Third Person's POV"Mas gusto ko pang mag-resign na lang kaysa habang-buhay kaming gano'n."
"Ang tanong, payagan ka naman kayang mag-resign?"
"Bakit naman hindi?"
Tiningnan siya ni Trina na para bang siya na ang pinaka-tangang tao sa buong mundo.
"Iisa-isahin ko para sa'yo. Una, ikaw lang naman ang isa sa pinakamagaling na chef sa buong mundo para sa kanya. Pangalawa, baka magsara ang restaurant kapag nag-resign ka dahil for sure, mahihirapan siyang kumuha ng kapalit mo. At pangatlo, mababaliw 'yon kapag nawala ka sa paningin niya."
Natawa si Andrea. Sa tatlong nabanggit, 'yung pangatlo ang pinakamalabong mangyari. Hindi nga niya sigurado kung gusto pa ba siya nitong nakikita sa araw-araw.
"Ano'ng idadahilan mo kapag nag-resign ka, na nahihirapan ka'ng palagi siyang nakikita? Na gusto mo siyang i-kiss pero hindi mo magawa?"
"Ha, ha, ha, nakakatawa."
"Andrea, sinasabi ko sa'yo, mahihirapan ka d'yan sa gusto mong mangyari. And if ever nga na magmilagro ang langit at pumayag siya na umalis ka sa restaurant, ibig sabihin ba, matatapos na 'yang problema n'yo? Hindi naman, diba?"
Hindi nga. Pero at least, hindi na siya mato-torture nang ganito.
"Tsk, tsk, tsk, ayan, dahil sa kabaliwan mo, tingnan mo'ng nangyari? Pati ang ever-cherished friendship n'yo, naapektuhan."
"Kasalanan ko nga, aminado naman ako na kasalanan ko."
"Kasalanan mo naman talaga e," ulit ni Trina na tapos na sa pagkain. Tumingin ito sa relo at napansing ilang minuto na lang ay kailangan na nitong bumalik sa trabaho. "Ano ngayon ang plano mo?"
"Kaya nga kita pinuntahan, hindi ko na talaga alam ang gagawin."
Ngumiti si Trina. "Ano ba talaga kasi ang gusto mong mangyari?"
"Maibalik 'yung dati naming friendship."
"Mare, imposible na 'yon. 'Wag mo nang pangarapin 'yon, okay? Mamili ka- A. magkaroon kayo ni Nixon ng romantic relationship, o B. tuluyan na kayong magkalayo ng landas habang buhay."
Naisip na rin ni Andrea ang posibilidad ng dalawang iyon at kahit ano doon ay hindi niya gusto ang kahihinatnan. "Wala na bang ibang choices?"
Umiling si Trina. "Kung mahal mo naman siya, anong pinoproblema mo? E di go for letter A."
"Ang problema, ako ba, mahal n'ya?"
"Andrea naman, hindi ko alam minsan kung tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka. Matagal nang obsessed sa'yo 'yon, ano ka ba?"
Bahaghang napangiti si Andrea. "Tingin mo?"
"Tanga ka nga," natatawa nitong sagot.
Siguro nga, tanga siya dahil kung hindi, wala naman siya sa sitwasyon niya ngayon. "Ano'ng gagawin ko?"
"Sabihin mo na sa kanya ang totoo. Na mahal mo siya at gusto mo siyang maging boyfriend."
Muling natawa si Andrea. "Para namang gano'n kadali 'yon."
"Nung halikan mo 'yung tao, hindi ka nahirapan, ito pa na sasabihin mo lang ang totoo, mahihirapan ka?"
Kayanin niya kaya 'yon? Siguro naman, kakayanin niya 'yon, ang tanong ay kung paano. "Pa'no?"
Napakamot ng ulo si Trina. Kulang na lang ay siya na ang gumawa ng lahat para sa kaibigan. "Bahala ka na, diskartehan mo na lang. Haranahin mo, gumawa ka ng love letter, padalhan mo ng bulaklak, bahala ka na."
"Pa'no kung ayaw talaga?"
"Hindi p'wedeng ayaw niya. Sa tingin ko, hinihintay lang talaga no'n na ikaw ang magsalita."
Paano nga kaya niya sasabihin kay Nixon na handa siyang subukan na magkaroon sila ng commitment?
**********
Andi's POV
Commitment. Sa umpisa, nakakatakot. Lalo na kung iisipin ang reputasyon nito bilang isang babaero. Sigurado'ng hindi 'yon magiging madali at mas malaki ang posibilidad na masaktan lang ako. Pero naisip ko rin an mas mabuti na 'yon, kaysa makita siya sa araw-araw, kasama si Stephanie, na niloloko lang siya.
Bahala na. It's do or die. Kasalanan ko, I let myself fall for him. At ngayon, hindi ko na alam kung paano makakawala.
**************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Lovely Chef [KathNiel Completed]
FanficImposible nga ba ang isang platonic relationship sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? For Andi, living with Nixon in the same house was like a rollercoaster ride- mabilis, exciting, scary; but for Nixon, it was like living his fantasy. Para ka...