Ang Ika-walong Lagusan

7 0 0
                                    

"Haring Plenaril! Wala na po dito ang palasyo! Tanging mga gibang pader, pundasyon at mga nadurog na mga bato na lamang ang natira." Pag-uulat ni senyor Oliber nang marating na nila ang lugar na kinatatayuan ng dating palasyo ni haring Ngepoy.

"Kung ganun siyasatin ang paligid, maghanap ng nga bagay na maaring magturo sa atin sa kanilang kinaroroonan!" Pag-uutos ng hari

At di pa man nakakapagsimula ang mga kabalyero sa kanilang pagsisiyasat ay inabutan na sila ng mga higanteng taong bato na kanilang ikinabigla kaya't dali-dali silang nagsipaghanda upang dipensahan ang kanilang sarili.

Laking gulat nila nang dinaanan lamang sila ng mga higante at patuloy ang paglalakad patungong "Gubat ng Walang Patutunguhan" kung saan naroroon ang kanilang pinunong si Yulet na nagbabawas.

"Katakatakatakatakataka! Di man lang tayo pinansin ng nga damuhong ito!" May kalituhang sambit ni senyor Jeepox.

"Yaman din lamang dinedma tayo ng mga bakulaw na iyan, ipagpatuloy ang pagsisiyasat! Kailangang matunton natin ang kinaroroonan ni Ngepoy at ang kanyang pamilya!" Pag-uutos ni haring Plenaril

At hinalughog nga ng mga kabalyero ang buong paligid para makahanap ng anuman na makapagtuturo sa kinaroroonan ni haring Ngepoy, ng kanyang pamilya at mga kasama.

'Haring Plenaril! May natagpuan po ang isa nating kabalyero, isang lagusan sa ilalim ng lupa na natatabunan ng malalaking bato." Pag-uulat ni senyor Oliber sa hari

"Kung gayon, nasaan ang lagusang iyan?" Pagtatanong ni haring Plenaril

At dinala na nga ni senyor Oliber ang hari sa kinaroroonan ng naturang lagusan. Ang lihim na lagusang ito ay nasa ilalim ng mga palikuran nung di pa nagiba ang palasyo, tumbok mismo kung saan naroroon ang lokasyon ng poso negro ng palasyo.

"Eewww... Sigurado ba kayong iyang lagusang yan ay magdadala sa atin sa kinaroroonan ni Ngepoy? E mukhang presko pa ang nga ebak diyan ah at ang baho baho." May pagka-alangang tanong ni haring Plenaril.

"Walang kasiguruhan aming hari ngunit malay natin baka nga yan ang landas patungo sa kinaroroonan ni haring Ngepoy." Mapagkumbinsing tugon ni senyor Oliber

"Kung gayon atin nang bagtasin ang lagusang iyan! Kung ang mga higanteng uod, taong bato, dambuhalang sawa at mga pirata ay di natin inurungan, eto pa kayang lagusang puro ebak! Buksan ang inyong mga kalasag! Senyor Oliber, mauna ka!" Pag-uutos ng hari

Klopeysyus 2-Ang Ikalawang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon