Matebound #23:With Him
{FLAME SAFFIRE'S POV}
Habang nag-lalakad ay nakasimangot lang ako.At mas lalo pa akong napasimangot nang makita ang isang malaking puno na dinaanan namin.
"Kung hindi ako nag-kakamali mga 5 times na natin nadaanan ang giant tree na'to. "
Walang ganang bulalas ko.Yay, 5 times na namin nadaanan ang giant tree na yan hanggang sa naabutan na kami ng gabi.Saka seryoso.Gutom na ako!-_-b
"Uso naman siguro sayo ang salitang 'pahinga' noh? Kasi kung oo, please lang! Magpahinga muna tayo!Yung paa ko parang minasacre na dahil sa sobrang sakit!! "
Reklamo ko. I heard him hissed at lumingon sa akin.
"You don't need to shout,saffire!I'm not deaf, you know.Tss."
He hissed.Umirap na lang ako at akmang sasagot ng biglang may tumulong tubig sa mukha ko galing sa taas.
May sumunod na namang isa,may sumunod na naman hanggang sa dumadami ito at lumalakas ang buhos.
"Naman!Ang malas!"
Sigaw ko habang tinitingnan ang sarili naming basang-basa na dahil sa ulan.
"Kailangan nating humanap ng masilungan!!"
Pasigaw nyang sabi. Ang lakas naman kasi ng ulan yung tipong hindi ka na makakarinig at makakakita.
Nagulat na lang ako nung bigla nyang hawakan ang kamay ko saka kami tumakbo.Dahil sa lamig hindi ko na nagawang umangal pa at hinayaan na hatakin ako kung saan.
Habang tumatakbo sa kamay lang namin ako nakatingin.Hindi ko Alam pero habang hawak nya ang kamay ko pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at feeling ko masyado akong ligtas sa kanya.Marahan kong iniling ang ulo ko. Normal lang namang bumilis ang tibok ng puso mo, saff. Tumatakbo kayo eh.
Agad syang tumigil kaya napatigil rin ako sa pag-takbo dahil hawak nya naman yung kamay ko.Tumingin ako sa harap naming at may nakita kaming isang kweba.
Hinila nya ulit ako at pumasok dun. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa lamig at dilim ng kweba. Gumawa ako ng isang flame sa kaliwang kamay ko na nag-sisilbing ilaw sa kweba.Ibinato ko yun sa lupa at kinontrol para hindi mamatay yung apoy.
Yakap-yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig saka umupo sa lupa.
"You're a fire manipulator, right? Bakit Hindi mo painitin ang katawan mo para hindi ka lamigin?"
Napairap naman ako sa kawalan dahil sa sinabi nya.
"Tingin mo ba maka concentrate ako kung gawin ko yun? Sa sobrang lamig nito? Palibhasa kasi isa kang water at air prince kaya hindi ka madaling lamigin. "
Mahabang sagot ko habang hindi sya tinitingnan.Kukulo lang ang dugo ko eh.
"Teka…Kung patigilin mo kaya ang ulan?"
Suggest ko at tumingin sa kanya. Sya naman ang napirap sa sinabi ko. Kung Hindi ko lang sya kilala siguro mapagkamalan ko sya ng bakla.
"Hindi pwede.Isa yun sa mga rules sa mundong 'to.Maliban na lang kung sobrang sama na ng dala ng weather dito, dun na namin pwedeng kontrolin."
Sagot nya ni hindi man lang tumingin sa akin.Teka, bakit ba ako naiinis?
"Tingin mo, bakit tayo sinugod ng mga ostarians dun sa green forest?"
"Masyado namamg obvious na inuunahan nila tayong makuha ang Rock or ang stone lord."
Sagot nya.
Marahas akong bumuntong hininga at mas lalong napayakap nung biglang humangin. Muntik na ngang mamatay yung apoy buti na lang agad ko itong nacontrol.
"God,I'm really cold."
I said through my gritted teeth.Narinig kong bumuntong hininga so Blake and then I felt a large clothing wrapped around my shoulder, keeping me warm.I looked at him with my confused look.
"H-hindi ka ba lalamigin?"
Tanong ko.
"Nah,I'm the water & the air prince.Also the Ice Prince kaya hindi ako lalamigin."
Bored nyang sagot.A little smile formed in my lips.Blake can be charming and caring if he wants to. Hindi lang talaga showy type.Haha.
Tumingin na lang ako sa apoy at hinawakan ang hood jacket na nakapalibot sa balikat ko.
"Thank you."
Bulalas ko.Nakita ko naman sa peripheral vision ko na ngumiti ng konti si blake.Kaya napangiti rin ako.
Kung meron lang talaga ako sa mood mang-asar. *Sigh*
Ngayon ko lang rin narealize na ngayon lang kami nag-usap ng ganito kaayos.Yung hindi nag-sisigawan at nag-titinginan ng masama.
I guess he's not that bad after all.
Pagkatapos Kong magpasalamat at binalot na kami ng katahimikan.Buhos ng ulan at lakas ng simoy ng hangin lang ang naririnig namin.
I keep quiet and lay on the dirt so I can sleep comfortably.Before I fall into a deep sleep I heard Blake's voice. .
"Sweet dreams,flame."
![](https://img.wattpad.com/cover/89948423-288-k124051.jpg)
YOU ARE READING
Matebound
FantasiHer name is Flame Saffire Shanovia but now she's known as Flame SaffireWilson.Isang prinsesa na namuhay sa mortal world dahil sa kanyang mga magulang.Ayaw narin nyang bumalik sa mundo kung san sya nararapat dahil ayaw na nyang balikan ang alaala at...