Matebound #13:Punishment

16 1 0
                                    

Matebound #13:Punishment

{BLAKE ASHTON'S POV}

"Sya naman talaga yung nauna eh!"

Pagtuturo sa akin ni Saffire.Bakit ba ang ingay-ingay nito?Her voice is so irritating.Tsk.

"Anong ako?Kung hindi mo lang kasi ako tinapunan ng Burger hindi ito mangyayari.Tss."

I said without looking at her.

"Kung hindi ka lang kasi gumanti edi sana hindi rin ito mangyayari!"

Agad ko syang tiningnan ng masama.

"Ano ako?Tanga?Para hindi gumanti?Bitch!"

"JERK!"

I was about to attack her ng biglang sumigaw si tito ram.

"Shut up both of you.Wala na akong pakealam kung sino ang nauna sa inyo.Here's your punishment."

---

{FLAME SAFFIRE'S POV}

"You've gotta be kidding me."

Hindi makapaniwalang bulong ko habang nakatingin sa harap namin.

Rinig ko pang napatawa ng mahina si headmaster ram kaya wala sa oras na napatingin ako sa kanya dahil sa inis.

"You guys need to wash ALL these dishes.No violence reaction,okay?Kung sinong may reklamo mas malala pa dito ang punishment."

Nakangising sabi nya habang nakatingin sa ming dalawa.Okay lang naman sa akin na maghugas ng mga plato,baso,kutsara at tinidor pero sobrang dami naman ng kailangan naming hugasin!Aabutin pa kami ng gabi nito bago kami matapos eh!

"Sure po kayong bawal gumamit ng enchant?"

Tanong ko.

"Bawal.Pasalamat pa nga kayo dahil ito lang ang pinakamagaan na punishment dito sa universidad.Dahil yung iba.Mas grabe pa dito."

Lang?Seryoso?Lang talaga?As in?Ugh!!

Nginitian nya muna kami at sa isang iglap bigla na syang nawala sa harap namin.Super speed.Tsk.

Bumuntong hininga ako dahil sa inis at padabog na kinuha ang gloves at hair net habang nakatingin kay blake na parang walang pakealam lang sa kanya ang punishment.Pssh.

"What?"

Naiirita nyang tanong.Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan ng bonggang-bongga.

"Ano pang tinatayo mo dyan?Mag-simula na tayo!"

Pasigaw kong sabi.Napairap na lang sya sa kawalan at nilampasan ako.

"Whatever."

"Whatever ka dyan.Akala mo naman kung sinong pogi."-Ako

Banggit ko habang sinisimulan ng sabunin ang mga pinggan.Napatigil sya sa pag-aalis ng mga tirang pagkain at tinignan ako with his usual bored look.

"The hell I care?Gwapo parin ako sa paningin ng lahat."

Ang yabang.Jusko!Baka pupunta si Yolanda dito eh.

"Buti naman inamin mong gwapo ka."

Sabi ko at sinabunan ulit ang mga pinggan.Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngisi nya kaya humarap ako at nameywang.

"Teka.Wag kang assuming,okay?Ang ibig sabihin kasi ng 'gwapo' na sinasabi ko ay GAGO,WALANG,ASAL,PARANG,ONGGOY.So,alam mo na ang inig sabihin ng gwapo?"

Pang-aasar ko at nginisihan sya.Binigyan nya ako ng nakakamatay na tingin.As if namang mamatay ako dyan sa tingin nya.

Lalapitan na sana nya ako pero...

*BOOOGGSSH!*

0____0

Pfft~

"Hahahahaha!!!"

I laugh habang tinuturo si Blake na nakadapa sa sahig.Hoo!Mag-dive ba naman daw sa sahig?Grabe!

"Laughtrip ka talaga tsong!Hahaha!Ilang isda ba nakuha mo?"

"Curse you!"

Sigaw nya sa akin haban namimilipit sa sahig.Napalakas kasi yung pagka-slide nya sa sahig since basa narin dahil sa tubig.

Pero yung mukha nya parin.Masyadong epic.Haha.

"Grabe ka blake!Pwede namang dun ka sa pool area hindi dito!Hahaha-"

*BOOGSSH!*

"ARAY!"

Daing ko nang madulas rin ako sa sahig.

"Oh I think the Karma is too fast for you,saffire."

Nang-aasar nyang sabi habang nakangisi.Tiningnan ko lang sya ng masama at hindi pinansin dahil talagang sobrang sakit ng pwet ko!

Bakit kailangan mo pa akong idamay sahig?

Argghh.

This is what you called KARMA.

*7:30 pm*

"Madapa ka sana ulit!"

Sigaw ko kay blake na naglalakad na palayo sa akin.Hindi nya ako pinansin kaya napailing na lang ako dahil sa inis.

Dahil sa sobrang dami ng mga hinugasan namin naabutan na kami ng gabi pero okay narin dahil hindi naman madilim dito sa university.Marami kasing mga lampshade dito saka marami paring studyante na naggagala dahil 9:00 pm pa naman yung curfew.

Dahil tinatamad akong mag-lakad at medyo malayo rin ang dormitory galing dito sa enchanteria kaya nilabas ko nalang ang pakpak ko at nagsimulang lumipad.

Napapikit na lang ako at dinamdam ang sarap ng simoy ng hangin..

"Saffire!"

Agad aking napamulat at nakita si renz sa tabi ko na lumilipad rin.Malamang,saffire.

"Hey.Gabi na ah.Bat wala ka pa sa dorm nyo?"

Tanong ko.Napakamot sya sa batok nya at nginitian ako ng alinlangan.

"Uh,hinihintay ko kasi si blake."

"Eh?Si blake nandun na ata yun sa dorm nyo eh."

Kibit balikat kong sabi at tumingin ulit sa harap.

"Yun nga.Nandun na pala sya kaya ihahatid na lang kita sa dorm nyo."

Nakangiting saad nya.Nginitian ko na lang sya pabalik.Nagkukwentuhan lang kami hanggang sa nakarating na kami sa dorm namin.

"Sige,renz.Alis na ako."

Tumango sya at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba?!"

Naiinis kong sambit at inalis kamay nya sa buhok ko.Napatawa naman sya ng mahina at napailing.

"You really remind me of someone."

Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok at napatingin sa kanya.

"W-who?"

"Someone that I like.Anyway,sweet dreams,saffire."

Nakangiting saad nya at naglakad palayo.

"G-good night."

Mahinang sabi ko habang nakatingin sa likod ni Renz na naglalakad papalayo sa akin.

MateboundWhere stories live. Discover now