Chapter Twenty-Four-Last Night

2.4K 79 8
                                    

Third Person's POV

TININGNAN NI ANDREA SI NIXON. Simula nang dumating siya sa restaurant kanina, wala pa s'yang naririnig sa kanya kahit isang salita.

Pinapakiramdaman niya ito, at alam niyang umiiwas ito sa kanya. Hindi pa pumapasok sa kitchen si Nixon para man lang mangumusta. Nang magkasalubong sila kanina sa bar, hindi man lang siya nito tiningnan. Kinailangan pa niya itong sadyain sa work space nito para makausap.

"Nixon." Naabutan ni Andrea na abala si Nixon sa pagbabasa doon. Nakaupo ito, nakaharap sa bukas na laptop. Magulo ang ibabaw ng mesa nito na hindi na bago sa kanya. "I t-think we need to talk."

Inilapag ni Nixon ang binabasang libro sa mesa at sinimulan nang harapin ang trabaho. "M-medyo busy kasi ako, marami pa 'kong dapat tapusin."

Hindi alam ni Andrea kung totoo 'yon o nagdadahilan lang si Nixon para hindi siya kausapin. Hindi man lang makuhang tingnan ni Nixon si Andrea. "How about after work?"

"I'm not sure. May appointment yata ako mamaya," sabi ni Nixon na doon pa rin sa monitor ng laptop nakatingin. Seryoso ang mukha nito. "Tungkol sa'n ba?"

Alam ni Andrea na alam ni Nixon kung tungkol saan ang gusto niyang pag-usapan. "A-about last night," mahina niyang tugon. Ayaw na rin sana niyang pag-usapan ang tungkol do'n pero ayaw rin niyang mas lumala pa ang sitwasyon na iyon.

Sa pagkakataon na iyon, tiningnan ng binata si Andrea. Nakatayo ito sa harap niya, nakayuko. "Do you really want to talk about it?"

Marahang tumango si Andrea.

"Okay, after work. Over coffee."

Umalis si Andrea nang hindi man lang binigyan ng tingin ni Nixon. Nang umalis si Andrea ay hindi niya alam kung ano ang aasahan niya mamaya. Kung matutuwa ba siya na mag-uusap sila ni Nixon tungkol do'n o hindi.

Pinilit ni Andrea na huwag masyadong isipin ang magaganap na diskusyon sa pagitan nila ni Nixon. Pinilit niyang maging abala sa kusina, at makipag-usap sa mga taong dapat kausapin tungkol sa catering. Alas diyes na nang makabalik siya mula sa dinner kasama si Kenneth at medyo madalang na rin ang tao sa restaurant nang mga oras na 'yon.

*******

"Are you okay?" tanong ni Kenneth kay Andres. Tahimik lang siya sa buong biyahe nang magkita sila para magdinner sa labas.

"Medyo pagod lang ako."

"Bakit hindi ka na lang umuwi, ihahatid na kita sa unit mo."

"May kailangan pa 'kong gawin," sabi ni Andrea nang papasok sila sa restaurant.

"Hintayin na kita?"

"Hindi na, okay lang. Baka ma-late ka pa sa banda."

"Sige, I'll see you tomorrow."

Tumango si Andrea at nanatiling nakatayo si Kenneth sa harap niya, doon sa harap ng pinto ng kusina. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan siya nito sa pisngi bago tuluyang magpaalam. Tinanaw niya ito hanggang sa makapasok sa kotse at tuluyang makaalis. Papasok na sana siya sa kitchen nang lumabas mula ro'n si Dom.

"O, narito ka pa pala," masayang bati ni Dom sa kanya. Hawak nito ang toque at puting uniform. Matipuno ito at katamtaman ang tangkad na lalaki.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Nixon. Sabi ko sinundo ka ni Sir Kenneth, ayun, bigla na lang umalis."

Lumingun-lingon si Andrea para hanapin si Nixon pero hindi niya ito makita. "N-nasaan po siya?"

"Baka umuwi na. Wala namang nasabi. May usapan ba kayo?"

Tumango si Andrea. "Wala po bang binilin sa inyo?"

"Wala. Nagmamadaling umalis."

Nanlalambot na umuwi si Andrea at sinubukan pa rin na tawagan si Nixon sa cellphone. Pero katulad ng inaasahan, hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman. Dahil sa kalokohan niyang iyon, kaya sila nagkakaganoon ni Nixon ngayon.

****

Andi's POV

Ano nga ba ang nangyari kagabi nang ihatid ako ni Nixon sa bahay ko?

Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Sinapian yata ako ng masamang ispiritu. Gusto ko na lang sanang kalimutan na lang pero imposible. Dahil paulit-ulit ko 'yong naalala. Minsan nga, slow motion pa.

Wala na rin akong nagawa nang mag-alok si Nixon na ihatid ako hanggang sa condominium nang gabing iyon. Bumaba na ako ng kotse at sinabayan ko ni Nixon papasok sa lobby.

Sinamahan niya ako hanggang sa elevator, hanggang sa tapat ng pinto ng aking unit.

Mula nang pauwi kami ay iniisip ko na kung tama ba na sabihin ko na sa kaibigan ko ang totoo tungkol kay Stephanie. Ilang beses ko nang inisip kung paano ko nga ba iyon sasabihin.

Kinuha ko na ang susi sa aking bulsa, iniisip ko pa rin kung paano sisimulan ang sasabihin. Tumalikod na ako para buksan ang pinto, pero natigilan ako. Nanatili akong nakayuko, nakatingin sa doorknob.

"Andi, may problema ba?"

Kailangan ko nang sabihin ngayon, dahil alam akong hindi na ako magkakalakas ng loob sa susunod na pagkakataon. Tinanggal ko sa doorknob ang susi at muling humarap kay Nixon na hindi ko namalayang napakalapit sa akin.

"A, N-nixon..." halos pabulong na sabi ko sa kanya. Isang dangkal lang ang pagitan namin sa isa't-isa.

I just looked at him. I just looked at his beautiful eyes. Nawala ang lahat ng dapat kong sabihin, parang bigla kong nakalimutan kung bakit ako naro'n, sa harap ni Nixon, nakatingin sa kanya.
Noon ko lang natitigan nang gano'n kalapit si Nixon. Nang gano'n katagal. Hindi ko alam kung ano ang nangyari't nawalan ako ng kakayahang magsalita.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, at kung nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon.
Kung matino akong nilalang at gusto ko pang magpatuloy ang pagkakaibigan namin, dapat na 'kong magsalita.

But he's looking at me in a way I couldn't explain. I suddenly thought, is he going to kiss me? But no, of course not. He'd be crazy if he'd do that.

And so, I did. I leaned forward and kissed him. On the lips.

Wala na 'kong pakialam kung may makakita man sa 'min. Wala na 'kong pakialam sa sasabihin sa 'kin ni Nixon pagkatapos. Wala na 'kong pakialam sa lahat.

I intended the kiss to be quick. But as my lips touched his, my brain literally stopped functioning. I kissed him tenderly and God only knows what happened next.

**************************************************************************************************

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon