Nang isuka na nga ng malaking sawa papalabas ng kanyang bunganga sina senyor Oliber at ang pangkat nito ay sakto namang nakabangga nila si senyor Jeepox na noo'y papasok na sana sa sawa upang sila'y iligtas at magkakasama silang tumilapon sa karagatan.
"Senyor Jeepox! Anong ginagawa mo sa bunganga ng sawang iyon?" Gulat na tanong ni senyor Oliber
"Tatangkain ko nga kayong saklolohan pero isusuka na rin pala kayo ng halimaw na iyan! Nakita ko na kayo kanina diyan sa loob nung una kong napasok ang sawang yan!" Paliwanag naman ni senyor Jeepox
Ngunit laking pagkagulat nila senyor Oliber at mga kasama nito sa nasaksihan pagkalabas nila sa sawa! Bukod sa malaking sawa na noo'y kalaban nila at ng mga kasamahan nilang kabalyero, ngayo'y may dalawa pang kalaban ang kinakaharap ng batalyon ni haring Plenaril. Ito ay ang mga pirata mula sa isla ng maliit na gubat at mga higanteng taong bato na ng mga oras na iyon ay tila ba mga istatwang bato sa gitna ng karagatan.
Labinglimang naglalakihang barko ang pumalibot sa batalyon ni haring Plenaril at bukod pa dito ay humigit kumulang na isang daang mga naglalakihang mga higanteng taong bato na sinlalaki ng bundok ang bigla ring nagsidatingan na animo'y patungo rin sa bayan ng Klopeysyus. Isa sa mga higanteng taong bato ang dumukot sa sawa mula sa karagatan at mahigpit na hinawakan sa may tiyan nito na siyang naging dahilan para maisuka nito sina senyor Oliber at mga kasama niya. Hanggan sa di maipaliwanag na dahilan ay sabay-sabay na huminto at hindi na nagsipag-galawan.
At nang humupa pansamantala ang tensyon sa paligid, mula sa isang barko na siyang pinakamalaki sa labinglima, isang tinig ang narinig na nag-uutos kay haring Plenaril na sumuko kasama ang kanyang mga batalyon. Ito ay tinig ni Lerwal, ang kapitan ng mga pirata.
"Kung sa tingin niyo ay matatakot niyo kami ng mga naglalakihang barko at mga higante niyo, pwes! Nagkakamali kayo! Kaya ang mabuti pa ay lisanin niyo na kami at wala tayong dahilan para mag-away! Dalhin niyo na rin yang dambuhalang sawang yan at ipakain niyo sa mga higante niyo! May misyon pa kaming dapat gawin at ginagambala niyo kami" Nanginginig na tugon ni haring Plenaril
"Har, har, har! Paumanhin, magiting na hari ngunit di ko kayo mapagbibigyan sapagkat kung kayo'y may misyon, kayo naman ang aming pakay. Kami ay mga pirata ng maliit na gubat at ang aming misyon naman ay pagnakawan ang mga mang-aapi at tulungan ang mga maralita at mahihina. Kaya't para sa ikabubuti ng lahat, ibigay niyo na sa amin ang lahat ng mahahalagang bagay na mayroon kayo kabilang na diyan ang inyong mga kahangahangang mga sandata! Mas maganda pati kayo na rin para madagdagan na rin ang mga taga-linis ng aming mga barko at taga-sagwan, har, har, har! Siyanga pala, di namin kasama itong mga higanteng ito, akala nga namin kasama niyo sila. Har, har, har, har! Ganun pa man, yaman din lamang huminto na sila sa pag-galaw e bilisan na natin at sumuko na kayo para maka-alis na rin tayo sa lugar na ito at baka biglang mabuhay pa ang mga iyan, 'tay tayo dyan, har, har, har!" Tugon naman ni kapitan Lerwal sabay utos na itutok ang lahat ng kanilang mga kanyon kina haring Plenaril.
"Yaman din lang na di pala kayo makukuha sa pakiusapan, ikinalulungkot ko ang kasawian mo at ng lahat mong kasamahan." Ani ng hari sabay utos sa kanyang mga kawal na maghanda sa labanan.
"Kung gayon, mga kasama! Paulanan na sila ng mga bala ng ating mga kanyon, har, har, har!" Pag-uutos ng kapitan
At sabay-sabay na sinindihan ng mga pirata ang kanilang mga kanyon at pinaputukan sina haring Plenaril. Mabilis namang ginamit nina haring Plenaril ang kani-kanilang kalasag na nagbigay proteksyon sa kanila laban sa mga bala ng kanyon at pagkatapos nun ay sila naman ang umatake sa pamamagitan ng pagbuga nila ng mga apoy na nanggagaling sa kanilang mga espada na nagdulot ng pagkasunog ng mga layag ng mga barko ni kapitan Lerwal.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga barko ni kapitan Lerwal at nagdulot ng panganib na lumubog ang mga ito sa karagatan. Dahil dito ay napilitan silang humingi na ng saklolo.
"Kapitan Lerwal! Matutupok na po ng apoy ang ating mga barko! Ano po ang ating gagawin?" May pangambang tanong ng isa sa mga pirata ng kapitan
"Madali! Ikarga ang ating mga balang pangsaklolo sa mga kanyon at ipaputok ito ng paitaas sa himpapawid, harrr!" Utos ng kapitan
Sa ganitong kalagayan iniwan ni haring Plenaril at ng kanyang hukbo sina kapitan Lerwal at ang kanyang mga pirata at mabilis na umalis at nagpatuloy sa kanilang misyon sa kaharian ng Klopeysyus.
"Babay kapitan! Isang karangalan ang talunin ka! Sa muli nating pagkikita kung magkita man, kitakits! Har, har, har!" Pangungutya ni haring Plenaril habang papapaalis kasama ng kanyang tapat na alagang si Adebnas at kanyang mga hukbo na sakay sa kani-kanilang kabayong dagat maliban sa hari na sa mga dolpin nakasakay.
Samantala....
Narating na rin ng asul na agila ang kinasasadlakan ng palkong bughaw at ni Ibonarra sa gitna ng karagatan. At nang akmang dadagitin na niya si Ibonarra mula sa palkon ay bigla na lamang siyang natigilan nang masaksihan niya sa himpapawid ang pagsabog ng mga asul na liwanag na nanggaling sa mga pinaputok na bala ng kanyon. Kaya't dali-dali niyang nilipad ang kinaroroonan nina kapitan Lerwal upang sila'y saklolohan at iwanan na muna ang palkon at si Ibonarra.
May ilang oras din ang nilipad ng asul na agila at narating din niya ang kinaroroonan nina kapitan Lerwal sapagkat may kalayuan din ang kanyang kinaroonan mula sa kapitan at kanyang mga pirata. Halos nasa kalahating porsiyento na ng mga barko ni kapitan Lerwal ang natutupok ng apoy at sa lakas ng pagaspas ng mga malalaking pakpak ng asul na agila ay agaran niyang napuksa ang kumakalat na apoy sa lahat ng barko ng kapitan.
"Har, har, har! Talagang maasahan natin ang ating kaibigang si Tene. Harrr! Madali kayo iangat na ang mga angkla at nang tayo'y makaalis na dito! Mga taga-sagwan! Magsihanda na kayo! Sundan ang mga kabalyerong yaon at magbabayad sila sa kalapastanganang ginawa nila sa atin! Harrr" Pag-uutos ng kapitan
Nang papaalis na sina kapitan, biglang natuon ang pansin ni Tene sa malaking sawang tangan-tangan ng isa sa mga higanteng taong bato. Kanya itong namukhaan at naalala kaya't kanya itong pinuntahan at muling dinagit sa ulo nito at binitbit.
"Harr! Tene! Bakit mo dinala yang ulupong na iyan?! Ano ang pakay mo diyan? Sige na nga, basta ikaw ang bahala diyan, harrr." Paalala ng kapitan.
BINABASA MO ANG
Klopeysyus 2-Ang Ikalawang Aklat
AcakHindi pa man lubusang napapagtagumpayan ang masalimuot na kalagayang kinakaharap ng kaharian, heto't muli na naman silang nahaharap sa isang matinding pagsubok. Paano kaya haharapin ni haring Ngepoy at ng kanyang mga kasama ang panibagong hamon na s...