Chapter Twent-Eight- Confess

2.5K 73 6
                                    

Third Person's POV

KAHIT GAANO KAGUSTO NI ANDREA NA UMALIS AT IWAN ANG RESTAURANT, hindi niya magawa. Kahit pa gaano kahirap pumasok araw-araw, wala rin siyang magawa dahil hindi naman niya p'wedeng basta na lang pabayaan ang Ford's.

Isang linggo na mula nang maglaho si Nixon na parang bula. Maaaring hindi na bumalik ito, maaaring bumalik pa rin ito at muli ring umalis. Ayaw nang isipin ni Andrea ang mga maaaring mangyari, o ang mga hindi na mangyayari. Kailangang magpatuloy ang buhay, bumalik man si Nixon o hindi.

Isang linggo na niyang pinipilit na ibalik ang lahat sa dati at mabuhay nang parang walang nangyari. She goes to work as usual, she does everything in the restaurant as usual and tried to live her life as usual. She wanted to forget everything about Nixon, pero alam niyang imposible 'yon lalo na't araw-araw ay may nagpapaalala sa kanya sa dating kaibigan.

Malalim na ang gabi nang matapos ni Andrea ang ginagawang menu para sa bagong kliyente sa catering. Halos araw-araw na silang nagke-cater ngayon at naisip ni Andrea na maganda na rin 'yon para maging mas busy siya para wala na siyang panahong makapag-isip ng kung anu-ano.

"Andi."

Nilingon iyon ni Andrea at muntik nang mahulog ang mga inilalagay niyang papel sa kanyang bag. Mula sa bar ay nakita niyang nakatayo sa entrance ng restaurant si Nixon.

Si Nixon. After one long week, nagpakita uli si Nixon. She looked at him as he stood there, staring at her in a way that she wouldn't know.

Huminga muna ng malalim si Nixon bago tuluyang lumapit kay Andrea. Halata sa mukha nito ang pagkabigla.

"Andi, how have you been?"

It's the most stupid question, if you think of it. It's been a week and he had missed her. She still looked beautiful as always, and at that moment, he just wanted to hold her in his arms and kiss her and tell her how much he loves her. But all he could do is ask her a stupid question.

Kinailangan pa niya ng isang buong linggo para mapag-isipan ang lahat-lahat. Hindi madali ang harapin si Andi, pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, handa na siyang sabihin dito ang bagay na dapat ay noon pa niya naamin. Whatever the consequences are, he's now ready to take the chance. He'd rather take the risk than to live his whole life thinking what might have been.

Nanatili lang na nakatingin si Andrea kay Nixon. Suot nito ang paboritong pulang t-shirt na iniregalo niya rito noong unang pasko nilang magkasama. Ilan lamang ang ilaw na bukas sa bahagi'ng iyon ng bar at pilit niyang inaaninag ang ekspresyon sa mukha nito. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka niyang tanong.

"I think we need to talk, Andi," nakangiti nitong sabi.

Iniwasan ni Andrea ang mga mata ni Nixon na nakatingin sa kanya at ang maganda nitong ngiti. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng gamit. At nakuha pa nitong ngumiti samantalang siya ay hindi iyon magawa sa buong isang linggong wala ito.

Ni hindi na nakuhang tingnan ni Andrea ang binata at lumakad na siya palabas ng restaurant. Sinundan siya ng tingin ng binata at ilang sandali pa bago nito nakuhang sundan siya. Sinundan siya nito hanggang sa tapat ng Ford's at hinuli nito ang kanyang kanang braso. Tiningnan niya ang nakahawak nitong kamay sa kamay niya, at tiningnan niya ito.

"I'm sorry if I had to leave like that. I just needed time to think."

Nagsimula nang pumatak ang ulan at sabay silang tumingala. Nanatili lang sila na nakatayo roon, hindi alintana ang malalaking patak ng ulan. Pilit na binawi ni Andrea ang kamay mula kay Nixon pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon