Andi's POVNAISIP KO NA HABANG TUMATAGAL LALO AKONG NAGUGULUHAN SA SITWASYON KO NGAYON. Lalo akong nahihirapan at sa tingin ko, hindi ko na kakayanin ang mga susunod na araw kung patuloy lang akong magkukunwari at magbubulag-bulagan sa isang bagay na alam kong hindi ko p'wedeng takasan.
Mas madalas ang pagbisita ni Stephanie sa restaurant at kung hindi lang masama na maglagay ako ng karatula sa labas na "No bitches allowed", matagal ko nang ginawa. Alam namin na ayaw namin sa isa't-isa at hindi ko alam kung paano siya nakakapagkunwari na para bang isa ako sa mga paborito niyang nilalang sa buong mundo.
Pinipilit pa rin ni Kenneth na pumunta sa restaurant, dahil abala siya ngayon sa exhibit, pati na rin sa dumadaming schedules ng banda nila. Ayos na rin siguro 'yung ganoon na hindi na kami masyadong nagkikita di tulad noon. Dahil sa totoo lang, ayoko nang mas maging attached sa kanya.
Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko talaga kayang ibigay kay Kenneth ang matagal ko nang naibigay kay Nixon.Nakakatawa man, naamin ko na 'yon sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero nagising na lang ako isang araw na naiinis at naiirita sa tuwing naiisip ko si Nixon. Akala ko nga, tatamaan ako ng kidlat sa oras na maramdaman ko ang gano'n para sa kanya, pero hindi naman.
Ang problema ko na lang ngayon ay kung kailan ko 'yon masasabi kay Kenneth at kung paano ko 'yon aaminin kay Nixon. Naisip ko na ang maaring maging reaksyon ni Nixon sa oras na ipagtapat ko ang aking pagsintang pururot. P'wede siyang magulat, magalit o matuwa. Alin at alin man, isang bagay lang ang sigurado. Hindi magiging madali para sa 'kin na sabihin sa kanya ang katotohanan.
Sabi ko sa sarili ko no'n ayoko'ng matulad sa mga taong nai-inlove sa mga bestfriends nila dahil sa palagay ko, napaka-pathetic no'n.
At ngayon, hindi ko na maikakaila na isa na nga ako sa mga pathetic na tao sa buong mundo.*******
Nagulat si Andrea nangmakita si Nixon sa pintuan ng kusina. Katatapos lang nilang mag-ayos ng gamit at palabas na rin siya para umuwi. Buong araw niyang hindi nakita sa restaurant ang kaibigan kaya nagulat siya nang makita ito roon.
"Hi."
Pilit na ngiti ang itinugon ni Andrea. Madalang na silang magkita ngayon, kahit na magkasama pa sila sa restaurant. She tried to keep distance from him as much as possible pero mahirap 'yon.
"Pauwi ka na ba?"
Tumango si Andrea.
"Susunduin ka ba ni Kenneth?"
Umiling siya. Abala si Kenneth buong linggo kaya buong linggo na rin siyang umuuwing mag-isa.
Napangiti si Nixon."How about coffee?"
Wala namang maisip na dahilan si Andrea para tumanggi sa imbitasyon na iyon. At isa pa, matagal na nilang hindi nagagawa ang simpleng paglabas para magkape simula nang magkaroon ng Kenneth at Stephanie sa buhay nila.
Sabay silang lumabas ng restaurant at nagpunta sa katabing coffee shop. Umorder sila ng paborito nilang inoorder at naupo sa paborito nilang lugar.
"How are you?" tanong ni Nixon.
"Okay lang," simple niyang sagot. Humigop siya ng mainit na cappuccino at tumingin sa labas. Magilan-ngilan na lamang ang mga sasakyang dumaraan, ganoon din ang mga taong naroon. Alas onse na ng gabi, at nagsimula nang umambon."Ikaw?"
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
Fiksi PenggemarImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...