Chapter Six - BestFriend

2.9K 75 0
                                    


Third Person's POV

Si Nixon naman ngayon ang tumawa nang malakas tulad ng ginawang tawa kanina ni Andrea.

"But I thought you really like him?"

"Oo nga. Pero wala naman akong plano'ng magpakasal sa kanya."

"He's kind, intelligent, handsome and a gentleman, as you always say. So, ano'ng problema?"

"I don't love him enough."Her answer was quick. And well, acceptable.

"But I thought you don't believe in love anymore?" tanong ni Nixon.

Yes, well, She said that. Dahil na rin sa mga masasalimuot na kwento ng pag-ibig na alam niya. Pero iba pa rin pala sa totoong buhay. Ngumiti lang si Andrea para iwasan ang issue.

Tiningnan ni Nixon ang kaibigan at napailing. Hindi niya maiwasang maawa kay Angelo. He couldn't blame him to propose to her. And he thought, he is very lucky, to be Andrea's friend. Just friend. Kung iba nga lang siguro ang sitwasyon, malamang na matagal na rin niya itong niyayang pakasal. Kahit pa alam niyang wala siyang pag-asa dito.

Because Andrea knows him too well. She literally knows everything about him, lalo na ang tungkol sa marami niyang mga babae. At minsan ay pinagsisisihan niya na sinabi niya rito ang lahat, kahit na ang mga kalokohan niya.

Ngayon, dahil sa pagkakamaling iyon, dapat na lamang siyang makuntento sa kung ano lang ang kayang ibigay nito. And it would be crazy now to take their relationship one step further.

It's too complicated. Andrea is just too good for him. And he's got all the reasons to forget about the absurd idea altogether. She deserves someone who could really be good to her. Someone who could treat her as a lady. Someone faithful and who could truly love her. Someone who could give her everything, especially the affection and the commitment she needs. Someone who's willing to marry her and to spend the rest of his life with her, faithfully.

And he can't possibly give her that. A good lady like Andrea deserves a good man. And everybody knows he's not all those things. And if Andrea is like any other woman, he wouldn't think twice, he'd drag her to his bed or hers, or anywhere and make love to her any minute.

*************

Andi's POV

PAGKATAPOS NG KLASE KO SA CULINARY SCHOOL, tumuloy na ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Trina.

Maraming nangyari sa nakalipas na linggo. Salamat sa Diyos, parang natauhan na rin si Angelo. Isang linggo na rin akong hindi nakakatanggap ng tawag mula sa kanya. Wala na ring mga bulaklak.

Naramdaman na rin siguro na hindi talaga ako interesadong magpakasal. Sabi ni Nixon, kausapin ko raw si Angelo kahit paano, just to be fair. Sabi ko, sige, pag-iisipan ko. Pero hanggang pag-iisip lang ako. I know it's unfair and it's wrong of me to always run away. Pero talagang hindi ko kaya. I'm just not good at closures.

Matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Trina, halos isang buwan na yata, kaya naisipan ko siyang i-meet. Dahil busy siya sa bagong boyfriend at busy rin naman ako sa lahat- sa restaurant, sa klase, sa dating...

"At sa pagbe-babysit d'yan sa best friend mo na 'di ko alam kung best friend mo nga talaga."

Di ko na dapat in-invite si Trina for dinner. As usual, ii-insist na naman niya na inlove ako kay Nixon at kung anu-ano pang kalokohan.

"Trina, ngayon na nga lang tayo nagkita, mang-aasar ka pa." Reklamo ko sa kanya

"Dahil nga do'n sa papa Nixon mo kaya ngayon lang tayo nagkita. Mabuti naman ngayon at natakasan mo si Nixon at nakaalis kang mag-isa." Sagot naman niya


"Ano nama'ng ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya, although alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Araw-gabi na kayong magkasama, mula sa bahay hanggang sa restaurant. Tapos magkasama pa rin kayo sa mga gimikan. Di ba kayo nagsasawa sa isa't-isa?" Wika pa niya

Dumating na ang order naming pizza, at hinintay ko munang makaalis ang waiter bago sumagot.

"Hindi."

"At sasabihin mo sa 'kin na magkaibigan lang kayo? Naku, Andrea!"

"Na-miss ko 'to, a," sabi ko nalang, habang kumukuha ng isang slice ng pizza.

Hindi ko na  kailangan pa'ng marinig ang sinasabi ni Trina. Narinig ko na kasi iyon ng maraming beses.

"Tingnan mo, pati 'tong paborito mo, di mo na natitikman dahil ano? Ayaw ni papa Nixon ng pizza, hindi ba?"

"Di mo talaga 'ko titigilan, 'no?"

Umiling siya."Hindi. Hangga't hindi ka umaamin na love mo talaga 'yang si papa Nixon."

Pero wala naman akong aaminin."Kaibigan ko si Nixon. He's like a big brother to me."

Malakas na tawa ang itinugon ng kaibigan."Yeah, right, big brother."

Alam ko na kahit na anong paliwanag ang gawin ko ay paniniwalaan ni Trina ang gusto nitong paniwalaan. Kaya ngumiti na lang rin siya.

"E kayo na lang yata sa buong mundo ang hindi nakakaalam na kayo na e. Bakit nga ba ayaw n'yo pang umamin?"

"Dahil wala talaga kaming aaminin."

"Bakit nga ba kasi hindi n'yo pa totohanin? Technically naman, nagli-live in na kayo."

"Uy, housemates kami, hindi kami nagli-live in."

"At pa'no ka magkaka-lovelife n'yan, e alam ng lahat na magkasama kayong dalawa sa apartment? Walang lalaking makakaintindi ng sitwasyon n'yo ni Nixon, Andi, kahit anong gawin mo."

Saglit akong natahimik sa sinabi ni Trina. I doesn't really care. Yet. Wala pa naman kasi sa isip ko ang magkaroon ng commitment. As of the moment. Pero paano nga kaya kung dumating na ang panahong handa na ako sa relationship? Paano ko iyon ipapaliwanag sa kung sino man iyon?

Maiintindihan kaya 'yon ni Kenneth? Siguro naman. Dahil sa maikling panahon ng pagkakakilala ko sa kanya, alam kong openminded siya sa mga bagay-bagay. Hindi naman siguro magiging problema ang sitwasyon namin ni Nixon sa kanya.

At sino si Kenneth? He's someone I met in an art exhibit. He's nice, a very good conversationalist. Inimbitahan niya 'kong mag-coffee after the exhibit, at nasundan ng dinner the following night.

............................................................................................................................................................................

Lovely Chef [KathNiel Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon