Matebound #18:Ostarians
{FLAME SAFFIRE'S POV}
"Ang harsh mo,alam mo ba yun?"
Nasasaktan 'kuno' nyang sabi.Inirapan ko muna sya bago sumagot.
"Matagal ko ng alam."
Walang ganang sabi ko kaya tinawanan na lang sya nina renz.
"Guys.Bumili na lang kaya tayo ng makakain natin?Pati narin kena Hauley.Para mamayang gabi hindi na tayo hahanap ng pagkain."
Bulalas ni Cyrene.Nagsitanguan na lang kami at pinabantay kay Josh sila Rea dahil kami na lang ang bibili ng pagkain kahit prutas na lang.
**
"Ate,magkano po ito?"
"50 enchance lang iha pag-isang kilo."
"Uhm.Dalawang kilong mansanas nga po,ate."
Sabi jo.Tumango naman sya at binigay sa akin ang kedaming mansanas.Agad akong kumuha ng 100 enchance sa bulsa ko at ibinigay kay ate.
"Salamat po."
Magalang kong saad at kinuha na ang dalawang supot na may lamang mga mansanas saka umalis.
Yung isang kilo na binili ko kasi ay kay joshua yung isa naman malamang sa akin.Jusko ang bigat naman nito.
"Saff.Tulungan na kita."
Muntik na akong mapatalon ng biglang sumulpot sa harap ko si renz na may dala-dala ring supot.Mansanas rin ata ang laman nun.Ay ewan.
"Tulungan na kita."
Pag-uulit nya.Lihim akong napangiti.
"No.Kaya ko naman eh."
Sagot ko.
"Kaya daw eh kulang na nga umupo ka na dyan sa lupa dahil sa bigat.Akin na nga yan."
Nagulat na lang ako na agad nyang hinablot ang isang supot sa akin.Nakangiting tiningnan nya ako.>\\\\<
"Tara?"
"S-sige."
Nagkukwentuhan lang kami habang naglalakad hanggang sa nakarating na kami kena josh kaya agad na ibinigay ni renz ang supot kay josh.
"Anong sunod dito sa nashville?"
Tanong ni jade habang kumakain ng...Sweetcorn.-.-
"Hravity Falls.Medyo malapit lang ito sa Forbidden Forest kaya kailangan nating mag-ingat lalo na pag nagpapahinga na tayo dun."
He answered and shruged his shoulder na parang wala lang sa kanya.Napairap na lang ako at sumakay na kay rea.
"Let's go,it's getting dark."
I said.Tumango na lang sila at sumakay narin sa mga kabayo nila.
"Haa!"
Sigaw ni Blake at pinatakbo ang kabayo nya.Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan ng kabayo nya ay Blast.Anyway,Sumunod na kami sa kaniya hanggang sa nakalabas na kami ng village.
Agad akong natigilan nung may naramdaman akong kakaiba.
"Someone's coming."
I seriously said.Tumigil sila at pinakiramdam rin ang paligid.Nagulat na lang kami ng biglang may nakapalibot na barrier sa amin.Tamang-tama rin yung pag-labas ng mga pana sa gawi namin pero buti na lang walang nasaktan dahil sa ginawa nina rea.
Huminga ako ng malalim.
"Show yourselves so we can able to kick your asses."
Malamig na sambit ni Blake.

YOU ARE READING
Matebound
FantasyHer name is Flame Saffire Shanovia but now she's known as Flame SaffireWilson.Isang prinsesa na namuhay sa mortal world dahil sa kanyang mga magulang.Ayaw narin nyang bumalik sa mundo kung san sya nararapat dahil ayaw na nyang balikan ang alaala at...