Matebound #2
{FLAME SAFFIRE'S POV}
*Tok tok!!!*
"Saffire!Gising na!!Aba!"
Agad akong napabalikwas dahil sa ingay.Ano ba yan.Keaga-aga nang-iistorbo.Tsk...
*TOK TOK TOK*
"Hoy,saffire!Lumabas ka na nga dyan sa lungga mo!Isa!Pag-hindi ka pa lalabas dyan talagang mag-papatawag ako ng puli--"
"Opo!Nandyan na po,aling brena!"
Padabog akong tumayo sa kama ko at binuksan ang pinto then tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni aling brena.Ang land lady ng inuupahan ko.
"Bakit po?"
Inaantok kong tanong at humikab.
"Aba!Asan na yung pangako mong babayaran mo ako ngayon?!Asan?!"
Agad akong napakamot sa batok ko at ngumiti.
"Ah eh..Uhm...Pwede po bang isang libo muna?Talagang short pa ako ngayon eh.Siguro mamayang hapon payung isang libo."
Bigla syang namula dahil sa inis at lumaki yung ilong nya.Nag-mukha tuloy syang turo.Hehehe.Peace..
"O sya!Basta siguradohin mong kumpleto na ang bayad mo sa akin mamayang hapon,okay?Aba dalawang buwan ka ng hindi nag-babayad."
"Opo.Pangako po."
Saad ko at ngumiti.Nag-taka naman ako nung bigla nyang nilahad ang isang palad nya sa harap ko.
"Uhm..."
"Yung isang libo mo!Asan!Jusko,saffire!Baka ikaw pa ang dahilan kung bakit ako mamamatay agad eh!"
"Ayy,sorry po."
Kinuha ko naman yung jeans na nakasabit sa likod ng pintuan.Kinapa ko naman ito at nahanap ang isang libo kaya naman binigay ko na kay aling brena.
"Sige aalis na ako.Basta mamayang hapon,okie?"
"Opo."
Inirapan nya lang ako saka umalis kaya naman agad kong sinirado ang pinto at bumuntong hininga.
Akmang babalik na sana ako sa kama ng mahagip ng mata ko ang relos na nakasabit sa dingding ng apartment.
"6:38?!!"
Hindi makapaniwalang tanong ko.Dali-dali kong kinuha ang towel at agad naligo..Male-late na talaga ako!
*Bihis*
*Kain*
*Toothbrush*
Sinuklayan ko muna ang mahaba na itim kong buhok bago umalis.
Dali-dali akong bumaba at lumabas ng bahay ni aling brena at hindi mapakaling nag-hihintay ng trycicle.
"Ayun!"
Sambit ko ng makakita ako ng trycicle na papunta sa gawi ko.Agad ko naman itong pumara.Buti naman at wala itong pasahero kaya tumigil sa harap ko.
"Sacarlosnationalhighschoolpo!"
Mabilis kong sabi at pumasok sa trycicle at umupo.Nakita ko namang kumunot ang noo ng driver habang nakatingin sa akin.
"Ano?Paki-ulit nga."
Inis ko syang tiningnan.
"Sa carlos national highschool po ika ko!"
Sigaw ko dahilang magulat yung driver.Akmang mag-sasalita pa sana sya pero pinanlisikan ko sya ng mata.Mukha namang natakot ang driver dahil mabilis nyang pinaandar ang trycicle.
Hindi naman nag-tagal nakarating na kami kaya agad akong bumaba at tatakbo na sana nang bigang sumigaw ang driver.
"Hoy!Yung bayad mo!May balak ka pa atang takbuhan ako matapos mo akong sigaw-sigawan kanina!"
"Opo!Wag po excited!"
Sabi ko at kumuha 10 pesos sa bulsa ko.Binigay ko naman sa kanya at tumakbo na papasok sa campus.
Agad kong binuksan ang pinto at napahinga ng malalim.Tamang-tama nakatalikod si ma'm gonzales dahil nag-susulat sya ng mga alien word (Numbers) sa board kaya hindi nya ako nakikita ngayon.
Yung mga kaklase ko naman nag-pipigil na ng tawa.Lihim akong napairap at hindi sila pinansin.
Dahan-dahan akong nag-lalakad patungo sa assigned seat ko ng biglang...
"You're late AGAIN.Ms.Wilson."
Uh-oh.Mariin akong napapikit at dahan-dahang humarap kay ma'am gonzales.
"Ah eh...Ano kasi ma'am eh.."
Tinaasan nya ako ng kilay at pinanlakihan ng mata.
"M-may traffic kasi.Ganun."
Palusot ko habang kinakamot ang batok ko.
Mukha namang napaniwala si ma'am sa palusot ko kaya napahinga ako ng maluwag.
"Okay.Pwede ka ng maupo."
"Yes,ma'am."
Sabi ko at umupo sa tabi ni alexa.
"Sus.Traffic daw.Pfft~"
"Aish.Wag ka nga.Baka mabuking pa ako ng wala sa oras eh."
Bulong ko at inirapan sya.Mahina syang napatawa.
"Okay."
"Whatever."
I mumbled.
YOU ARE READING
Matebound
FantasyHer name is Flame Saffire Shanovia but now she's known as Flame SaffireWilson.Isang prinsesa na namuhay sa mortal world dahil sa kanyang mga magulang.Ayaw narin nyang bumalik sa mundo kung san sya nararapat dahil ayaw na nyang balikan ang alaala at...