"Tagumpay po haring Ngepoy ang ating opensa, halos kalahati po ng kabuoang bilang ng mga bulate ang ating nalipol. At nagtagumpay din po si Ploktok na mapatumba ang kanilang reyna." Pag-uulat ni Kibord
"At kamusta naman ang ating mga tagapagtanggol?" Tanong ng hari
"Sa kasalukuyang nagpapapagaling po si Kleng-kleng at nalapatan na po ng paunang lunas ang higante nilang kaibigan. Sina Transmit at Ploktok naman po'y bumalik na po sa labanan upang tulungan ang mga higanteng taong-bato at ang kanilang pinuno." Muling pag-uulat ni Kibord
"Magaling! Magkarga pa muli ng mga bomba sa ating mga kanyon at tuluyan na nating ubusin ang mga bulateng mga iyan, eewww!" Pag-uutos ng hari
Nagsi-atrasan ang mga dambuhalang bulate ng masugatan ang kanilang reyna at dahil dito ay lalong pinaigting ni Yulet at ng kanyang natitirang dalawang higanteng taong-bato ang kanilang opensa at sa oras ding iyon ay kasama na rin nila si Transmit at Ploktok sa labanan.
"Ploktok, mukhang napuruhan mo ang kanilang reyna at nakikita ko siyang duguan at lupaypay." Wika ni Transmit kay Ploktok
"Tingin ko nga Trans, natsambahan din natin pero wag tayong masyadong kumpiyansa, halos kalahati pa kaya ang mga bulats na natitira." Sagot naman ni Ploktok
"Pareng Ploktok, ikaw pala ang dumale sa matabang reyna. Galeng!" Pagbati ni Yulet
"Salamat Yulet, ikaw din naman, hanep yung mga kidlat-kidlat effect mo, galeng din!" Pabalik-puri ni Ploktok kay Yulet
"O sya, sya! Tama na yang bolahan niyong dalawa at pulbusin na natin ang mga natitira pang mga earthworms!" Wika naman ni Transmit
At inupakan na nga nila ang mga natitira pang tebulats na napakalalakas pa rin. Si haring Ngepoy naman ay nagpakawalang muli ng ikalawang pangkat ng mga bomba laban sa mga naglalakihang bulats.
"Transmit, Yulet! Tayo na munang lumayo at nagpakawala na muli si haring Ngepoy ng ikalawang pangkat ng mga bomba laban sa mga uod!" Babala ni Ploktok sa dalawa
"Yikes! Oo nga, di nyo man lang kami inabisuhan kanina na magpapakawala pala kayo ng mga bomba, muntik na kaming madamay ng aking natitirang dalawang higanteng taong-bato kung di lang kami nakapagkubli kaagad sa likod ng isang dambuhalang bulate!" May paninising wika ni Yulet
"Pasensya kaibigang Yulet, ngunit tayo'y nasa digmaan ngayon at may mga ganyang di inaasahang pangyayari ngunit ito'y kinakailangan para sa ikabubuti ng nakakarami." Pagpapaliwanag ni Transmit
BINABASA MO ANG
Klopeysyus 2-Ang Ikalawang Aklat
De TodoHindi pa man lubusang napapagtagumpayan ang masalimuot na kalagayang kinakaharap ng kaharian, heto't muli na naman silang nahaharap sa isang matinding pagsubok. Paano kaya haharapin ni haring Ngepoy at ng kanyang mga kasama ang panibagong hamon na s...