-13-

12.4K 407 33
                                    

Chapter 13

Letter

--------------

I was so nervous after Simon and I had talked. Hindi na kasi siya nagsalita simula noon. He just drove us back pabalik sa bahay nila Luther.

Mag aalas siete palang ng gabi ng makabalik kami sa bahay. I felt so tired kahit ala naman kaming ginawa. Dumiretso si Simon sa bar ng bahay ni Luther at nagsalin ng alak sa kupita.

Me? Para akong lutang na nakatingin sa kanya mula sa inuupuan ko dito sa sala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I meant what I had told him, pero sa reaksyon niya? Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. I shouldn't feel this, right? Ginagawa ko lang ang tama. I don't want to hurt Glen. Pero bakit parang hindi matanggap ng sistema ko na, nasaktan ko si Simon? Ugh! Nakakabaliw!

Nakatingin ako sa kanya sa bawat pag galaw ng adams apple niya habang linulunok ang alak sa kupita. I want to say sorry. I want to comfort him. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Pero--- Ugh!what done is done. This overthinking will kill me!

Tumayo ako para pumunta sa kusina. Magluluto na lang ako ng dinner kesa naman mabaliw ako dito habang kinakain ng konsenya.

"Where are you going?" Malamig na usal ni Simon kahit nakatalikod siya sa akin. Natigilan ako at saglit na pinuno ng hangin ang aking dibdib.

"Kitchen, I-I'll just cook." Putol putol na sagot ko. Nakatalikod siya sa akin pero nakaharap ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.

"You don't have to, I ordered our food already." Hindi pa din siya tumitingin sa akin. May kung anong kumurot sa puso ko dahil sa tono ng pananalita ni Simon. His voice was like drained or something. I mean, yung parang walang buhay. And it made me bothered. A lot.

Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa sala. I opened the television. Pakiramdam ko ay sasabog ang bahay sa sobrang tahimik naming dalawa. 

Maya maya lang ay may narinig akong humintong  makina ng sasakyan. I was about to open the door ng bigla itong bumukas at iniluwa sila Luther with the two girls. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na kasi kayang tumagal kung kami lang ni Simon ang nandito sa loob ng bahay. It's awkward!

"Bakit nandito kayo? Bakit hindi kayo sumunod?" Sunod sunod na salita ni Sasha. Hindi ako kumibo. Napatingin ako kay Luther na tinaasan ako ng isang kilay at ininguso si Simon na tahimik pa din umiinom sa bar.

"What did you do this time?" Pabulong na sabi ni Luther pero sa tono ng may pag aakusa.

I rolled my eyes." Nothing," nag iwas ako ng tingin. Naiilang kasi ako sa paninitig ni Luther na para bang binabasa ang nasa isip ko.

Umiling siya na parang dismayado. "Yeah, nothing, huh?" He said sarcastically. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Sa inakto kasi ni Luther ay parang sigurado siya na ako ang may kasalanan kung bakit ganyan si Simon. Though, ako nga ba? Ala naman talaga akong ginawa diba?

I just want to make things clear about the two of us. May boyfriend ako, at worse ay kapatid niya pa. Bakit hindi iyon maintindihan ni Simon? And I hate him in the first place. Ibalik nalang niya yung pakikitungo niya sa akin dati. I'm not used of him being caring and sweet to me.

Umirap ako kay Luther at patakbong umakyat sa kwarto. I can't stay here for too long.

Pabagsak akong humiga sa kama. My phone still dead. I need to go home na para makausap ko na si Glen. Being with Simon and making that deal was a bad idea. Bakit ba kasi ako nadala?

Nakatulala ako sa kisame. Simon really messing my head. Hindi naman ako ganito sa kanya dati. I mean---- hindi siya makapasok sa sistema ko noon. Bakit hindi ko na siya maalis ngaun?

Fall For The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon