw ang lalaki'ng 'yon na nagpupunta sa restaurant.
"Aren't you even bothered?" tanong nito.
Natawa si Nixon sa halip na mainis, na ikinagulat ni Paul. "Why would I be bothered?"
"It seems like their relationship is doing well. Aren't you worried?"
Umiling si Nixon, nakatingin pa rin kina Andrea.
"Why would I worry? Paul, I'm telling you, hindi magtatagal 'yang kung ano mang relationship meron sila n'yan. Sa totoo lang, naaawa ako d'yan kay Kenneth. Dagdag lang 'yan sa mga kawawang lalaki na iiwan na lang basta ni Andi. She's simply not into commitment," sabi ni Nixon."Kaya 'yung sinabi ko sa'yo noon, kalimutan mo na. Hindi pa ko sawa sa buhay ko."
"Ano 'yan, Nixon, natatakot ka na hindi ka seryosohin ni Andi?"
"Ang sinasabi ko lang, mas mabuti 'yung magkaibigan na lang kami. Wala pang masasaktan."
Natawa si Paul. "At ngayon sinasabi mo sa 'kin na takot kang masaktan ni Andi?"
................................................................................................................................................
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
FanfictionImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...