Matebound #15:Confessions

10 1 0
                                    

Matebound #15:Confessions

{FLAME SAFFIRE'S POV}

[Calling the attention of the 4th year Class S student.Again,Calling the attention of the 4th year Class S student.Pinapatawag kayo ni Headmaster Ram sa kanyang opisina.]

Agad kaming napatigil at napatingin sa isa't-isa na nagtataka.Syempre maliban sa ISA dyan.

"Tara."

Aya ni josh kaya tumayo na kami at naglakad patungo sa opisina ni HM.

"Ano naman kaya ang kailangan sa atin ni Headmaster?"

Tanong ni jade pero ni isa wala syang natanggap na sagot kaya napanguso sya.Tatawa sana ako ng biglang nahagip ko ang pag-ngiti ni josh habang nakatingin kay jade.Hmmm.

Mukhang napansin ata ni jade ang pagtitig sa kanya ni josh kaya medyo nailang sya at mas lalong napanguso.Mahina akong napatawa.Hindi na ako mag-tataka kung sila ang naka-tadhana sa isa't-isa.Bagay rin naman kasi sila eh.Parehong isip bata.Pero ang pinagkaiba lang ay mapang-asar na isip bata si josh habang matakaw na isip bata naman si jade.

Mga ilang minuto nakarating na kami sa opisina ni Headmaster kaya agad namin syang tinanong kung bakit nya kami pinapunta dito.

"May natagpuang patay ang mga class S college students."

Seryosong sabi nya kaya lahat kami ay napatigil.

"A-ano?Bakit parang wala man lang alam ang mga studyante dito?"

Tanong ni Renz.

"Ayaw kong matakot sila.Baka kasi aalis na sila dito dahil sa takot.Sapat na yung nakita nila kahapon."

Bumuntong hininga sya.

"Ngayon lang rin kasi ito nangyari dito."

Dugtong nya at bumuntong hininga ulit.

"So,ano po ang gagawin namin?"

Tanong ni cyrene.Nakatingin lang ako sa kanila.Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin.

"Teka,dad!May itatanong lang po sana kami."

Sabat ni josh kaya napatingin kaming lahat sa kanya.Tumikhim muna sya bago nag-salita.

"May alam po ba kayo upang mapalakas ulit ang barrier?"

"Yun nga ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta rito."

Seryoso nyang sabi at kumuha ng isang libro galing sa drawer nya.Mukhang luma na yung libro dahil medyo maabog na at nawawala na yung kulay.

"Naalala ko ang librong ibinigay sa akin ni Sebastian.Sinabi nya ring kakailangan ko ito sa tamang panahon kaya ito na siguro ang panahong yun."

Agad akong napatingin sa libro at bumuntong hininga.

"Nabasa kong may iba pa palang paraan upang mapalakas muli ang barrier sa unubersidad kahit wala na si Sebastian.Kailangan nyo lang hanapin si Roulle Stone.Ang Rock Lord."

Napatigil naman ako at napatingin kay archer.

"Ano daw?Drug lord?"

Tanong ko.Aba,may drug lord na pala dito?Grabe hindi man lang ako na-inform.

Nagulat na lang ako na bigla aking binatukan ni archer.

"Gaga.Anong drug lord pinagsasabi mo dyan?Rock lord po sabi nya.Rock lord.Nakakaloka!"

"Sorry naman.Tsk."

Paumanhin ko at inirapan sya.

"Sya ang nangangalaga ng Elemental Rock o tinatawag na Elemental Stones.Maaari nya tayong matulungan sa pamamagitan ng mga bato nya.Since 4th year student kayo at Class S pa.Binibigyan ko kayo ng isang mission.At yun ay hanapin si Roulle Stone at ipadala dito."

MateboundWhere stories live. Discover now