"Bago natin tunguhin ang hari at kanyang mga kasama, kadenahan nyo muna ang baul na pinagtaguan ng hangal na kawal na iyan at siguraduhin niyong di na siya makakalabas diyan!" Pag-uutos ni heneral Ensop sa kanyang mga heneral.
At mahigpit na ginapos ng kadena ng mga heneral ni heneral Ensop ang pilak na baul na pinagtaguan ni Transmit at pagkatapos nun ay kanila nang tinungo ang lugar ng mga silid kung saan nagkubli si haring Ngepoy at mga kasama nito.
Mula sa bulwagan ay kanilang pinasok ang isang malawak at mahabang pasilyong nababalot ng mga diyamanteng ginto mula sa sahig hanggang sa pader at kisame nito, at nang marating nila ang pinakadulo nito, sila ay napadpad na muli sa isa na namang malaking bulwagan na hugis parihaba at sinlaki ng isang basketball court kung hahambingin. Sa paligid ng apat na naglalakihang pader nito na gawa sa makinis at kumikinang na batong lapiz lazuli at may taas na pitong metro ay nakapalibot ang sampung pintuang yari sa kahoy na galing sa puno ng mangga at may taas na dalawa't kalahating metro at may lapad na isa't kalahating metro, tig-tatlong pinto sa dalawang magkatapat na pader at tig-dalawang pinto naman sa natirang pares ng dingding. Nagtataglay din ng mga numerong isa hanggang sampu ang mga nasabing pinto.
"Oh ha, paano na yan? Sampung mga pintuan ang nasa harapan natin, alin kaya sa mga iyan ang silid na pinagtataguan ni haring Ngepoy? May suhestiyon ba ang sinuman sa inyo?" Tanong ni heneral Ensop sa kanyang mga heneral.
"Heneral Ensop, yung ika-apat na pintuan, doon tayo tumungo!" Suhestiyon ng isang heneral
"Ika-apat na pintuan? Bakit parang sigurado ka sa mungkahi mo? Napasok mo na ba ang pintuang iyan?" Tanong ng heneral
"Hindi ko pa po napasok iyan heneral Ensop kaya lang po paborito ko pong numero ang apat." Tugon ng heneral
"Puro kayo kalokohan! Kala niyo ba nagbibiro ako! Wala na tayong oras na dapat aksayahin! Galit na tugon ng heneral
At kanila na ngang tinungo ang ikaapat na pintuan ni wala man lang kasiguruhan kung ano ang nasa silid na ito.
At dahan-dahan sabay bigla nilang binuksan ang ika-apat na pintuan at sila'y namangha at naglaway sa kanilang nakita! Isang malaking silid na punong-puno ng chicken macaroni salad!
At di na nga nag-aksaya ng oras sina heneral Ensop at kanila ngang sinugod at nilamon ang lahat ng macaroni salad sa loob ng silid na iyon.
"Grabe! Busog na busog ako, hindi ko na kayang tumayo," Tugon ng heneral sabay hikab at tuluyan nang nakatulog ganun din ang lahat ng kanyang mga heneral dahil sa kabusugan.
Makalipas ang walong oras ng pagkakahimbing, nagising si heneral Ensop at napansin niyang sila pala'y nakatulog sa loob ng silid na kung saan ang kahoy na pinto nito ay nakasarado na.
"Magsigising kayo! Sigaw ng heneral sa kanyang mga kasamang himbing na himbing at naghihilik pang may tonong mga heneral.
"Magsibangon na kayo! Tayo'y nakatulog at ngayo'y nakulong na sa silid na ito. Madali kayo't buksan ang pintuang iyan at kelangan pa nating mahanap si Ngepoy." Pag-uutos ng heneral.
BINABASA MO ANG
Klopeysyus 2-Ang Ikalawang Aklat
RandomHindi pa man lubusang napapagtagumpayan ang masalimuot na kalagayang kinakaharap ng kaharian, heto't muli na naman silang nahaharap sa isang matinding pagsubok. Paano kaya haharapin ni haring Ngepoy at ng kanyang mga kasama ang panibagong hamon na s...