Sakay ng kanyang mga alagang dolpin, kasama ang kanyang tapat na kaibigang si Adebnas at buo niyang hukbo, determinadong tinahak ni haring Plenaril ang landas patungong Klopeysyus.
"Ngepoy! Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin! Sa kabila ng aking katapatan sa ating kasunduan at pagkakaibigan!" Pasigaw na bulong ng hari sa kanyang sarili.
"Mahal na haring Plenaril!" Wika ni senyor Jeepox.
"Bakit! Ano yun?" Tanong ng hari
"Mayroon po kaming natatanaw doon banda, sa gitna ng karagatan. Tila isang napakalaking sawa! At mukhang patungo siya sa atin!" Wika ni senyor Jeepox
"Kung gayon ay humanda kayo at ipagtanggol ang ating mga sarili kung sakali mang masama ang hangarin ng halimaw na iyan!" Pag-uutos ng hari
"Opo, haring Plenaril." Wika ng dalawang senyor sabay utos sa kanilang hukbo na maghanda sa labanan.
Mabilis ang paglangoy ng sawa na maihahalintulad ang laki ng ulo nito sa laki ng katawan ng pinakamalaking elepante at ang katawan naman ay may haba ng humigit kumulang na siyamnapu't dalawang talampakan. Batid sa mukha nito ang bangis at gutom at ang matindi nitong pagnanasa na makakaing muli ng mga tao.
"Buksan ang inyong mga kalasag!" Utos ni senyor Jeepox sa kanyang mga hukbo na siyang unang nakasagupa ng malaking sawa. At umalingawngaw na ngang muli ang himig na nanggagaling sa mga espadang niebeng naging kalasag, "nganga-ngingi-nga...nganga-ngingi-nga..."
Agad na nagsama-sama ang mga tauhan ni senyor Jeepox at sabay-sabay na binuksan ang kanilang mga kalasag upang bumuo ng isang malaking kalasag na sumakop sa buong hukbo. Dahil dito, hindi magawang lamunin ng sawa ni isa sa kanila dahil sa pinagsamang pwersa ng hukbo na siyang lumikha ng isang malaking kalasag dahilan para di sila magkasya sa bunganga ng halimaw.
Nang mapagtanto ng sawa na wala siyang mapapala sa hukbo ni senyor Jeepox ay binaling naman niya ang sarili sa hukbo ni senyor Oliber. Subalit, lingid sa kanyang kaalaman ay handang-handa na ang pangkat ng senyor na sagupain siya. At sa utos ni senyor Oliber ay binugahan nila ito ng apoy na nanggaling sa kani-kanilang espadang niebe.
"Senyor Oliber, walang epekto ang apoy sa basa niyang katawan. Ano po ang sunod nating hakbang?" Tanong ng isang kawal.
At bago pa man makapagbigay ng utos si senyor Oliber ay agad siyang sinunggaban ng mabilis na sawa at mabilis na nilunok.
Anim pa sa mga tauhan ni senyor Oliber ang nilamon ng sawa habang ang iba ay dali-daling binuksan ang kani-kanilang kalasag at nagsama-sama upang protektahan ang kanilang sarili.
"Senyor Jeepox! Saklolohan nyo si senyor Oliber at ang kanyang mga tauhan habang may panahon pa!" Pag-uutos ni haring Plenaril
BINABASA MO ANG
Klopeysyus 2-Ang Ikalawang Aklat
RandomHindi pa man lubusang napapagtagumpayan ang masalimuot na kalagayang kinakaharap ng kaharian, heto't muli na naman silang nahaharap sa isang matinding pagsubok. Paano kaya haharapin ni haring Ngepoy at ng kanyang mga kasama ang panibagong hamon na s...