Matebound #22:Lost

8 1 0
                                    

Matebound #22:Lost

{FLAME SAFFIRE'S POV}

Bigla na lang dumilim yung paligid at lumakas yung hangin kaya napahigpit yung hawak ko kay blake at mariin na ipinikit ang mga mata ko.

Mga ilang segundo nagulat na lang kami nung bigla na ulit lumiwanag pero...

"Where the heck are we?"

Kunot noong tanong ko habang nakatingin sa paligid.Sa huling pagkakatanda ko kasi yung puno sa forbidden forest ay puro patay yung tipong wala ng kulay pero ito.Buhay na buhay at parang kakadilig lang nung mga halaman dahil medyo basa.

"Napasarap ata ang pag-yakap mo sa akin."

Agad akong napatingin kay blake na nakangisi.Marahas ko syang tinulak papalayo at tumalikod saka tumikhim.

"Asa!"

Saad ko at humalukipkip.

"Pero seryoso.Nasan ba talaga tayo?Sina jade bakit hindi natin kasama?Saka pano tayo napunta dito?"

Sunod-sunod kong tanong at humarap ulit kay blake..

"Were here in the Rain Forest.I think?Where low class zombies lived."

Agad akong natigilan at nanginginig na tumingin sa kanya.

"What?!"

I exclaimed.

"You should seen your face.Haha!"

Again natigilan ulit ako.T-tumawa ba sya?For the first time!Ngayon ko lang narinig yung tawa!Kahit nung bata pa kami hindi ko pa narinig yung tawa nya.

Infairness,ang ganda pakinggan!

Bigla syang napatingin sa akin at tumigil sa kakatawa kaya napa-pout na lang ako.Gusto ko pa pakinggan yung tawa nya eh!

"Why are you looking at me like that?"

"Uy.Tumawa ka nga ulit."

Kumunot yung noo nya at tiningnan ako ng masama.

"Inuutusan mo ba ako ha,babae?"

Tinaasan ko sya ng kilay at humalukipkip.

"Ikaw na ang nag-sabi nyan.Hindi ako.Tss."

Pag-tataray ko.

"Pero seryoso.Pano tayo napunta dito?"

"Naalala mo ba yung halimaw na tinapunan tayo ng poison smoke?"

Tumango naman ako at sinundan sya pag-lalakad.

"Hindi lang yun ang enchant ng halimaw na yun.Kaya rin nyang iteleport ang mga bagay o enchanter sa isang lugar.Kaya tayo napunta dito."

"Kung ganun.Pano tayo makakaalis dito?"

Tanong ko.Tumigil sya sa pag-lalakad kaya tumigil rin ako.Tiningnan nya ako at binigyan ako ng sobraaaaaannnnggg gandang sagot na wala nang makakatalo.

"I don't know.Tinatamad akong mag-isip."

Kibit balikat nyang sagot at nag-lakad ulit.Oh,diba!Ang ganda ng sagot!

"Mag-isip na nga lang tinatamad ka pa!Jusko!"

{JADE'S POV}

"Waaahh!Bakit ang hirap pasukin ng isip mong halimaw ka?!"

Maktol ko habang nakapout.

"Gaga!Pwede ba?!Wag ka munang magpaka-isip bata dyan!Nawawala na nga sila blake oh!"

Singhal naman ni kambal.Hindi naman ako bingi para sumigaw sya noh!*Sigh*Dahil hindi ko naman mapasok ang utak ng halimaw ay ginawa kong invisible ang sarili ko at nag-summon ng spada.

Mabilis akong tumakbo sa likod ng pangit na halimaw na sya ang dahilan kung bakit biglang nawala sina saffy!Huhuhu.

Agad kong hinampas ang spada sa likuran nya kaya napasigaw sa sakit ang ugly monster.

Tumutulo pa nga yung laway eh.Kadiri!

Nag-concentrate agad ako at pilit na pinapasok ang isip ng halimaw hanggabg sa nagawa ko nga.

"Guyzz!mNagawa ko ng pasukin ang isip ni ugly monster!"

"Good!Next,try to control its mind or whatsoever na makakatulong sa amin."

Cyrene comanded.

"Alright."

I sighed at pinipilit na kinocontrol ang isip ng halimaw o papasabugin ang isip nito pero.

*Boggssh!

"GROARR!"

"Aray!"

Daing ko ning tumama yung likod ko sa puno.Agad akong napahiga habang namimilipit.Huhuhu!Bad monster!Pangit na nga,masama pa!

Naramdaman kong nawala na yung pagiginh invisible ko at dahil nasa harap ako ni ugly monster na nakahandusay ay agad syang napatingin sa akin.

Feeling ko tuloy nilagyan ng semento yung buong katawan ko nung biglang napatingin si ugly slash bad monster.

Nanginig na lang yung katawan ko nung tuluyan syang lumapit sa akin at tinaas yung kaliwang kamay nya na may mga matutulis na kuko.Ay bongga!Nag-manicure pa sya huh.Samantalang ako hindi...

"Waahhh!'

Sigaw ko nung kakambrasin na sana nya ako buti na lang ay gumulong ako sa lupa kaya yung braso lang ang nasugatan pero…

"Waahhh!Ang sakit!Ayoko na!Huhuhu."

"Ayos ka lang?"

Tanong ni josh.

"Eh?Mukha ba akong maayos?!Kitang sinaktan na ako nung ugly monster eh!"

"Aiissh.Sorry naman..Basta dyan ka na lang,okay?Kami na ang bahala."

Tumango lang ako bilang sagot at ginawang invisible ang  sarili ko.Umalis na si josh at tinulungan sina  Cyrene.

Huhu.Ang sakit talaga ng  braso ko!

{NARRATOR'S POV}

Walang ibang ginawa si jade kundi ang mag-tago at panoorin sina cyrene na nakikipag-laban.Gustuhin man nyang tumulong pero hindi nya magawa dahil humahapdi at mas lalo nang sumasakit ang sugat na nasa braso nya dahilang sya ay manghina.

Gumagawa ng barrier si archer para kahit papaano ay hindi sila masaktan sa binibigay na stake ng halimaw.Isa ito sa mga kapangyarihan ni archer.

Hindi nya muna ginagamit ang teleport attack nya upang hindi sya agad mapagod.

Habang si everly naman ay nakikipag-tulungan Kay cyrene.Gumawa ng Shock wave so everly at pinalakas naman Ito no cyrene saka inatake sa halimaw.

Sinbayan naman ito ni renz ng electric spark sa shock wave nung binato na ni everly any shock wave kaya tumalisik ang halimaw at nanghina. Napangisi naman si archer at sinabayan na nya ng teleport attack kaya naman knock down na ang halimaw. Sumimangot na lang si jade sa tabi sabay bulong ng 'Pwede lang rin pala ipag-sama ang kapangyarihan nila pinahamak pa nila ako. Kaloka'

MateboundWhere stories live. Discover now