Chapter Nine - Investigate

2.1K 63 3
                                    


Andi's POV

Tahimik ang naging dinner. Hindi ko alam kung si Kenneth, o si Nixon ang hindi komportable. Wala naman akong maisip na paksa na maaaring pag-usapan dahil magkaiba'ng-magkaiba sila ng personalidad. Tahimik lang kami sa buong dinner, maliban na lang sa ilang komento tungkol sa pagkain.

"I'm a visual artist," sagot ni Kenneth sa tanong ni Nixon na 'what do you do'.

"Is that a temporary thing?"muling tanong ni Nixon. Hindi ito tumitingin sa kausap."Do you have another career besides that?"

Tiningnan ko ang aking kaibigan, at pagkatapos ay si Kenneth. "Justin-" pabulong kong sabi

Ngumiti lang si Kenneth sa akin para ipaalam sa akin na okay lang sa kanya ang pagtatanong ni Nixon.

"I paint and that's what I do."

Hindi napigilan ni Nixon ang matawa. As far as he's concerned, painting is just a hobby and should not be taken as a serious career. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain matapos makita ako na halatang inis na sa kanya.

"Andi told me a lot about you," sabi ni Kenneth, trying to make a conversation. But Nixon doesn't want to.

Kinuha niya ang baso ng tubig at inubos ang laman no'n. Tinawag niya ang waiter at muling humingi ng malamig na tubig. Tumangu-tango lang si Nixon.

"I'm having my exhibit by the end of the year. If you're interested, you could come with Andi," sabi ni Kenneth nang hindi na sumagot si Nixon.

It's very obvious that he's making an effort to make themselves comfortable with each other. And that is just because of me asked him to.

********

Third Person's POV

By the end of this year. Naisip ni Nixon kung bakit parang sigurado ang taong iyon na bahagi pa rin ito ng buhay ni Andrea sa panahong iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang walang naririnig.

"How long have you known Andrea?"bigla nitong tanong.

"A, almost two months."

"Are you dating anybody else now?"

"Nixon! Ano ka ba?"mahinang pigil ni Andrea sa mga tanong nito. Naniningkit niyang tiningnan ang kaibigan. Ngumiti lang ito.

Umiling naman si Kenneth. "I'm not dating anybody else."

"Gaano katagal ang mga previous relationships mo?"

Napaaray si Nixon nang sipain siya ni Andrea sa paa.

"Nixon, stop it."

"A, three years, and five years,"

mahinahong sagot ni Kenneth.

Inihanda na nito ang sarili sa mga ganong klaseng tanong kaya hindi na siya nagulat at nagtaka pa sa interrogation na 'yon. Hinawakan nito sa kamay si Andrea na hindi nakaligtas sa paningin ni Nixon.

"And I intend to keep this relationship the longest."

Parehong napatingin sina Andrea at Nixon kay Kenneth. Nagulat si Nixon at hindi niya iyon inaasahan. Mas nagulat si Andrea dahil wala naman itong nababanggit sa feelings nito tungkol sa relationship nila.

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon