Ang Mga Mandirigmang Halaman

14 0 0
                                    

"Haayy! Salamat, nakaraos din! Grabe! Buti umabot ako dito sa kagubatan kung hindi dyahe sa mga katunggali ko kung napoopee-ers ako sa gitna ng aming labanan. Teka nga, eto may dahon ng makahiya, pwede na 'to." Wika ng naginhawaang Yulet sa sarili.

At nang matapos ngang naspu-naspuhan ni Yulet ang kanyang wetpu ng dahon ay lumarga na siya upang makalabas sa kagubatan na di alintana ang misteryong bumabalot sa gubat ng walang patutunguhan.

"Saan nga pala ang daan palabas? Di ko na maalala ang aking pinanggalingan." May pag-aalalang wika ni Yulet sa sarili nang bigla na lamang may tinig ng isang binibining bumati sa kanya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa gubat?" Tanong ng binibini

At nagulat na lang si Yulet sa kanyang nakita na isang magandang dalaga pala ang kumausap sa kanya.

"Ako si Yulet, isang mandirigma mula sa kaharian ng Noo-ram sa bayan ng Caztaniaz at nandito ako dahil sa isang misyon. At ikaw naman binibini, maari ko rin bang malaman kung sino ka? At bakit tila nag-iisa ka sa mapanganib na lugar na ito?" Pagpapakilala at pagtatanong ni Yulet sa binibini.

"Ako si Seladon at hindi ako nag-iisa dito sa gubat, dalawa kaya tayo. Tulad mo ako'y naligaw din sa kagubatang ito." Wika ni Seladon

"Oo nga naman, ba't di ko naisip iyon? Pero di ako naliligaw. Kusa akong tumungo sa gubat na ito upang tugunan ang isang dakilang pangangailangan. Sa katunayan ay pabalik na ako sa aking pinanggalingan." Tugon ni Yulet ng may pag-aalinlangan sapagkat di na niya matandaan ang daan patungo sa labas ng gubat.

"Maaari bang malaman ang naging pakay mo dito sa gubat at bakit tila balisa ka at pinagpa-pawisan ng butil-butil?" Tanong ni Seladon.

"Paumanhin pero di ko maaring ilahad ang naging pakay ko dito sa gubat at bakit mo namang nasabing balisa ako? Napaka-panatag kaya ng aking kalooban, binibining Seladon" Sagot ni Yulet na pilit na ikinukubli ang pag-alburutong muli ng kanyang tiyan.

"E bakit kitang-kita sa mukha mo ang butil butil na pawis na tila ba mayroon kang masamang dinaramdam." Tugon naman ni Seladon.

"Wala, wala, mainit lang dito sa gubat." Sagot naman ni Yulet.

"Yan ba ang dahilan kaya tanging dahon lang ang iyong kasuotan?" Pag-uusisa naman ni Seladon.

"Ah eto ba, ito kasi ang pambansang kasuotan namin sa bayang aking pinanggalingan na sumasagisag ng aming pagiging konserbatibo. Eh  syanga pala, di mo pa sinasagot ng maayos ang aking katanungan, bakit ka nandito ng nag-iisa?" Tanong ni Yulet sa binibini nang bigla na lamang may isang mababang boses ang kanilang narinig na nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Klopeysyus 2-Ang Ikalawang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon