Matebound #4

15 2 0
                                    

Matebound #4

{FLAME SAFFIRE'S POV}

"Parang may something sa gubat na yan eh."

Sabi ko at inalis ang tingin sa gubat.

"Tama ka.Nga pala.Bibili lang ako ng makakain natin,mukha ka na kasing gutom eh."

Sabi nya at tumayo.

"Sama na lang ako."

"Wag na.Babalik naman ako agad."

Nakangiting sabi nya at umalis..

Bumuntong hininga na lang ako at sinandal ang likuran ko sa sandalan ng bench.

Ang bagal pa naman ng babaeng yun.

*10 minutes later*

"Aish.Gutom na ako."

Nayayamot narin ako!Aba!Ang bagal nya talaga.

Asan na kaya nagsuot-suot yun?

*20 minutes*

Padabog akong nag-crossed arm habang nakasimangot.Dapat sumama na lang ako eh!Para naman malaman ko kung san-san na nagga-gala ang babaeng yun.

*30 minutes*

Imbis na mas lalo pa akong mainis sa kanya ay bigla na lang akong kinutuban.Yung feeling na parang may mangyayaring hindi ko inaasahan.Alexa,asan ka na ba kasi?

*1 hour later*

Kung kanina ay kinutuban ako,ngayon ay kakaibang kaba na ang nararamdaman ko.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatayo at pabalik-balik sa pag-lalakad.

Napapatingin na nga sa akin yung mga tao like I'm the weirdest girl that they ever seen.Pero hindi ko na sila pinapansin dahil mas mahalaga si Alexa!

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Aaminin kong hindi ako masyadong naging mabuting kaibigan sa kanya pero mahal ko parin ang babaeng yun.Hindi lang talaga ako showy-type.

Saka sya na nga lang ang meron ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Relax ka lang,saf.Baka naman may binili pa syang iba kaya natagalan.

'AHHHHHH'

Bigla akong napatingin sa gubat ng makarinig ako ng sigaw galing mismo sa gubat.

Tumingin ako sa mga tao pero parang wala man lang silang narinig.

Dahil nacu-curious at nagdu-duda ako ay naisipan kong pumasok sa weird na gubat na'to.

Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok dahil sa kakaibang aura.Tama nga si alexa.Sobrang creepy.

'AHHH!!!!TULONG!PLEASE!!'

That voice.

"Alexa!"

Sigaw ko at tumakbo..Hindi ako pwedeng magkamali.Kilalang-kilala ko ang boses nya!

'HELP ME!!'

Mas lalo kong binilisan ang pag-takbo at sinundan ang boses.

"Alexa!!Asan ka?!!"

Pasigaw kong tanong.Alam kong impossibleng marinig nya yun pero-

'SAFFIRE!!'

"ALEXA!"

Oh god,please protektahan nyo sana si alexa.Please....

Mas lalo kong binilisan ang pag-takbo at tumakbo sa left side dahil dun na side narinig ko ang boses niya.

'AAHHH--'

Agad akong napatigil sa pag-takbo ng makita ko ang isang taong naka-itim habang nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya.

Nagulat na lang ako na humarap ito habang hawak si.....

Biglang nanlamig ang buong katawan ko ng makita si alexa na nakaluhod habang naliligo sa sarili nyang dugo.Dilat na dilat pa ang mga mata nya pero wala na itong buhay.

Binitawan na lang ito ng nakacloak kaya nakahiga na ang bangkay ni alexa sa lupa.

"A-alexa."

Sabi ko.Naramdaman ko na lang ang pag-tulo ng luha ko.

I closed my fist at tiningnan ng masama ang pumatay sa bestfriend ko.

"A-ano bang ginawa nyang masama sayo?!!"

Nagagalit kong tanong habang tumutulo ang luha ko.

Ngumisi sya.

"Wala naman.Gusto ko lang makitang nasasaktan ka."

Nakangising sagot nya.Agad ko syang inatake at susuntukin na sana sya pero bigla nyang nasalo ang kamao ko.

"Oopps.Not so fast,young lady."

I gritted my teeth at binigyan sya ng back kick kaya nabitawan nya ang kamay ko at napahawak sa mukha nya.

Agad ko syang sinuntok sa mukha nya dahilang dumugo ang gilid ng labi nito.

"Still strong huh?"

Bulong nya at tumingin sa akin.

"But still not enough...I want you to show me your enchant."

"Sino ka ba para utusan ako?!"

Giit ko at sinipa sya pero agad nya itong naiwasan.Sasabayan ko pa sana ito ng axe kick pero nagulat na lang ako ng biglang nilabas nya ang isang Ice Arrow.Buti na lang at naiwasan ko ito.

"W-what are you?"

Nauutal kong tanong.Impossible namang isa syang enchanter dahil si daddy lang ang nakakagawa ng portal patungo sa mundong'to.Unless--

"You guess?"

He smirk.Biglang nahagip ng mata ko ang malaking tattoo nya sa leeg nya.Isa itong dragong na tinusok ng isang spada at pinalibutan ng rosas.

N-no way.That tattoo..

"I-isa kang ostarian."

Hindi makapaniwalang sabi ko.

MateboundWhere stories live. Discover now